Chapter VI - Trianggulo o Parisukat? #TOTGA

2.3K 45 3
                                    

..cont.

Alas Diyes ng gabi nagsimula ng tumunog ang alarm clock. Oras na para bumangon at mag handa para sa 11pm to 8am na shift. Subalit pansin ko na mukhang wala sa mood si Dex. "Bilisan mo na dyan Bes at baka ma-late tayo. Mauna na akong maligo ha."ang bungad ko sakanya. "Oo Bes. Mauna ka na maligo. Baka magpunas nalang ako. Masama kasi pakiramdam ko. Ang sakit ng mga kasu-kasuan ko. Yung pakiramdam ko para akong tatangkrasuhin." ang tugo nya sakin. " Ha? Totoo ba yan? Saglit lang ha at tapusin ko lang pagligo ko." sagot ko sakanya.

Matapos ang 30 minuto pinuntahan ko sya sa kanilang kwarto. Nakita ko na nagbibihis narin sya. Nilapitan ko sya at dinampi ko kaliwang palad ko sa noo nya. May sinat sya. Kaya siguro masama pakiramdam nya. "Bes, mag sinat ka. Wag ka nalang kaya pumasok para makapagpahinga ka. Sabihan ko nalang manager natin na masama pakiramdam ko kaya hindi ka makakapasok. Tapos bukas samahan kita magpa check up," ang wika ko sakanya. "Naku Bes. No! I can't afford to be absent. Remember?? I'll loose my incentive. Kaya papasok parin ako. Besides kaya ko naman. Malayo sa bituka to noh," ang sagot nya sakin.
Kaya ng mga oras na yun pumasok parin kaming sabay da trabaho.

Matapos ang 9 hours shift derecho na kaming umuwi ng sabay sa bahay dahil ramdam ko na hindi na mabuti pakiramdam nya. Pagka uwi namin sa bahay derecho agad sya sa kwarto at nahiga. Pero bago sya matulog pinainum ko muna sya ng gamot para kahit papano bumaba lagnat nya na sa mga oras na yun ay nasa 38 degrees celsius ang body temperature nya. Hanggang sa ninais ko narin ang matulog sa kwarto ko para makapagpahinga narin.

Makalipas ang ilang oras naalimpungatan ako dahil may narinig akong dumadaing. Maya-maya may tumatawag na sakin. "Bes...bes.. puntahan mo ako dito please...Bes..sobrang nilalamig ako." Yun pala boses ni Dex ang naririnig ko. Kaya nagmadali akong pumasok sa kwarto nya. Kitang kita ko na balot na balot sya ng kumot at nanginginig sya. Kung anu-ano sinasabi nya na parang nagdedeliryo. Nagulat at nag panic ako sa nakita ko. Pagkahawak ko sakanya halos mapaso ako sa init ng katawan nya. Pinilit ko na wag mag panic pero hindi ko maiwasan. Sumagi agad sa isip ko na dalhin sya sa Ospital. Nagmadali akong bihisan sya dahil sa mga sandaling yun naka boxers lang sya habang nakabalot sya ng kumot. Kinuha ko ang kanyang gym bag at nilagyan ko ng ilang piraso ng mga damit nya dahil inisip ko na agad nun na kung ma confine man sya at least may dala na kaming damit. Pagkatapos kong maayos ang mga gamit, sinimulan ko ng gisingin sya. Tinapik tapik ko na mukha nya kasi hindi na sya makadilat pero patuloy parin sya sa pagsambit ng "Bes..". Sa laki ng katawan nya at sa payat ng katawan ko, pinilit ko syang itinayo habang nakaalalay ako sakanya. Hanggang sa makalabas kami ng bahay at makarating sa daanan ng mga sasakyan. Buti nalang may napadaan agad na taxi sabay harurot papunta sa Ospital.
Pagkadating namin ng Ospital, derecho agad kami sa ER. Agad ko naring tinext ang kanyang Fiance na si Anne para malaman nya ang nagyari. Sa mga sandaling iyon nasa importanteng business meeting naman si Anne kaya nireplyan nya ako na ako na muna bahala kay Bes at pupunta agad si Anne sa Ospital pagkatapos ng commitment nya.

Matapos ang ilang tests, kinailangang maconfine ni Dex dahil ayon sa diagnosis ng mga Doctors is suspected Dengue ang case nya. Hanggang sa tuluyan na ngang syang maconfine.
Minabuti ko ng mga sandaling iyon na magpahinga muna dahil kinagabihan ay kelangan ko pang pumasok sa trabaho. Makalipas ang ilang oras, dumating na ang fiance nya na si Anne.

Kitang-kita ko ang labis na pag aalala ni Anne kay Dex. Habang akap-akap nya si Dex, napatingin sya sakin sabay inabot ang kanyang pasasalamat sakin sa pag asikaso at pagdala ko kay Dex sa Ospital. Ngumiti ako sakanya sabay sabi ng "Walang anuman. Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo-tayo lang naman." Makalipas ang ilang oras pumasok na ako sa trabaho para ipaalam sa manager namin ni Dex ang nagyari.

Kinaumagahan pagkatapos ng shift ko, umuwi muna ako sa apartment namin para kumuha ng damit ni Dex at pagkatapos ay dumerecho na agad ako sa Ospital. Maya-maya tumunog cellphone ko at dali-dali ko itong binasa. "Best. Si Anne toh. Iniwan ko muna si Dex sa Ospital kasi may importante akong aackasuhin dun sa business meeting ko pero balik din ako agad. Gising narin si Dex kaya palagay narin loob ko. Paki-update mo lang ako kung may emergency. Thank you," bilin ni Anne.

Pagkadating ko ng Ospital, dumerecho agad ako paputa sa kwarto ni Dex. Bago pa man ako kumatok at buksan ang pinto, may narinig na akong boses ng isang lalake na unfamiliar sakin at ito'y nagmumula sa loob. Hanggang sa kumatok ako at nagulat sa susunod na tagpo.

"Uy may bisita ka Dex. Pasok ka." ang bungad sakin ng lalaking matipuno, pogi at may magandang pangagatawan. Isang poging Mama na ngayon ay nasa early 40s na pero kung hindi mo pa alam ang edad nya, mapagkakamalan mo syang nasa early 30s lang. Tawag mga sakanila is Daddy-Daddy.

"Bes, nga pala si Paps JM. Kaibigan ko. Sya yung pinupuntahan ko madalas malapit lang sa may atin. Paps, si Jeric nga pala. Bestfriend ko." pakilala ni Dex.
"Hi JM. I'm pleased to meet you" sambit ko. Sabay shake hand sakanya.

Habang nagpapahinga ako sa private room ni Dex, patuloy parin ang kwentuhan nilang dalawa. Makikita mo na hindi lang sila close kundi close na close na close. At habang pinagmamasdan ko closeness nina Bes at JM biglang dumating si Anne na may dala-dalang pagkain. Bigla tuloy naputol ang masayang kwentuhan nina Bes at JM. Maya-maya Pinakilala rin ni Dex si Anne kay JM as his Fiance.

Sa mga sandaling iyun, biglang sumagi sa isip ko na parang may sense of awkwardness na loob ng kwarto.

Ito ba ay dahil sa nakakaamoy ako ng Tatsulok o 'di naman kaya Parisukat?The Fiance (Anne), The Bff with unrequited feeling (Me), The Visitor (JM) and the Culprit (Dex).

...to be continued.

Sa Panaginip Na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon