Chapter 14
Emerald’s POV
July 29, 10:00AM
Wala kaming pasok ngayon. Monthly meeting kasi ng teachers. Si Daniel naman umalis kasama si Sheen. Papacheck 'yung paa niya. Eto ‘ko ngayon, nagbbrowse ng internet. I saw a new blogging site then naalala ‘ko yung conversation namin nila Yuri nung unang araw namin magkakasama… ‘Yung sinabi niyang may blog daw si Daniel? I texted Yuri para itanong kung ano ‘yung url.
“Yuri!”
“Yes?”
“Alam mo pa ba ‘yung url ni Daniel? ‘Yung sabi mo dati sa’min nila Sheen at Alessi na personal blog niya?”
“Hmmm… try mo to: DLPinmotion.tumblr.com”
“Wala eh?”
“eto: DLPmovingon.tumblr.com”
“MERON NA! kaso may password eh?”
“Soonkyu”
“Okay na. Salamat!”
Yea. So I opened it. Wala na siyang post na this year yung date. Ang pinakalast lang eh December 25, 2011. There were two links pagkabukas ko. “Description” and “Pictures”.
I opened description and it said.
“Freshman High School. 15. Tahimik. Mapag-isa. Suplado DAW sabi ng iba. Perfectionist. That's me, Daniel Park. Pure Korean pero laking 'Pinas. Ako lang mag-isa dito ngayonkasi nang lumipad kami ng ate ko dito noong 7 years old pa lang ako, umalis din siya kaagad. Malaki kasi ang responsibilidad niya sa business namin doon since one of the leading companies worldwide ang pinapatakbo ng pamilya namin. In short, naihabilin ako sa mga kasambahay. Pagdating ko ng 10 years old, I tried to be independent. Sinabi ko sa parents ko na kaya ko nang mag-isa sa bahay. So wala silang choice kundi paalisin yung mga kasambahay. YEP. I'm spoiled.
Simpleng estudyante lang ako sa St. Blase Academy, pero 'di tulad ng iba na hindi kaya nang walang kasama, kadalasan, solo flight lang ako. Mag-isa tuwing recess, lunch, at dismissal. Hindi ako mahilig makipag-socialize. Kadalasan, ang mga kasama ko lang eh yung cellphone, Ipod at mga libro ko. Pero syempre wala naman sigurong taong walang kaibigan. Bestfriend ko si Zeke. Isang happy-go-lucky na walang inatupag kundi babae, parties, babae, parties, at parties pa ulit.
I love this girl named Soon-kyu. Funny name no? Parehas pa sila ng name ng father ko. I often call her Sunny. Actually she’s my bestfriend while we were still on elementary. Parehas kaming full Korean at nandito sa Pilipinas nagsstay. Business partners ang parents namin dalawa. Kami naman ‘yung partners in crime. Alam niya kung kelan ako bad trip. Alam niya lahat ng sikreto ko. Alam niyo ‘yun? Siya lang ang lubos na nakakakilala sa’kin. Until the time came na I fell for her. I know she also had feelings. Pero hindi talaga pwede eh. We were 1 month then ng nalaman ng parents niya. They flew back to Korea and his parents forfeited their deal with our company. That’s when my father decided to make me stay here in the Philippines. Para daw hindi ko na makita si Sunny kasi galit nag alit daw ‘yung parents niya. Hindi ko alam kung bakit. I’ve been a good boy naman ah?
That’s when I became who I am now. I was molded by my parents na bawal sa ganito, bawal sa ganyan. Dapt ganito lang ang gagawin, or else masisira ang pangalan ko. Ay mali. Pangalan NAMIN pala. Naattach na ako sa rules and regulations ng pamilya namin. I’VE NEVER EXPERIENCE FREEDOM LIKE ANY OTHER TEENS DO.
Much has been said. You’ll know me more on this blog.”
I opened pictures and I saw a lot of pictures of them. Siguro nga ‘yung babae ‘yung Sunny. Okay naman siya. Maganda. Mukha ring mabait. I wonder kung naaalala pa niya si Daniel ngayon?
Okay. I understand him now. He lost the person na pinakamamahal niya. I don’t know why pero I’m hurt. Na para bang, SANA AKO NA LANG. AARRGGHH! What am I thinking? He’ll never be mine naman. He’s not the kind of guy who will fall in love with a girl like me. WAIT. Bakit ba ‘ko ganito? Hindi naman ako in love ah? IMPOSIBLE. Not this time. HINDI PWEDE.
There was a knock on the door. Mukhang sila Sheen na 'yun. I opened the door, and yep, sila nga. Kasama nila si Yuri and Alessi.
"Oh, napadaan ata kayo?"
"Wala kasi kaming magawa sa baba eh. Puwede bang dito muna kami?"
"Oo naman!"
May dala si Sheen na bote ng softdrinks... Alessi, because of that bottle had an idea...
"Sheen!"
"Oh?"
"Ubos mo na ba 'yang softdrinks mo?"
"Oo, bakit?"
"Tara truth or consequence tayo!"
Lahat naman sila nag-agree. Ang saya nga nila eh! Nung una, napansin kong parang ayaw niyang sumali. Para bang may tinatago siyang sikreto kaya ayaw niyang maglaro. Well, sa sobrang persuasive nila Yuri, ayon. napilit naman nila.
First bottle went to Yuri.
"Truth or consequence?"
"Consequence!!! GRABE. Baka kung anong mahalungkat niyo tungkol sa buhay ko eh!"
"Sige, ang consequence mo, uminom ng chocolate shake in 1 minute."
"GRABE? BRAINFREEZE YON AH!"
"AT! kapag hindi mo naubos in 1 minute, mapipilitan kang magtruth!"
"MADAYA KAYO! ALESSI KASALANAN MO TO EH!"
We were having a real good time. All we did was laugh while somebody's doing the consequence! I suddenly turned to Daniel and saw him doing a slight smile. Naglalaro kaya sila ng ganito dati ni Sunny kaya naaalala niya? HAAY.
Maya maya lang we are down to our last bottle kasi magtatanghali na and it's time for lunch. OKAY, IT POINTED TO DANIEL. He was actually shocked.
"Truth or consequence?"
"Ahh, consequence?"
"Nakakainis naman, nakakaubos ng consequence!" sabi ni Sheen.
"Ganito na lang!" said Alessi, "You have to kiss the girl na mas komportable kang kasama. WALANG MALISYA TO HA! It's purely for fun."
"Wait lang, gusto ko lang malaman nila na kahit sinong piliin ko, gusto ko pa rin kayong kasama lahat ah. I don't have favoritisms naman and gusto ko kayong kasama lahat. Actually thankful ako sa inyo kasi nandiyan kayong lahat para sa'kin. It's just that, 'yung pipiliin ko is special."
I wonder who that was? Baka si Yuri kasi siya 'yung mas unang nakaalam ng nangyari sa aksidente. Remember si Yuri 'yung nagsabi sa'kin na nasa hospital siya? Argh. I don't know.
I bowed my head 'cause I wasn;t expecting anything. I was surprised when he held my face and kissed me. ON MY LIPS.
BINABASA MO ANG
The Bullet
Teen FictionPaano kung once in your life you meet someone na magpapabago ng ikot ng mundo mo? Will you resist? Or will you go with the flow? Remember that love is a bullet. Mabilis. Hindi mo mapipigilan. At kapag tinamaan ka na, nasa iyo na ang desisyon para sa...