Chapter XVI - Okay lang ako. Promise! #TOTGA

258 4 1
                                    

Cont...

"Hindi ko maipaliwanag ang kaba na aking nadama matapos ang pangyayaring hindi ko inasahan. Siguro dahil iniisip ko na mag iiba na ang takbo ng aming pakikitungo sa isa't isa. Pero hindi rin mawaglit sa aking isipan ang ideya na baka ito narin ang magiging umpisa ng mas malalim na samahan. Puro Siguro... Puro baka... Walang kasiguraduhan. "

"Bes, okay ka lang ba?" tanong ni Dex. Tumango lang ako. " Galit ka ba sa akin?" tugon ulit ni Dex. Umiling lang ako. Inakap ako ni bes ng mahigpit na mahigpit. Tumingin sya sa mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang, " Ang gago ko. Ang gago-gao ko!I'm sorry bes kung nangyari ito. Kung galit ka sa akin, maiintindihan ko. Kung gusto mo akong suntukin o sampalin dahil sa ginawa ko, ok lang bes. Tatanggapin ko. Mapatawad mo lang ako." Sabay kuha ng kaliwang kamay ko na paakmang isasampal sa mukha nya. "Hindi ako galit bes. Ginusto ko rin naman yung nangyari at walang pag sisisi. Ikaw? Baka ikaw ung napilitan lang," tugon ko. "Hindi ako napilitan. At ginusto ko yun. Pero sana walang magbago sa atin. Ipangako mo na hindi ka magbabago sa akin. Please?," sambit ni Dex.

Totoo namang ginusto ko ang nangyari. At hindi ako magsisisi doon. Ika nga ni Anne Curtis sa pelikulang #NoOtherWoman, " We're just two consenting adults having fun, there's no emotional attachment. No strings attached. " Pero wala nga ba talaga? O baka naman tulak ng bibig, kabig ng didbdib ang drama.

Lumipas ang maraming buwan, pilit kong nilabanan ang mga sandaling nagpapatibay ng aking pagmamahal kay Dex. May mga pagkakataong gusto ko ng sumuko at bumitaw dahil gusto ko ng makawala. Ilang beses narin akong palihim na nagselos sa mga bagong nakikilala nya. Minsan pa nga, ako hinihingan nya ng payo. Nakaka tanga 'di ba? Kulang nalang sumama ako sa GOMBURZA at tatawagin kaming, "Ang talong paring Martir Pwera sa isa na tatawagin nating Tanga!' Sakit sa tenga 'di ba? Pero yung ang totoo. 

Isang gabi, may kumatok sa kwarto. Dali-dali akong pumanaog sa may pintuan. Pag bukas ko ng pinto, Aba! Si Bes may kasamang iba. Iba sa mga dating ipinakilala nya. Medyo may edad na. Sa pakiwari ko, nasa early 40s pa. "Bes, si Redge nga pala." Ngumiti sakin si Redge sabay bati ng magandang gabi. At ganun din ako sakanya. 

Habang kitang-kita ng aking mga mata at ramdam na ramdam ko ang kanilang mga kakaibang kilos, minabuti ko nalang na lumabas ng bahay para mapag-isa sila, dahil kulang na lang na mag lingkisan na parang mga ahas. Kaya dali-dali akong lumabas ng bahay. At kung ano man ang balak nilang gawin sa mga sandaling may privacy sila, wala na akong pakialam. Pero aaminin ko, may kurot parin sa puso ko.

Matapos ang isang oras na pag lalagi ko sa labas ng apartment, bumalik na ako sa aming kwarto. Kasabay naman nito ang pag alis ng bisita ni Bes. "Kumain ka na bes? Tara mag dinner na tayo," paanyaya ni Dex. " Hindi pa eh. Pero hindi ako gutom. Sige na kumain ka na. Mamaya na ako," sagot ko. Ramdam ko na nahihiwagaan si Dex sa ikinikilos ko. Ramdam nya na may ibig sabihin ang madiin na pag tanggi ko. " Ice cream bes, gusto mo? Bili ako after ko mag dinner. Mag ice cream tayo kasi mukhang mainit ulo natin ha. May problema ba tayo bes?" tanong ni Dex sakin na may halong pangiti-ngiti. "Hala sya oh. Hindi ah. Ba't naman iinit ulo ko? Para kang sira," tugon ko naman sakanya. " O tingnan mo nguso mo humahaba. Yung kanang kilay mo tumataas nanaman. Sige nga, kung hindi mainit ulo mo, tumingin ka sa mga mata ko at sabihin mo na OKAY LANG AKO," hamon sakin ni Dex.  

Tinanggap ko ang kanyang hamon, lumapit ako sakanya sabay tingin sa mga mata nya at sinambit ang mga katagang OKAY LANG AKO.  "Naku bes, iba ang sinasambit ng mga labi mo sa kung ano ang sinasabi ng mga mata mo. Kilala kita bes." pabirong sabi ni Dex. "Oo nga. Promise! Okay lang ako." sagot ko  naman sakanya. 

Ulit-ulitin ko mang sabihin kay bes na OKAY LANG AKO, pauli-ulit din akong nagsisinungaling sa sarili ko.


...to be continued.


Sa Panaginip Na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon