February 3, 06:47PM
DANIEL’S POV
Kailangan bang maging ganito? Kailangan pa ba ulit naming magkita? HAAY. Hindi ko nga alam kung anong gagawin ko ‘pag nagkita kami eh. Tapos ngayon? PSH. AISH. Hindi ako makakapagconcentrate neto. Kailangan kong magkunwari na hindi kami nagkakilala para sa relationship ni Sunny.
“Yeobo”
“Hm?”
“Ang weird nung Emerald kanina, no?”
“Oo nga eh. First time sigurong makakita ng kasing ganda mo. Ayan na-starstruck tuloy.”
“Feeling ko nga dahil sa’yo eh! Titig na titig kaya siya sa’yo. Pero ‘yung guy na kasama niya, bagay sila no?”
It took me a minute to answer.
“Ano ka ba. Bakit ba kasi sila ‘yung pinag-uusapan natin?”
“Wala lang. Ang interesting kasi ng personality nilang dalawa. Especially si Emerald. I heard, singer din siya. Kaya gusto ko siyang makilala. Half Korean daw siya? Gusto ko na tuloy siya lalo.”
“Haay. ‘Yan lang ba talagang balak mong pag-usapan?”
“Eto na nga hindi na eh. Si Zeke? Nandito na lang din tayo edi bisitahin na natin siya.”
“Wala pa tayong kopya ng schedule natin. ‘Wag muna tayong gumawa ng lakad. Hassle pa ‘yan kapag bigla tayong kailanganin sa trabaho eh.”
Her phone rang.
“Yoboseyo?”
“Annyeong. Sunny-ssi?”
“Ye. Who’s this?”
“Emerald po. Sabi po ni Sir Jake bukas daw po tayo magsstart ng shooting. Bago po tayo mag-start ibibigay ko nap o ‘yung schedule natin.”
“Okay thank you. By the way, ‘wag mo na akong i-po. I believe hindi naman tayo nagkakalayo ng age. Sunny na lang itawag mo sa’kin.”
“Okay. Sorry nga pala kanina ha. Sa behavior ko.”
“Yep. Okay lang. Ya. Gusto ko sana kayong imbitahan ni Blake sa dinner. Okay lang ba? Bukas? After ng shoot? Para naman magkakila-kilala pa tayo.”
“Ah… Sige po sasabihan ko si Blake.”
“Okay! See you tomorrow!”
She hung up her phone and I started interrogating her.
“So kailangan nakaloudspeaker ka?”
“Para marinig mo! I’m sure naman she won’t call kung hindi naman ‘yon importante.”
“YAH! GWAEHNCHAHNA?! WORKMATES NATIN SILA TAPOS IIMBITAHAN MO SA DINNER?!”
“Bakit? Hindi ba tayo pwedeng makipagfriends sa workmates? Saka, okay nga ‘yun eh. Para we could get aling better ‘diba? Plus points ‘yun sa company!”
“Basta hindi ako sasama”
“BAKIT?!”
“EH AYOKO EH!”
“ANG LAKI NG PROBLEMA MO AH! KUNG AYAW MONG SUMAMA EDI WAG! Napakachildish mo.”
“HINDI TALAGA! BAHALA KA! KAYA MO NAMAN MAGDRIVE MAG-ISA ‘DIBA?! Aish.”
Haay. Kung alam lang niya kung gaano ako nahihiwapan sa pinaggagagawa niya.
EMERALD’S POV
Dinner? Para saan? Hindi ako sanay ng nakikipag-dinner sa hindi ko naman close. Awkward.
Tinawagan ko si Blake para iinform siya tungkol sa dinner.
“Hello?”
“BLAKE!”
“OH?! Bakit ka ba naninigaw?”
“Ang awkward eh. Pero iniinvite tayo ni Sunny sa dinner bukas.”
“Sunny? ‘Yung Korean?”
“Oo”
“Eh may work tayo bukas ah?”
“Oo nga. Pagkatapos daw eh.”
“Bakit daw?”
“Para daw… Magkakila-kilala tayo?”
“EH AYUN NAMAN PALA EH! Mabait nga sila! Ano daw? Kasama si Daniel mo?”
“Hindi niya sinabi eh.”
“Kahit anong mangyari, sasama ka!”
“Nagdadalawang isip nga ako eh. Kung kanina pa lang, ganun na ‘yung reaksyon ko, paano pa kapag mas matagal pa kaming nagkasama?”
“Emerald, kung ‘yun ‘yung kailangan mo para matauhan ka na, GO! Hindi ‘yang forever mo siya iiwasan!”
“Paano kapag hindi ko kaya?”
“Bakit mo naman hindi mo kakayanin? Ikaw kaya si Emerald, the Iron Man.”
“SIRA. Matulog ka na nga. Antok lang ‘yan.”
“Sige po mam. GOOD NIGHT!”
“Okay. Bukas ha. 11AM nasa studio na. GOODNIGHT.”
And I hung up my phone.
Ano na naman kayang mangyayari bukas? Sa isang araw? Eh sa makalawa? Mababaliw na ata ako. Isang araw pa lang ang nakakalipas. Isang buwan pa kaming magkakasama. Kakayanin ko kaya? Makita ko pa lang siya, ang sakit na. Makita ko pa kaya silang dalwa ni Sunny na magkasama? Pwede naman siguro akong magback out ‘diba?
HINDI.
Hindi ako mawawalan ng pag-asa na babalik siya sa’kin. Bakit ba ako ganito? Kami naman ni Daryll. Saka, after 8 long years, hindi pa rin ba ako nakaka-move on? Walong taon siyang wala. Walong taon akong naghintay sa wala. Habang siya, masaya nang kasama ni Sunny.
BINABASA MO ANG
The Bullet
Teen FictionPaano kung once in your life you meet someone na magpapabago ng ikot ng mundo mo? Will you resist? Or will you go with the flow? Remember that love is a bullet. Mabilis. Hindi mo mapipigilan. At kapag tinamaan ka na, nasa iyo na ang desisyon para sa...