Chapter Thirty Two

166 3 0
                                    

EMERALD’S POV

Nakarating kami sa bahay ng walang nagsasalita. Bumaba na ako ng kotse. After I got off, I knocked on his window and he opened it.

“Zeke... Thank you sa paghatid.”

He wasn’t closing the window yet and he went away. Hindi ko alam kung bakit ganun siya. He seems to be very angry and puzzled at the same time. All I know is that I have to end what’s with Daryll and I.

Pagpasok ko, nandun si Daryll sa living room, nannonood ng TV.

“Daryll.”

“Bakit?”

“Pwede ba tayong mag-usap? Please?”

“’Di ba pwedeng ipagpabukas na lang ‘yan? Pagod ako. Galing ako ng w----“

“Sige na please.”

He turned off the TV.

“Tungkol saan ba ‘yan?”

“Daryll... Break na tayo.”

“WHAT?”

“I’m sorry.”

“Bakit?! Nagsawa ka na? Hindi mo ba alam kung gaano ka kaswerte na akong boyfriend mo?!”

“Hindi naman sa nagsawa ako pero ---“

“I’ve tried to be the best boyfriend naman ah?!”

“Best? Best na ba ‘yun Daryll?! Best na pala ‘yung hindi mo man lang ako maihatid sa office? Best na pala ‘yung hindi ko man lang maramdaman na sinusuportahan mo ako sa kung anong gusto kong gawin? Ikaw? Lahat ng support nakuha mo na sa’kin ah?! Gusto mong mag-engineer? Sige lang. Kahit gaano kagabi ka pang abutin, sasabayan kita. Ipagtitimpla pa kita ng kape, ipagrerefill ng markers, LAHAT ‘YON! Lahat ‘yon ginawa ko pero ano? Anong nakuha ko? Wala ‘diba?”

“Tungkol ba talaga ‘yan diyan?”

“Gusto mong malaman ‘yung totoo? Wala.”

“SO BAKIT MO GINAGAWA SA’KIN ‘TO?!”

“Si Daniel. Bumalik na siya.”

He took a deep breath.

“Si Daniel? Si Daniel Park na rival ko sa lahat ng bagay?! So what?! SO WHAT KUNG BUMALIK SIYA?! So nakikipaglokohan ka lang sa’kin for the past 8 years?!”

My eyes started to blur because of tears.

“Tandaan mo ‘to Emerald. Tandaan mo ‘tong gabing ‘to. Dadating ‘yung araw na babalik ka din sa’kin.”

He picked up his coat and left. Now, there’s no one I can turn to. Galit si Zeke, si Blake, pati si Daryll. Hindi ko naman alam kung malalapitan ko si Daniel. I went outside to catch some air at para makapag-isip isip. I sat on the front porch and a little later...

“Emerald?”

It was hard for me to recognize her. I know I met her but... Okay, I remember now.

“Yuri?”

“Ako nga! Long time no see! Kamusta ka na?”

“Ako? Actually... Hindi ko alam eh.”

“Bakit? Anong nangyari?”

I invited her to have some coffee sa bahay. Kinwento ko lahat. Simula 8 years ago hanggang sa nangyari kanina.

“Mahirap nga ‘yang sitwasyon mo. Naaalala mo ba nung huli tayong nagkita? ‘Yung nag-away tayo. Gusto ko lang mag-sorry.”

“Wala na sa’kin ‘yun.”

“Grabe. Baliw na baliw ako noon kay Daniel. Pero guess who I ended up to.”

“Kanino?”

“Naaalala mo si Brent?”

“Brent? ‘Yung nakaaway natin dati? TALAGA?!”

“Yep! Unbelievable no? That’s how love works, Emerald. Kahit gaano sila kagalit sa’yo ngayon, time will come na mawawala lahat ng ‘yon. Para sa’yo naman, sundin mo lang kung anong sinasabi ng puso mo. Tutulungan ka niya kung sino talagang para sa’yo.”

“Yuri...”

“Hm?”

“Thank you ha.”

“Thank you saan?”

“Para ngayon. Hindi ko inaasahan na ikaw pa ‘yung makikinig sa’kin ngayon. Salamat talaga ng sobra.”

The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon