....Cont.
Ilang araw ang makalipas mula ng tuluyang umalis si Anne, naging bukas ang bahay sa aming mga kaibigan. Marahil ito narin ang paraan para makalimot sa lungkot na aming nadarama. Labas-pasok ang mga bisita. Naging maingay ang dating tahimik na bahay. Naging puntahan ng mga walang mapuntahan. At sa kinalaunan, ito ang naging dahilan para makilala ni Dex ang mga taong naghahanap rin ng atensyon sa iba. Mga taong uhaw din sa pagmamahal. Mga taong may tinatago ring kalandian.
Sa tuwing makikita kong nakikipag landian si Dex sa mga kaibigan ko, halos mag krus ang mga kilay ko. Sa loob-loob ko lang, "Hala sige, maglandian lang kayo hangga't gusto nyo. Dahil sa bandang huli, walang magseseryoso. Aasa lang din kayo dahil alam ko kung sino ang totoong panalo sa kanyang puso." Hindi rin ako nagkulang sa pagbibigay ng paalala sa aking mga kaibigan at hindi rin lingid sa kanilang kaaalaman ang pinagdadaanan ni Dex. Ganun pa man, sadyang may mga tao talagang hindi papipigil sa kung anong gusto nilang gawin. Lalu na kapag mas pinairal ang inaasam ng nasa gitang hita kesa sa kung ano ang sinasabi ng puso't isipan. Sabagay, "When the itch is inside the boot, scratching outside provides little consolation".
Nagdaan ang maraming araw, naging madalas narin ang pagkikita nina Dex at JM. Kung ano ang kanilang ginagawa? Yun ang hindi ko alam. Basta isa lang ang sigurado ako, masaya sya tuwing kasama nya si JM. Unti-unti narin syang nag kukuwento sakin tungkol kay JM. Sabi ni Bes, isang napaka bait at family oriented na tao. Minsan narin daw syang sinama papuntang Tarlac para makilala nya ang pamilya nito ito at sya mismo makaka pagsabi na meron itong buo at masayahing pamilya. Isang bagay na wala sya.
Sa mga sandaling yung, nagkakaroon na ako ng ideya kung bakit masaya sya sa tuwing kasama ni Bes si JM. Marahil dito sya nakatagpo ng isang Pamilya na kahit hindi nya kaano -ano ay itinuturing syang kapamilya. May malasakit at pagmamahal sakanya.
Habang tumatagal, tuluyan ng naging bukas si Bes sa akin. Naging malawak narin ang aking pag unawa sakanya pagdating kay JM. Minsan nga inaya nya ako na sumama sa movie bonding nila pero bukod sa nahihiya ako, mas nanaasin ko nalang na wag sumama dahil hindi parin mawala sa aking isipan kung ano ba talaga ang meron sakanila. Isang bagay na dapat kong malaman dahil ito ang bilin sakin ni Anne. Ang alamin kung ano real score nina Bes at JM.
Isang araw, habang sabay kami kumakainng hapunan ni Bes, biglang pumasok sa usapan namin si JM. Dun ko nalaman na nasa kabilang kanto lang ng bahay namin ang sariling unit ni JM dito sa Manila. Akalin nyo un. Yung mga sandaling hinahanap sya lagi ni Anne tuwing hindi sya umuuwi ng bahay eh nasa kabilang kanto lang pala. Talaga naman. Dito ko rin nalaman na wala naman daw talaga silang relasyon ni JM. Pagkakaibigan lang daw talaga ang hangarin sakanya ni JM at sya lang naman ang may lihim na gusto dito. Mukhang napapanahon ata ang pagkaing HOPIA sa mga pagkakataong ito. Akala ko ako lang lang ang may paborito nito. Yun pala pati si Bes nagiging paborito narin. Pagkatapos kong marinig ang confession nya, pabiro kong sinambit ang mga katagang, " Masakit ba bes? Wag lang mag alala it's a tie na tayo." Sabay tawa kami ng malakas.
Tingan mo nga naman.. Dati ako lang nakararanas ng pagiging HOPIA. Tapos ngayon dalawa na kami at si Bes pa. Minsan talaga iba rin mag laro ang tadhana. Maitutuirng ba itong Karma? At kung Karma man ito, totoo nga na ang Karma ay parang Pelikula. Kung hindi showing, malamang coming soon.
....to be continued.
BINABASA MO ANG
Sa Panaginip Na lang
Romance" Love is not just a theme in movies and literature, but it is the utmost theme in life/ society. With a firm sense of the value of love, each one of us is capable of showing, attracting and maintaining love. Love is accompanied by an equality- cons...