Chapter Eleven

183 4 0
                                    

Emerald's POV

July 16, 7:00AM

Sabay kaming pumasok kanina ni Daniel pero ang tahimik niya pa rin. Ang weird nga kasi nagparaya siya sa kama. Sabi pa naman niya sa'kin nung huling gabi na marami kaming napag-usapan, Hindi siya komportable kapag wala siya sa kama. Isa pa 'yung siguro kaya siya tahimik. Hindi siya nakatulog ng maayos.

English Class kami ngayon 7AM. Pinag-uusapan na naman naming 'yung gagawin naming play na A Walk To Remember. Nagkaroon nga ng debate kung sino dapat 'yung maging Landon Carter eh. Si Daryll ba or si Daniel. Actually it's a close fight. Hindi nga naman bagay kay Daniel 'yung role kasi may pagka-badboy si Landon. Daryll got the role.

Science Class at 8AM. Matamlay pa rin si Daniel. GRABE! Ganyan ba siya kapag hindi siya nakakatulog ng maayos? Para 'yun lang e. Nahuli siya ni Sir na tulala and got reprimanded. I've never seen that kind of pathetic face before. Para siyang hindi si Daniel. Yeah, he has been alone before pero iba ngayon eh. Alam ko he's in his darkest situation ngayon.

Recess and lunch hindi siya sumabay sa'min. Nitong uwian naman, umuwi lang siya saglit then umalis din agad. Dala niya 'yung motor niya.

10:11PM. GRABE! EH MAS LATE PA PALA SIYA SA'KIN UMUWI EH! Kung pagalitan niya ko kagabi akala mo kung sin---

"EMERALD! EMERALD BUKSAN MO 'YUNG PINTO BILIS!" Yuri was shouting at my door.

"Oh, bakit? Anong nangyari? Kumalma ka nga!"

"SI DANIEL! NASA OSPITAL DAW SIYA! NABANGGA DAW KASI 'YUNG MOTOR NA SINASAKYAN NIYA! Tara na!"

I was shocked. Kinuha ko na 'yung bag ko and nagmamadaling umalis. We drove with Alessi's driver. Naisip ko na lang, ibig sabihin may problema nga siya. Hindi niya na naman sinabi sa'min. O kahit sa'kin na lang. Nawalan na naman siya ng tiwala sa mga tao sa paligid niya. Nakakainis. Ganoon na ba talaga siya nabago ng experiences at pressure sa kanya? Na hindi niya na kayang magtiwala kahit kanino? Haay. Hindi ako naubusan ng pag-aalala tungkol kay Daniel. I know he's a good person. Hindi niya lang maipakita kasi he's intimidated na baka husgahan siya ng ibang tao.

After a few minutes nakarating na kami sa hospital. We rushed to his room and found out na walang nagbabantay sa kanya.

Yuri was teary eyed. I want to cry pero I know I have to be strong. Sa klase ng tao ni Daniel, for sure ayaw niya ng kinakaawaan siya. He wants to be understood. That's all.

There was a knock on the door. Pumasok 'yung doctor na tumingin kay Daniel.

"Doc, kamusta na po siya?" Sheen asked.

"Medyo okay na siya. Kailangan na lang niyang magpahinga. He had a sever bump in his head kaya medyo iwasan munang ma-stress ang brain niya. Avoid staying in the computer for so long, reading books... Basta kahit anong pwedeng mapagod siyang mag-isip. Convince him na kailangan niya ng enough time to rest. 'Yun lang naman. He can go home as long as he becomes conscious."

"Sige po doc, thank you po."

HAAY. Buti na lang 'yun lang.

11:34PM

Bumalik na sa dorm sila Yuri at Sheen. Mapapagalitan kasi sila ni Head Master kapag walang tao sa kwarto nilang dalawa eh. Si Alessi naman sinamahan ako magbantay kay Daniel. Habang lumalalim ang gabi mas lalo akong kinakabahan sa kanya eh. Ilang minuto lang 'yung nakalipas, inantok na rin ako.

*YAAAAWWNN*

"Emerald, kaya mo pa ba? Kung gusto mo bumalik ka muna sa dorm. Ako na muna magbabantay kay Daniel."

"Hindi. Okay lang ako. Medyo inaantok lang ako. Ikaw? Baka gusto mo nang bumalik ng dorm?"

"Emerald... Si Daniel"

Tinuro niya si Daniel... Conscious na siya ulit.

"Daniel! Okay ka lang ba? May gusto ka ba? Pagkain? Tubig? Ano?"

"Bakit andito ka pa? 'Diba dapat nasa dorm ka na?"

"Siyempre gusto kitang bantayan. Gusto ko rin malaman kung bakit ka nagkakaganyan. Kanina ka pa malungkot. Ni hindi ka nga sumabay sa'min ng recess at lunch break. Ano bang nangyari sa'yo?"

"Huwag mo na lang alamin, please"

"Emerald, huwag mo muna siya tanungin ngayon. Sigurado ako may rason siya kung bakit nangyari 'yan sa kanya.", Alessi said.

I nodded. Pero hindi pa rin ako makapaniwalang pwedeng mangyari 'yun sa kanya. Siguro sobrang bigat ng problema niya kaya siya ganyan. Kaya niya napapabayaan 'yung sarili niya.

The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon