Chapter Twelve

184 4 0
                                    

Emerald's POV

July 17, 3:15AM

Maaga ako gumising para makauwi muna ako sa dorm bago ako pumasok. Si Alessi naman nagpahinga muna at umuwi kaninang 2AM. Babalik na lang daw siya kapag paalis na 'ko dito para may magbabantay kay Daniel. Nito ko lang din nalaman na may bali pala yung paa ni Daniel. Ginising ko siya para tanungin kung kaya niyang pumasok ngayon.

"Daniel... Daniel..."

He woke up, staring at me.

"Bakit?"

"Kaya mo bang pumasok ngayon?"

"Gusto ko talagang pumasok. Hindi ko lang alam kung kaya ng paa ko."

"Okay lang ba? Uuwi muna 'ko? Magbibihis lang ako ng uniform tapos dadaan ako ulit dito bago pumasok. Darating naman si Alessi."

"Okay lang. Para makapagpahinga ka na rin."

"Sige. Hintayin mo na lang si Alessi ha. Bye."

Bago pa ako makalayo sa kama niya, he grabbed my arm.

"Emerald"

"Oh, bakit? May kailangan ka?"

"Thank you."

"Para saan?"

"Alam ko namang pagod ka na dahil sa pagbabantay mo sa'kin dito eh."

"Okay lang 'yun. Friends tayo 'diba!"

"Sorry din 'di ko pa makwento sa'yo 'yung nangyari. Ikkwento ko din 'yun sa'yo."

"Sabi mo 'yan ah! Sige na, aalis na 'ko"

"Bye. Ingat ka ha"

"Bye! Pagaling ka dyan!"

It took me a few seconds to realize that he's not holding me anymore. Nung time na 'yon parang ayoko nang umalis. Na sana nandun na lang ako sa tabi niya buong araw. Kaso hindi pwede eh.

At exactly 4AM, pabalik na 'ko sa hospital. When I opened his room, nakita ko nandun na sila Sheen, Alessi, at Yuri. I was shocked nung sinigawan ako bigla ni Sheen...

"HOY EMERALD! BAKIT MO NAMAN INIWANG MAG-ISA 'TONG SI DANIEL?"

"Hala. Nagpaalam naman ako sa kanya eh."

"Kahit na! Paano 'pag may nangyari kay Daniel habang wala ka?"

Napatungo na lang ako, and I heard Daniel said..

"Okay lang. Ayoko rin naman maging responsibilidad at pabigat sa inyo eh. Habang nasa school baka idischarge na rin nila ako. Kaya ko naman umuwi sa dorm mag-isa."

"Kung hindi mo kaya, hindi na lang ako papasok."

"Hindi na. Okay lang ako. Saka, madadamay pa kayo sa'kin na maraming ma-mimiss na lessons."

"Pumasok ka na agad ha! 'Yung top 1 spot mo.. baka may makakuha non."

"Isang tao lang naman ang puwedeng makakuha nun eh..."

I know he's talking about Daryll. Ano bang meron? Bakit hindi siya mapalagay kay Daryll? May kinalaman kaya siya sa aksidente ni Daniel?

The BulletTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon