I was surprised. Hindi ko naisip na siya ‘yung umiiyak. It took me a minute before I was able to speak. I cleared my throat and said...
“Ako ba?”
She didn’t answer. I told Zeke na mauna na siya sa room at ako na lang ang bahala kay Emerald.
“Wala na si Zeke. Tungkol ba ‘to sa’tin? Sumagot ka naman oh.”
She nodded.
“Anong gusto mong gawin ko?”
“’Wag mo na akong iwasan, please? Feeling ko kasi pinaparamdam ko sa’kin kung gaano kamali ‘yung nararamdaman ko sa’yo eh. Hindi naman siguro mali na mahalin kita ‘diba?”
“Emerald...”
“Okay lang naman ako nung wala ka eh. Hindi ko pinapakita sa ibang tao na hindi ko kaya. Nahihirapan na ako pero ngumingiti at tumatawa pa rin. Maraming problema pero kinakaya ko pa rin. Eh noong dumating ka? Nawala ‘yun lahat. Kapag nasasaktan ako, ‘pag napapagod ako, ‘pag susuko na ako, lahat ‘yon pinakita ko. Alam mo kung bakit? ‘Yung lahat nf naitago kong nararamdaman nailabas ko dahil sa’yo. Kasi akala ko nandiyan ka para sa’kin. Noong una, actually naaawa ako sa’yo eh. Naiintindihan kasi kita eh. Alam ko pagod na pagod ka na. Physically. Mentally. At lalo emotionally dahil sa lahat ng pressure sa balikat mo. Pero ngayon na ganyan ‘yung pinapakita mo sa’kin, feeling ko ang hina hina ko. Pakiramdam ko mas nakakaawa pa ako sa’yo”
“Kung ganyan ang nararamdaman mo, I guess kailangan ko nang sabihin sa’yo ‘yung totoo. I have this childhood friend who --- “
“Whom you fell in love with? At inilayo siya ng parents mo sa’yo?”
“Alam mo?!”
“Oo. Sa tumblr mo. Matagal ka nang gusto ni Yuri. Nakwento niya sa’kin na may tumblr ka and ibinigay niya sa’kin”
“Alam mo naman na pala eh. Siguro naman alam mo na kung bakit nahihirapan akong pumili sa inyong dalawa.”
“Daniel, hindi na ‘to tungkol sa pagpili. Hindi mo pipiliin kung sino ‘yung mas mabait, mas mayaman, o mas maganda sa aming dalawa. Tungkol na ‘to sa nararamdaman mo. Pwede bang magdesisyon ka na agad para hindi na ako umasa?”
She stood up and walked away. I was left there. Alone. The loud girl I came to know was the one who made me realize what kind of guy I had been. I’ve been selfish. Oo I had been facing a lot of difficulties pero I realized I should’ve been more sensitive sa kanya.
Tumayo na rin ako and nagpunta sa room.
11:20AM. PhysEd Class. We have to run 1K as fast as we can for our practical examination. 12 laps on our quadrangle makes 1K. The class was divided into two groups and I luckily got with her in a group.
Hindi ko na sana siya gustong sabayan pagkatapos ng nangyari kaninang umaga eh. Pero when I’m already on my 7th lap, I noticed her shoelaces weren’t completely tied. Hinabol ko siya. I grabbed her and she stopped, looking at me. I stooped down to tie her laces. Pagkatapos kong itali ‘yung shoelaces niya, I stood up straight in front of her and said.
“Sa susunod nga mag-ingat ka. Hindi sa lahat ng oras darating ako para tulungan ka.”
Then our teacher whistled at us so I started running again. Natigilan na siya at hindi na tumakbo.
EMERALD’S POV
“Sa susunod nga mag-ingat ka. Hindi sa lahat ng oras darating ako para tulungan ka.”
Indication ba ‘yun na iiwan niya na ako or am I just overthinking? ANO BA TALAGA KAMI NGAYON?
Hindi na ako tumakbo. I sat on the bench and nilapitan ako ni Zeke.
“Okay ka lang? Kinwento na sa’kin ni Daniel lahat. Kaya mo pa ba? Ako na ‘yung nagsosorry para kay Daniel. Hihingi lang sana ako ng favor sa’yo kung okay lang?”
“Ano ‘yon?”
“Pwede bang bigyan mo ng time si Daniel? May feelings na siya sa’yo Emerald. Nalilito lang siya ngayon. Nalilito siya kasi uuwi na si Sunny dito.”
“Si Sunny?!”
“Oo. Nagpapasundo pa nga siya eh. Hindi niya kasi alam ‘yung tungkol sa’yo.”
“Wala naman sigurong magbabago sa kanilang dalawa kung malalaman ni Sunny ‘yung tungkol sa akin eh. Sino naman ako ‘diba?”
“Ice cream tayo?”
“Ha?”
“Masyado ka na kasing down eh. Tara na!”
He grabbed me by my arm tapos lumabas kami ng campus. Nagtataka ako kung bakit kami pinayagang lumabas ng campus...
“Zeke.”
“Bakit?”
“Paano tayo nakalabas?”
“Kasi si Daniel dito ang anak ni ng owner ng school ‘diba. Siyempre, bilang bestfriend…”
“So may bragging rights ka na niyan?”
“Oo naman! Dati nga lagi akong may girl na kasama ‘pag lumalabas. Ngayon naman ikaw. ‘Wag mong isipin kung anong sasabihin ng mga makakakita sa’tin ha! Basta, friends tayo. At nandito ako kung kailangan mo ako. I believe ngayon ‘yung time na ‘yon.”
Nakakatuwa na parehas sila ni Daniel. Magkaparehas sila pero iba ang way of expression. Si Zeke nga ‘yung happy version ni Daniel eh. Nakakatuwa pa na nagkakasundo sila kahit sobrang opposite silang dalawa. Masaya ako na naging kaibigan ko sila parehas.
“May naisip ako.”
“Ano ‘yon?”
“’Wag na tayong bumalik sa Academy!”
“’Wag! Maccutting tayo ano ka ba Zeke.”
“Akong bahala! Treat naman kita eh! Manonood lang naman tayo ng sine.”
Zeke’s POV
Naaawa talaga ako sa kanilang dalawa. Alam kong may feelings silang dalawa para sa isa’t isa pero they’re caught up between what they feel and what they should do. Iba talaga ‘pag nagtalo na ang puso at isip.
We went to the cinemas. Hinayaan ko siyang pumili ng gusto niyang panuorin. Siyempre, like other girls, she chose a romantic movie.
Wala naming anything special na nangyari inside the cinemas. As usual, like what friends do when they watch movies. That was already 3:21PM
We’re walking our way out the cinema and we were talking about the movie we watched when I felt my phone vibrate. It was Daniel. Calling.
BINABASA MO ANG
The Bullet
Roman pour AdolescentsPaano kung once in your life you meet someone na magpapabago ng ikot ng mundo mo? Will you resist? Or will you go with the flow? Remember that love is a bullet. Mabilis. Hindi mo mapipigilan. At kapag tinamaan ka na, nasa iyo na ang desisyon para sa...