Selos...ano nga ba ang konkretong depinisyon nito? Ito ba ay ang pakiramdam na para kang isang kandila na tuwing sinisindihan ay unti unti lumiliyab at sa kinalaunan ay matutunaw at mauubos ka? O 'di kaya ito ay isang pakiramdam na para kang sinasakal hanggang sa tuluyan kang mawalan ng malay?
Sadyang malawak ang depinisyon nito subalit isa lang ang alam ko. Ang selos ay parang anay na unti-unting sumisira sa kahoy gaano man ito katayog at katibay, kapag iyong napabayaan tiyak mauubos ka.
Aaminin ko, napakaseloso kong tao. Lalu na't may rason para mag selos. Subalit sa kalagayan ko, ano nga ba ang karapatan ko para magselos? Ano ba ako sakanya? Sino ba ako sa buhay nya? Isang masakit na katotohanan na pagbali-baliktarin ko man ang iba't ibang anggulo nito iisa lang ang totoo. Wala akong puwang sa buhay nya bukod sa magkaibigan lang kami. Wala akong bilang sa puso nya dahil may isa ng Anne na nabubuhay dun. Dumagdag pa itong si JM na alam ko namang mahal ni bes. Hindi man nya aminin sa akin pero ramdam ko may kakaiba sakanila. Tapos ako? Isisiksik ko pa rin ba sarili ko sa isang kundisyon na alam ko namang mahihirapan at masasaktan lang ako?
Masakit. Masakit na masakit. Pero ganun talaga eh. Kahit nasasaktan ka na, mag titiis ka. Kahit halos mamatay-matay ka na sa selos kelangan mong magtiis at unawain ang lahat dahil oras na nagpadala ka sa agos ng selos, habang buhay ka ng tatangayin nito at ano ang mapapala mo sa bandang huli? Dba wala? Nawalan ka na ng taong minamahal, nawalan ka pa ng isang matalik na kaibigan. Isang bagay na hindi ko hahayaang mangyari.
...to be continued
BINABASA MO ANG
Sa Panaginip Na lang
Romance" Love is not just a theme in movies and literature, but it is the utmost theme in life/ society. With a firm sense of the value of love, each one of us is capable of showing, attracting and maintaining love. Love is accompanied by an equality- cons...