Chapter XIII - I.D at NOTEBOOK #TOTGA

275 9 0
                                    

Cont...

May mga bagay at kaganapan sa ating buhay na kahit anong pilit nating iwaglit at limutin ay patuloy itong nakasunod sa atin. Animo'y isang anino na kahit anong takbo at iwas natin ay lagi itong nakabuntot. Mawawala lamang ito kapag tayo ay sumabay at tuluyang nagpasakop sa dilim. 

Sa mga nagdaang pangyayari sa buhay ni Dex, gaano man nya piliting itago ang kalungkutan at pasakit na dulot ng paghihiwalayan nila ni Anne,  ay hindi nya maitatanggi na sa ka loob-looban nya, sya ay nagdurusa. Gaano man nya ubusin ang kanyang oras sa pakikipag kita kay JM na kung saan ito ay nagdudulot ng nag uumpaaw na kasiyahan, uuwi at uuwi sya sa bahay na puno ng alaala.  Sa apat na sulok ng bahay na tanging mga alaala lamang nila ni Anne ang natatanging naiwan. 

Minabuti ni Dex na iwan na ang bahay at napagdecisyunang umuwi na lamang sa kanila. Kaya kinausap nya ako sa kung ano ang aking magiging plano. Kung magpapaiwan ba daw ako o kukuha ng mas maliit na unit na sakto lang sakin para hindi daw ako mahirapan sa monthly dues. Kasi sa totoo lang, may kamahalan yung bahay na nirerentahan namin lalu na kung mag isa lang ako na maiiwan at magbabayad nun. Tugon ko sakanya eh maghahanap nalang ako ng malilipatan. Nang sa gayon pareho kami makapag simula ng bago at  makapag move on. Ako sakanya, at sya kay Anne.

Ilang araw nalang bago kami maghiwalay ni Dex, habang nag aayos ako ng mga gamit, biglang napatawag sakin si Dex. " Bes, favor naman. Pakihanap naman yung driver's license ko kasi wala dito sa wallet ko. Kailangan ko yunng ID na yun para sa mga inaasikaso kong papers. " Kung ano man ang kanyang inaasikaso, yun ang hindi ko alam. " Okay Bes. Tawagan kita pag mahanap ko na," sagot ko sakanya. 

Unti-unti kong hinalungkat mga gamit nya sa kwarto nya. Mula cabinet, drawers, ilalim ng kama at mga kahon na naka imbak sa kwarto nya. Isa-isa ko ring binulatlat ang mga pahina ng kuwaderno na aking nakita sa loob ng mga kahon na nakaimbak sa kanyang kwarto. Nagbabakasakaling nakasiksik o nakasilid sa mga ito.

Halos maubos ko na lahat ng pwedeng mapag lagyan ng nawawala nyang ID, ng may isang parang journal sa pinaka ilalim na bahagi ng kahon at tumambad sa aking mga mata. Nakabalot ito ng kulay puting bond paper. Dahan-dahan ko itong kinuha at inusisa. Isa lamang pala itong lumang notebook. Sa pag nanais kong mahanap ang nawawalang ID ni Bes, i started flipping the pages and there i saw a familiar hand writing.  

Sinumulan kong basahin ang sulat. Ito ay sinulat gamit lamang ang lapis. 

Bes,

Gusto ko sanang mag thank you sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Sa pag mamahal, sa pag iintindi, at pag aalaga mo sakin. Kung wala ka, paano nalang ako. Magkaiba man tayo sa maraming bagay na minsa'y nagiging dahilan para magkatampuhan tayo pero sa bandang huli, magkasundo parin tayo. Magkakampi. Thank you kasi hindi mo ako iniiwan. Ikaw talaga ang guardian angel ko. Lagi mong tatandaan na kahit hindi man tayo mag boyfriend, ikaw naman ang boyfriend ng PUSO ko. I love you Bes at alagaan mo lagi ang sarili mo."

Habang binabasa ko ang sulat, kasunod nito ang pag patak ng mga luha na hindi ko man lang namalayan. I had a heart-struck , as if i was gasping for air so I could breath. I could never imagine that within his deepness, someone who doesn't seem to care at all, lies a caring heart with full of gratitude. My hypothalamus can not fathom the weariness I felt as i grasps each melodious words that melted my heart. " Ba't hindi nya toh binigay sakin? Kung hindi pa sa nawawalang ID, hindi ko pa mahahanap ito. Kung hindi ko pa binulatlat and puting notebook na toh, hindi ko pa malalaman ang mga bagay na gusto nyang sabihin sakin. Natatakot o nahihiya ba sya kaya sa sulat nalang nya dinaan? Bakit kung kelan magkakahiwalay na kami at nasa dulo na ako  ng pag mo-move on eh ngayon ko pa mababasa ang mga matatamis na salita?" 

Ayaw ko ng umasa...

Hindi na ako  aasa...


...to be continued

Sa Panaginip Na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon