...cont.
Hindi ako pumasok sa trabaho sa kadahilanang hindi ako mapalagay sa lahat ng mga bagay na bumabagabag sa aking puso't isipan. Ngunit sa pagkakaalam ni Dex sadyang masama lang pakiramdam ko. Oo. Masama ang pakiramdam ko dahil hindi ko na maitago pa ang bigat ng nadarama ko. Parang lobo na unti-unting hinihipan at patuloy na lumalaki at sa bandang huli bigla na lamang itong puputok. At sa kalaunan, ang hanging pinaghirapan mo ay bigla nalang makakawala at hindi na maibabalik pa.
Tumunog ang aking telepono. Pagtingin ko, tumatawag pala ang matalik naming kaibigan at kapwa rin namin katrabaho. "Oh ba't 'd ka pumasok? Totoo ba na masama raw pakiramdam mo?" tanong ni Queenie." Hindi ko na mapigil pa ang aking sarili sa pagsisinungaling kaya inamin ko kay Queenie ang dahilan. "Yung totoo nyan girl wala naman akong sakit. Kinailangan ko lang idahilan yun para hindi malaman ni Dex yung totoong dahilan," ang sambit ko kay Queenie. "Bakit ano ba dinaramdam mo friend? Tell me. I'm here to listen," tanong ni Queenie.
Bago ko pa man maamin ang lahat-lahat kay Queenie, dahan-dahan ng pumapatak ang aking mga luha habang ang kirot ng aking puso ay nag uumigting rin. Hanggang sa tuluyan ko ng inamin kay Queenie ang lahat. Na sakabila ng aking pakikidigma sa espesyal na paghanga para kay Dex ay hindi ko ito mapagtagumapayan. Ilang beses ko man iwaglit sa aking diwa't isipan pero sadyang malakas talaga ang pwersang bumabalot sa aking puso. Isang paghanga na nakakatakot hayaang makawala dahil oras na ito'y makalaya hindi ko na ito mapipigilan pa. Kaya hangga't maaga pa mas mabuti ng ito'y ibaon na para hindi na makapamansila pa.
Ngunit paano? Ang pag ibig ay sadyang napakalakas na pwersa na kahit sino ay pwedeng tibagin. Ito ay walang pinipili. Mapa babae, lalake, tomboy o bakla ka man. Wala kang ligtas. Pag nahulog ka na it's either you fall and get hurt 'dahil walang nagtangkang sumalo sayo o 'd kaya fall and be saved dahil sadyang may nakalaang knight and shining armor na nakaabang at sasagip sayo. <to be continued>
BINABASA MO ANG
Sa Panaginip Na lang
Romance" Love is not just a theme in movies and literature, but it is the utmost theme in life/ society. With a firm sense of the value of love, each one of us is capable of showing, attracting and maintaining love. Love is accompanied by an equality- cons...