Chapter Thirty Six

146 3 0
                                    

February 18

DANIEL’S POV

“Oh, I believe in who I am because of you...”

I was listening to Luke Benward’s “Everyday Hero” when I heard the door close. Akala ko si Sunny kaya hinayaan ko lang. I was sitting comfortably on the living room when I saw Zeke walked in...

“Oh Zeke, andito ka pala sa Kor---“

He grabbed me by my collar.

“Oo. Nandito ako kasi kailangan natin mag-usap.”

I can see he’s mad. Well, it really pissed my off.

“Bitawan mo ako.”

He put me off and slightly pushed me.

“Sumunod ka sa’kin.”

Okay, para matapos na ‘to, sumunod na lang ako. Naglakad kami ng naglakad hanggang sa makarating kami sa ospital kung saan nandun sila Emerald at Blake. Nakatingin kami sa kanilang dalawa mula sa labas. He started talking to me.

“Sana pinaubayan mo na lang siya kay Blake kung ganyan lang din ang mangyayari.”

“Alam mo na?”

“Na engaged ka? Oo naman. Bestfriend mo ako ‘diba? Paanong hindi ko malalaman?”

“So siguro alam mo na rin.”

“Na ano?”

“Na nahihirapan ako.”

“Nahihirapan ka?”

“Bestfriend kita ‘diba? Kaya siguro alam mo na ‘yun? O baka hindi pa. Kasi hindi mo pa nararanasan magmahal ng totoo.”

I planned walking away but he grabbed my shoulder and punched me straight in the face.

“Huwag mong isipin na porke model ka magdadalawang isip ako na sirain ‘yang mukha mo. Huwag mong ipapasok sa usapan ang issue ko sa buhay. Tungkol ‘to sa’yo. Kay Sunny. Kay Emerald.”

“Alam mo kung umasta parang gusto mo si Emerald. So ano? Tama ba ako?”

“Gusto mo talagang malaman? OO GUSTO KO SIYA. Pero dahil alam kong hindi mo siya iiwan, kinalimutan ko ‘yon kasi pinagkakatiwalaan kitang hindi mo siya sasaktan at sasaya siya sa’yo. Pero anong ginawa mo?! Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Kung bakit naging independent ako at strong willed. Sa’yo ko rin natutunan kung bakit hindi dapat ako manakit ng feelings ng iba. PERO ANONG GINAGAWA MO NGAYON?!”

“Anong ginagawa ko? Hindi mo alam kung anong ginagawa ko kung anong alam kong tama.”

“Ano ba sa tingin mong tama?!”

“Na sundin ko ‘yung papa ko.”

“So okay lang sa’yong masaktan si Emerald?”

“Papipiliin kita Zeke. Sino mas pipiliin mong sumaya? ‘Yung babaeng mahal mo? O ‘yung taong walang hinangad sa buong buhay niya kung hindi sumaya ka?”

He stood up and I did too.

“Bahala ka sa magiging desisyon mo. Basta tandaan mo, kung bibitawan mo lang ulit si Emerald, ako ang sasalo sa kanya kahit anong mangyari.”

He was walking his way out when I spoke.

“Paano kapag hindi ko siya binitiwan?”

He turned around.,,

“Hahayaan ko siya sa’yo. Hindi na ako manggugulo. Kaya pumili ka ng maayos. Kung ayaw mong maulit lahat ng nangyari ngayong araw na ‘to.”

He continued walking away. I sat on the bench. Lahat ng sinabi niya. Lahat ‘yon, it got me thinking again. Masakit makita na she’s with my bestfriend. Pero mas masakit makita na malungkot ang papa ko dahil sa isang pagkakataon na binigo ko siya. Pero paano ‘pag niregret ko ‘to? Future ko ang pinaguuspan dito. Who I want to spend forever with. HAAY. I put up my headphones and closed my eyes. Ito na lang ang alam kong escape sa lahat ng nararamdaman ko.

I felt someone tapping my shoulder. I opened my eyes and saw it was Emerald so I put down my headphones.

“Bakit ka nandito?”

“Ah. Wala naman. May binibisita lang.”

“May binibisita ba talaga o gusto mo na naman mag-isa? Wala ka nang makitang lugar na tahimik no? Oh, ano ‘yan? May sugat ka sa labi? Okay ka lang ba?”

“Ah, ito ba? Wala ‘to. Uuwi ka na ba? Tara sabay na tayo.”

“Tara”

Habang naglalakad kami pauwi, naalala ko lahat ng moments naming dalawa sa SBA. Lalo na kapag sabay kaming naglalakad noon galing school papuntang dorm. ‘Yung tawanan... Tampuhan... Sana ganun na lang kasimple lahat ulit.

“Congrats ha.”

“Ha? Saan?”

“Sa inyo ni Sunny. Congrats.”

I grabbed her arm and stopped her from taking her next step.

“Oh, may problema ba?”

“Masaya ka ba?”

“Masaya na?”

“Sabihin mo sa’kin na ‘wag kong ituloy ‘to. Hindi ko itutuloy para sa’yo.”

“Nagbibiro ka ba Daniel? Ang kapal ng mukha ko para gawin ‘yun. Hindi ko kayang saktan si Sunny. Mahal ka niya.”

“Mahal mo rin naman ako ‘diba?”

She didn’t answer. Naglakad na siyang palayo. Iniwan niya ako.

“Emerald. Hihintayin kita. Sa 24. Sa Jeju Island. 3PM.”

Alam kong narinig niyang sinabi ko. I will definitely wait for her.

The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon