February 23, 02:36PM
DANIEL'S POV
A Day before the Wedding day...
Hindi talaga ako mapakali sa mga oras na 'to. I just hope, dumating si Emerald bukas. I'm such a mean person. Sana pala kung gusto ko 'tong itigil ako na lang ang nagsabi from the very start? Ngayon, I have to use Emerald as an excuse. She'll have a bad image because of me. HAAAY. My thoughts are arguing with each other.
I received a call from my father's secretary...
"Yoboseyo?"
"Sir Daniel, ang papa niyo po, sinugod sa ospital."
"WHAT?! Bakit? Sige pupunta na ako."
Pagdating ko sa ospital, I talked to the doctor tapos sabi niya na my father had a mild heart attack na na-trigger ng stress at pagod sa office. MAN. mas lalong hindi ako pwedeng magback out sa kasal bukas. It really got me thinking kung anong gagawin ko. Paano kung dumating si Emerald bukas? PSH. Darn it. -_______-
February 24
This is it. The day na hinihintay ng lahat. Well, I bet I'm not waiting for this. Ayokong matali kay Sunny, and at the same time, ayokong matali siya sa'kin. I'm afraid na baka hindi ko maibigay sa kanya 'yung treatment na gusto niyang makuha galing sa'kin. Saka, isa lang naman ang babaeng gusto kong makasama eh.
Everybody's set. Si Sunny na lang ang hinihintay. Before this day, sinabi niya sa'kin na she wants to walk the aisle with me. Ayaw niyang hintayin ko siya sa altar. So naghihintay ako sa gate ng simbahan.
Sakto nang dumating 'yung bridal car ni Sunny, tumakbo si Zeke palapit sa'kin.
"Daniel!"
"Oh anong nangyari?"
"Si Emerald! Kinidnap siya ni Daryll! Sa abandoned school daw ng Jeju!!"
"Daryll?! BERSAMINA?! Nasa Pilipinas siya 'diba?!"
"'Yun din ang alam ko eh. ANONG GAGAWIN NATIN?!"
"Daniel..." sabi ni Sunny, "You can go..."
"Sunny..."
"Ever since magkita kayo ulit ni Emerald alam ko na... You don't have to tell me. If she's the one na makakapagpasaya sa'yo, then go for her. I can't bear to see na kasama kita kung nasa kanya naman 'yun puso mo. I'm not that cruel para ilayo ka sa taong mahal mo. Sige na Daniel..."
"Paano ka?"
"Don't worry about me... Ako nang bahala sa lahat ng guests... Sige na... Baka kailangan ka na ni Emerald..."
She started to cry. I hugged her. Hindi ko alam na kaya niyang gawin 'yun para sa'kin. I wiped her tears, held her hand, and said
"Thank you Sunny. Mag-uusap tayo pagkatapos nito, okay? Just... Thank you."
"Daniel, ano?" sabi ni Zeke, "Sasamahan ba kita?"
"Hindi na. Baka lalong mapasama si Emerald kung sasama ka pa. If ever na 3 hours na akong nawawala at hindi pa kami bumabalik, hanapi n niyo na kami okay? Sige na."
"Okay. Sige gamitin mo na 'yung motor ko."
"Sunny, Zeke... Thank you sa inyong dalawa..."
BINABASA MO ANG
The Bullet
Teen FictionPaano kung once in your life you meet someone na magpapabago ng ikot ng mundo mo? Will you resist? Or will you go with the flow? Remember that love is a bullet. Mabilis. Hindi mo mapipigilan. At kapag tinamaan ka na, nasa iyo na ang desisyon para sa...