Chapter Twenty Three

185 3 0
                                    

“Hello?”

“HOY EZEKIEL VEJERANO! NASAAN KA BA?! Kanina pa kita hinahanap!”

“FYI Daniel Park, para namang hindi mo ako kilala. Nandito lang ako sa mall. Kasama ko si Emerald.”

“S-Si Emerald?”

“Oo.”

Okay, I know what he’s thinking now. Iniisipi niya na si Emerald naman ang next target ko. PERO HE’S WRONG. Gusto ko lang pasayahin si Emerald.

“Okay. Mamaya na lang tayo mag-usap. Gustoko lang sabihin na hinahanap ka ni Head Master. Bye.”

“Daniel! HELLO? DANIEL!”

“Anong nangyari?” Tinanong ako ni Emerald.

“He hung up the phone. Siguro iniisip niya na aagawin kita sa kanya. Mali rin siguro ‘yung ginawa ‘ko. Kasi nandito pa lang ako sa period ng pagbawi ko sa kanya, yet niyaya na agad kita na hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Ihahatid na lang kita sa dorm niyo.”

“Okay.”

“Dala ko ‘yung kotse ko paghatid ko sa kanya sa dorm. Nasa sasakyan na kami when she started our conversation.

“Zeke, kwentuhan mo naman ako.”

“Kwentuhan? Tungkol saan naman?”

“Kahit ano. Sa’yo. Kay Daniel. Kay Sunny. Kayo. Ano kayo nung wala pa ako dito sa SBA.”

“Nung elementary, power three ang tawag sa’ming tatlo nila Sunny at Daniel. Hindi kasi kami napapaghiwalay. Actually, ‘yung parents nga ni Daniel nagpatayo ng rest house sa Seoul para sa’ming tatlo...”

“Sa Seoul? Korean ka rin ba?”

“Yep. ¾ Korean! ¼ Filipino!”

“Paano naman nangyari ‘yon?”

“Si mama kasi Korean. Si papa naman half Korean half Pinoy kaya Vejerano ang surname ko.”

“Ah kaya pala.”

“Yep! Hindi halatang Korean ako no? Nang hinatid kasi si Daniel dito sa Pilipinas ng ate niya, magkakasama pa rin kaming tatlo. Bumalik lang si Sunny kasi may nangyari.”

“Nangyari? Ano, ‘yung nainlove si Daniel sa kanya?”

I looked at her. Alam niya? I was going to deny it pero I realized there’s no point if I would.

“Emerald, may itatanong ako sa’yo.”

“Ano?”

“Anong mararamdaman, o anong gagawin mo ‘pag nakita mo silang magkasama?”

“Masasaktan. Sa loob ng maikling oras minahal ko na si Daniel. Hindi siya mahirap mahalin. Kung makikita ko man silang magkasama, at masaya naman si Daniel, hahayaan ko na lang sila. Kung hindi naman, aagawin ko talaga siya!”

And we started laughing. Sakto namang I hit the brakes dahil nasa tapat na kami ng dorm. The next thing I saw was Daniel. Staring at us from afar. I went out of the car to call him pero he walked away. Bumaba na rin ng kotse si Emerald.

“Zeke, hayaan mo na muna siya. Ikaw na rin ang nagsabi na bigyan ko siya ng time ‘diba? Siguro kakausapin niya rin ako in time.”

I nodded.

“Sige, ipapark ko lang ‘tong kotse ko. Mauna ka na sa loob.”

August 14, 06:23PM

DANIEL’S POV

Ilang araw na akong hindi umuuwi sa dorm. Nang nakita kong magkasama si Zeke at Emerald, hindi ko na rin muna sinamahan si Zeke tuwing break. Alam ko kung paano siya pumorma sa mga babae. Slick. Kaya kahit sino bumibigay sa kanya. Hindi ko lang akalain na pati ba naman si Emerald, kahit alam niya na lahat ng nangyari, eh popormahan pa niya.

Hindi ako papasok ngayon. Ngayon kasi ‘yung flight ni Sunny dito pauwi sa Pilipinas. NagPM siya sa’kin kahapon and sabi niya, at exactly 10AM, maglaland na daw ‘yung eroplanong sinasakyan niya. Maaga pa naman kaya mahaba pa ang oras kong makapaghanda. Saan ko kaya siya pwedeng dalhin? Dapat sa Pinoy restaurants naman para maiba. For sure namimiss niya na rin ‘yon.

8:19AM. Nireready ko na ‘yung backpack ko when my phone rang. Tumatawag si Zeke. Okay. I have to pretend na parang walang nangyari. Na hindi ako apektado. I took a deep breath and answered the call.

“Hello?”

“YAH! Mr. Park! Sabi mo pinapatawag ako ni Head Master ‘diba?”

“Oo, anong sabi niya?”

“Wala naman. Hindi niya daw kasi ako mahanap. May ipapagawa daw siya. By the way, bakit ka absent?”

“Flight na ngayon pauwi ni Sunny.”

“NGAYON?!”

“Oo. Bakit?”

“Wala. SIGE SIGE BYE!”

Para siyang nagmamadaling umalis. HAAY EWAN. Baka may kasamang babae. As always.

Tinuloy ko na ‘yung pag-aayos ko ng bag and prepared to leave. Titingin pa kasi ako sa mall ng pwedeng ibigay sa kanya eh.

ZEKE’S POV

SI SUNNY? NGAYON NA UUWI?! KAILANGAN ‘TONG MALAMAN NI EMERALD!

Hinanap ko si Emerald kahit saan. Sa library, sa school park, sa canteen... PERO NAKITA KO SIYA SA HARAP NG FACULTY ROOM. KASAMA SI DARYLL.

“EMERALD!”

“Oh, bakit ka nagmamadali? Okay ka lang?”

“S-SI S-SUNNY!”

“Sunny? Oh anong meron?”

“UUWI NA SIYA! TARA NA!”

I dragged her to my car and wala akong pakialam kay Daryll kung maiwan ba siya mag-isa doon eh. I drove as far as I can to the airport. We reached the highway and I was in full speed. A few minutes later, BAD TRIP! Ang traffic! After almost half an hour we got it rollin’ again. I was driving really fast and nobody’s talking. Feeling ko nga natatakot na siya sa pagpapaandar ko. We were near the airport when my car suddenly broke down. MAN! Kung kailan ka nga naman nagmamadali! I called a friend para makapanghiram ng sasakyan. Well, he’s a racer kaya nakarating siya in no time.

9:30 na kami nakarating sa airport. Nagkaproblema pa kami sa sobrang higpit ng security.

“Zeke. Sumama ka na lang sa akin sa loob.”

“Hindi na. Mas lalo tayong hihigpitan ‘pag magkasama pa tayo sa loob. May passport ako dito. Dalhin mo na lang para hindi ka mahalata. In case may mangyari sa’yo sa loob, tawagan mo lang ako.”

“Wait, hindi ko talaga ‘yung phone ko. Naiwan ko sa bag sa school eh. Hinila mo na lang kasi ako bigla eh.”

“Eh? Sorry naman ‘diba? Sige, sa’yo muna ‘tong isa kong phone. Nandiyan na ‘yung number ko. ‘Ezekiel’ ang pangalan. Sige na. Baka hindi mo pa siya makausap bago sila magkita.”

The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon