Chapter Thirteen

193 3 0
                                    

Daniel's POV

July 28, 7:00AM

2 weeks na ang nakalipas nang naaksidente ako. Now, I’m here, sitting on my chair SA LOOB NG CLASSROOM. Hindi ko na kasi kaya na nasa dorm lang ako eh. Hindi ko magawa kung ano ‘yung gusto kong gawin. Tapos pag-uwi ni naman ni Emerald, eh kahit magbasa ng libro hindi ko na magawa kasi pinipigilan niya ako. Bawal daw kasi sabi ng doctor. Ano ba naman. Libro na nga lang ang bisyo ko eh.

Medyo nahihirapan pa rin akong maglakad. Matindi kasi ang bali ng paa ko eh. Pero mas maayos na siya kesa nung first week ng makuha ko to. Nakakalakad naman na ako pero minsan, pag napapagod, kailangan kong huminto. Buti na lang andiyan lang lagi sila Emerald, Yuri, Sheen at Alessi para tulungan ko. Nakakinis! Hindi ako sanay ng ganito. Hindi ko nakita ‘yung sarili ko na inaalalayan ng iba. Sana lang talaga, hindi sila maging katulad ng iba na iiwan din ako pagdating ng huli.

After ng ilang oras ng pakikinig, natapos rin ang Math, Science, Filipino, at English Class namin. Ganito talaga kapag Monday. Apat na klase lang then uwian na. Magkakasama kami ng barkada habang naglalakad pauwi then inaya ko sila…

“Guys, pwede bang bago tayo umuwi tumambay muna tayo sa school park?’

”Tara! Wala din naming assignments ngayon ‘diba? Celebrate natin pagbalik ni Daniel sa school!”, sabi ni Alessi.

“May sasabihin din kasi ako sa inyo.”

“Tungkol saan?”

“Sa aksidente ko.”

Napatigil sila sa paglalakad at lahat sila napatingin sa’kin. Wala din naming point kung itatago ko pa sa kanila eh. Saka, alam ko kaibigan ko na sila. Si Zeke naman kasi parang walang pakialam ‘yun eh. Buti pa ‘tong sila Alessi. Kahit hindi ko sila pinapansin dati, sila pa ngayon ‘yung lagi kong kasama.

Tumuloy na kami sa paglalakad. Nang malapit na kami sa school park, nakasalubong namin ‘yung captain ball na nakaaway ko ilang linggo nang nakalipas. As usual, ang sama pa rin ng tingin niya sa’min. LALO NA SA’KIN.

Nakarating na rin kami sa school park. Humiwalay muna sila Sheen at Alessi para bumili ng pagkain. Humanap kami ng magandang lugar nila Emerald at Yuri tapos maya maya, umupo kami sa ilalim ng puno Tinanong ako ni Yuri…

“Daniel, ano ba talagang nangyari sa’yo?”

“Mamaya mo na ‘yan itanong. Wala pa ‘yung dalawa. Ayoko ng paulit ulit.”

Alam ko naging mean ako sa kanya dun. PERO AYOKO TALAGA NG GANUN. Kakkwento ko lang, pagdating nila ikkwento ko ulit.

Dumating na rin sa wakas ‘yung dalawa…

“Oh game! Kwento na Daniel!”

“Naalala niyo ‘yung captain ball na umaway sa inyo?”

“’Yung nakasalubong natin kanina? Oo bakit?”

“Bago kasi ako makauwi ng July 15, kinausap niya ‘ko. Sinabi niya sa’kin na sa susunod na makialam ako sa affairs nila, hindi lang ako ang masasaktan. Pati kayo. Kaya I decided na hindi sumabay sa inyo buong araw noong July 16. Ayoko sanang madamay kayo eh. Pero nung gabi, nung umalis ako, bibili sana ako noon ng mga kailangan para sa play kasi inappoint ako ni Ms. Reyes. Nakita ko ‘yung kotse ni Brent, ‘yung captain ball, na sumusunod sa’kin. Nang malapit na ‘ko sa bookstore, binangga niya ‘yung hind tire ko kaya ako tumilapon na lang sa daan. Dinaanan naman ng front tire niya ‘yung paa ko. Kaya ‘yan nabali.”

“GRABE ‘YUN AH! SIYA NA NGA ‘TONG NAGBIBITTER DAHIL NATALO TAYO NG SJA, SIYA PA ‘TONG MAY GANANG MANAKIT NG KAPWA NIYA BLASER! HINTAYIN NIYA KO. MAKIKITA NIYANG HINAHANAP NIYA!”

“Sheen. Hayaan mo na siya. Wala ka din pinagkaiba sa kanya kung gagantihan mo siya. Okay na ‘tong ganito. Tapos na. Kung gaganti ka pa sa kanya, maggagantihan lang tayo ng maggagantihan. Saka baka mamaya, kayo naman ang balikan niya. Ako na lang.”

Okay. I sounded cheesy again.

“Eh hahayaan na lang ba natin siya diyan sa ginawa niya sa’yo?”

“Oo. Wala naming mangyayari kung babalikan mo pa siya eh. Tama na ‘to. Tara na nga, umuwi na tayo.”

I stood up. Ako lang. Naiwan sila dun habang naglalakad na ‘ko palayo. Oo, ako mismo gusto kong gumanti. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong magalit. Kaso, wala eh. Alam ko naman na kung gaganti sila, hindi sila papalagpasin ni Brent. Baka madamay lang din si Emerald.

The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon