Chapter XIX - Masamang Pangitain #TOTGA

201 6 0
                                    

Cont...

Madilim.

Nakakatakot.

Isang bangungot ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Basa ng luha ang aking unan. Tagos sa puso ang aking napanaginipan. Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone at nag text ky Dex. Maya-maya, tumawag na ito sa akin. " Hello bes? Wag mo ng isipin yung napanaginipan mo. Kabaliktaran lang yun. Ibig sabihin nun eh mas hahaba pa ang buhay ko. Kaya wag kang mag alala sa akin. Tsaka ang masamang damo, matagal mamatay," pabirong sabi sakin ni Dex. "Sana nga bes. Basta mag-iingat ka parati ha??" paaala ko kay Dex. "Oo bes. Tsaka ano ka ba, kung totoo man yung panaginip mo na namatay ako, eh wala na akong magagawa dun. Pag oras mo, oras  mo na talaga. Pero kung totoo ba yun bes, iiyak ka ba?" sambit ni Dex. "Hay ewan! Wag ka nga magsalita ng ganyan! Sige na ibaba ko na ang telepono!" inis kong sagot kay Dex. " Biro lang. Wag ka na mainis. Hindi ka na talaga mabiro eh noh? Miss lang kasi kita. Nga pala, sabi mo lalabas tayo at iti-treat mo ako ng Dinner. Puro ka talaga pangako. Sige ka, baka ito na ang huling lambing ko sayo." pabiro nanamang tugon ni Dex. Sa inis ko dinedma ko nalang yung sinabi nya at patay malisya nalang ako. " Basta bes pag okay na, itetext or tatawagan kita." sagot ko sakanya. Hanggang sa binaba na namin ang telepono.

Sinubukan kong kalimutan ang masamang panaginip na patuloy na bumabagabag sa aking tahimik na balintataw. Datapwa't para itong anino na sunod ng sunod. 

Minabuti kong dumalaw sa malapit na simbahan at doon ako'y nagdasal ng taimtim na sana'y hindi mangyari ang aking napanaginipan. Sabihin man ng nakararami na ang panaginip ay kabaliktaran sa kung ano ang realidad, may kung anong bumubulong sa akin na ito ay dapat  kong pagtuunan ng pansin. Kaya minabuti ko na lamang na ipagpa sa Diyos ang aking masamang pangitain. 

Nag daan ang halos isang buwan, wala kaming komuniskasyon ni Dex. Siguro dahil naging busy rin talaga ako sa trabaho at sa mga extra curricular activities ng isang organisasyong miyembro ako. Hanggang isang hapon, nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Habang pupungas -pungas pa ako, dali-dali kong kinuha ang cellphone ko at nagulat ako sa dami ng missed calls. Kaakabit nito ay isang text message.

"Echo, si Ate Zel mo ito. Pumunta ka ngayon dito sa bahay. Bilisan mo. Kailangan mong makita o makausap si Dex bago pa tuluyan syang mawala. Pupuntahan natin sya sa Ospital."

May kung anong malamig na hangin na umakap sa akin habang binabasa ko ang text message ng Tita ni Dex. Kasunod nito ay ang pagkatulala. Kinurot ko pa ang aking kaliwang braso sa pag aakalang nanananigip lang ako. Nagbabakasakaling  isang matinding bangungot nanaman ito. Subalit kahit anong pisil at kurot ko sa aking braso, ramdam na ramdam ko ang sakit na dulot nito. Totoo nga. Totoo nga angn nabasa ko. Tiningnan ko ulit ang inbox ko at doon ko nabasa ulit ang text message na nakapang lulumo.

Habang nagbibihis ako, hindi tumigil ang aking mga luha sa pagpatak. Ang sakit-sakit. Nakakapanghina ng mga kalamnan. Para akong sinakluban ng langit at lupa. 

Sana hindi pa huli ang lahat.

Sana isang masamang panaginip nalang ito.

Sana isang biro lamang ito.

Pero kung totoo man ang mga ito...

Sana hintayin mo ako...



To be continued...

Sa Panaginip Na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon