Lumipas ang maraming araw, linggo at buwan, unti-unti ring nagbabago ang takbo ng mga pangyayari. Kasabay ng pagbago ng panahon ay ay katotohanang nagbabago narin ang takbo ng relasyon nina Dex at Anne. Madalas na sila ngayon na mag away. Gustuhin ko man tanunign sila kung ano ang nagyayari subalit hindi ko magawang makiaalam dahil hindi ko na sakop ang personal nilang buhay. Subalit isang pangyayari ang nagbigay sakin ng dahilan para makiaalam at tuluyan ng pumagitna sa dalawa.
Umiiyak na lumapit at kinausap ako ni Anne. Nagtatanong kung may alam daw ako tungkol kina Dex at JM. Isang bagay na nag iwan sakin ng malaking tanong. "Totoo kaya ang hinala ko na merong tinatagong relasyon sina bes at JM na pinakilala nya samin ni Anne bilang isang matalik nyang kaibigan?" O baka gawa-gawa lng ng aking imahinasyon dahil narin sa selos. Sa mga sandaling yun, hindi ko masagot si Anne. Ang sabi ko nalang sakanya ay " Wala akong idea. Pero wag kang mag alala. Ako magiging mga mata mo." Kita ko sa mga mata ni Anne ang matinding selos at paghihinala kina bes at JM. Hanggang sa hindi na nito nakayanan at naiyak na lamang ito. Sabi na lamang nya.. " Ang sakit best. Lahat tinanggap ko sakanya. Lahat lahat. Tinanggap ko sya sa kung ano sya dahil umaasa ako na balang araw magbabago sya. Sa tinagal-tagal naming magkarelasyon, nagbulag-bulagan ako sa mga pagsisinungaling nya sakin. Na kahit hindi pabor sakanya mga kaibigan ko, sya parin ang pinili ko. Minsan nga gusto ko ng paniwalaan ang mga kaibigan ko. Na sa bandang huli, kapwa-lalake parin ang hahanapin nya at hindi ako."
Sa mga oras na yun tila ba umurong ang aking dila. Gusutuhin ko mang magbigay ng kumento pero d ko magawa. Pero sa mga oras na yun, namumutawi sa aking isipan ang mga salitang gusto kong sabihin kay Anne. Gusto kong sabihin sakanya na sana noon nya pa dapat yun nakita. Na sana noon nya pa yun nadama. Pero sino ba ako para kwestyunin sya. Ika nga, kapag ang tao totoo at labis na nagmamahal, madalas itong nabubulag sa isang kasinungalingan. Na kahit harap harapan na nilang nakikikita ang katotohanan, pilit parin nilang ikinakaila. Sa pag ibig, nabubulag tayo. Nagiging pipi. Nagiging mandhid. At higit sa lahat dahil a pag ibig, nag babago tayo.
BINABASA MO ANG
Sa Panaginip Na lang
Romance" Love is not just a theme in movies and literature, but it is the utmost theme in life/ society. With a firm sense of the value of love, each one of us is capable of showing, attracting and maintaining love. Love is accompanied by an equality- cons...