Chapter III - Ang simula #TOTGA

2.7K 43 1
                                    

...cont.

Lumipas ang mga araw naging madali ang aming pagkakakilanlan kaya hindi naging mahirap na kami ay maging magkasundo. Tawanan doon, biruan dito. Idagdag mo pa ang walang katapusang tuksuhan na akala mo'y mga high school students sa loob ng classroom. Hanggang sa dumating ang isang pagkakataong magbubukas sa isang mala-roller coaster-ride na kwento ng dalawang pusong itinadhanang magkatagpo, pero hindi alam kung ano ang kahahantungan ng mga ito.

"Bes. Gising naaaaaaaaaa. Bumangon ka na at baka ma late tayo." Ang paulit ulit nyang binigkas para magsing lamang ako. "Hindi ako papasok Bes. Masama pakiramdam ko. Sige na at baka ma late ka pa." Ang pagkukunwaring sagot sakanya. Hanggang sa tuluyang pumasok na sya sa trabaho.

Totoo. Tama ang iniisip nyo..Sa mga sandaling ito magkasama na kami sa iisang bahay kasama ang kanyang fiance. Nangyari to dahil nung oras na umalis na kami ng dati kong mga housemates sa apartment namin ay inimbitahan nila akong mag fiance na sumama nalang sakanila para hindi na raw ako mahirapang maghanap ng malilipatan. Hindi narin ako nag inarte dahil bukod sa napaka bait ng kanyang fiance eh hindi narin ako makatanggi kay Dex dahil napalapit na ako sakanya. Sa mga sandaling ito, isang bagay ang hindi inaasahang mabunyag. Isang katotohanang maaaring sumira at sumubok saming samahan. Hindi lang para sa relasyon namin ni Dex bilang mag Bestfriends, pati narin sa sakanyang fiance. <to be continued>

Sa Panaginip Na langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon