>>>Cont.
Bakit nga ba ang PUSO ang tawag ay PUSO at bakit binubuo lamang ito ng apat na letra? Sa aking mapaglarong isipan, maaaring PUSO ang tawag dito dahil ito ay:
P-umipintig
U-maalab
S-egu Segundo
O-ras oras
Talaga namang patuloy na pipintig at aalab ang ating mga puso sa tuwing tayo ay nagmamahal. Masaktan man tayo ng paulit-ulit. Umiyak man tayo ng ga-baldeng luha. Dahil kapag ang PUSO ay:
P-adiklap diklap at U-maapaw na animo'y S-ulak, dito ay walang O-lats.
Pero kapag nahati ang PUSO ng dalawang taong nagmamahalan, meron bang maituturing na olats? Sino nga ba sa iniwan at nang-iwan ang magiging dehado at liyamado ? O baka naman ito'y isang oportunidad para sa isang tao na lage nalang supporting role ang papel na ginagampanan. Oras na ba para suungin at tanggapin ang isang Lead role sa buhay ng taong bida sa ating buhay?
Tuluyan ng nag decisyun si Anne na putulin ang kanyang ugnayan kay Dex. Isang napakahirap na decisyun na ginugulan ng matinding pag- ninilay nilay. Hindi matanggap ni Dex ang naging decisyun ni Anne. Humingi man sya ng isa pang pagkakataon, subalit sadyang buo na at matibay ang decisyun ni Anne. Masakit man ito kay Anne pero kailangan nyang gawin dahil gusto nyang bigyan ang kani-kanilang sarili ng pagkakataong makapag isip-isip. Baka sakaling doon nila mahanap ang mga kasagutan sa lahat ng tanong nila at baka ito rin ang maging paraan para mas mapag tanto nila kung mahal ba talaga nila ang isa't isa.
...You see that life will become a thing made of Losses. Absences. Things that were there and are no longer. Some would think that with these occurrences, it'll make them sad with mere loneliness. But little did they know that when you see through rose-colored glasses, we see the light of great courage. Bear in mind that in the nick of time, we need to take one day away. A day in which we consciously separate the past from the future. A day in which no problems are confronted, no solutions searched for. Sometimes, we all need to withdraw from the love which will not withdraw from us. And that what courage is.
Sa hiwalayang naganap, ito ba'y pabor kay Dex para tuluyan nya ng maisakatuparan ang mga bagay na dati ay nagpupumiglas lamang sa kanyang kaloob-looban. At sa pagkakataong ito, handa na ba syang magpaka totoo sa taong naging dahilan ng paghihiwalayan nila ni Anne? Susugal ba o aasa nalang din sya?
Sa kabilang dako naman, may isang taong palihim na nasasaktan. Hindi parin maiwaglit sa kanyang puso't isipan ang ideya na "Sana sa pagkakataong ito, ako naman.Sana ako naman ang maging dahilan sa pagpintig ng PUSO mo. Sana ako nalang."
Kasabay ng hiwalayan nina Dex at Anne ay ang isang bagong umaga na naghihintay. Ito ay magsisilbing bagong kabanata ng kani-kanilang buhay. Isang karagdagang kabanata ng kwento na magbibigay lekyson upang sa gayon ay maiwaglit ang mga hindi kaaya-ayang pangyayari at akapin nalamang ang mga magagandang alala.
<to be continued>
BINABASA MO ANG
Sa Panaginip Na lang
Romance" Love is not just a theme in movies and literature, but it is the utmost theme in life/ society. With a firm sense of the value of love, each one of us is capable of showing, attracting and maintaining love. Love is accompanied by an equality- cons...