It's been 5 months since nag boom ang AlDub. Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Kaliwa't kanan ang endorsements, offers. Hindi pa rin nagsink in sa akin na sikat na ako. Malapit na rin yun showing ng pelikula namin nila Bossing at Miss Ai.
Madami pa rin akong takot. Hindi ko kase alam ang nararamdaman niya sa akin. Sweet si Alden pagmagkasama kami, gentleman at magalang. Isa lang ang hindi ko maintindihan sa kanya, ang hirap niyang basahin. Minsan ramdam ko na gusto niya ako, minsan naman distant siya sa akin. Parang madami kase siyang multong nakatago sa closet niya. Baka yun tungkol dun sa napapabalitang girlfriend niyang taga-Japan. Pati si Patty na lilink din sa kanya kahit alam kong di naman totoo. Kawawa naman ang kaibigan kong si Patty. Nadadamay pa sa galit ng fans dahil hindi nila makita na may chance kami ni Alden sa totoong buhay. Pero ang totoo, iniiwasan ko talaga na mapalapit sa kanya sa off cam. Nakinig kase ako sa mga Tatay. Kala Ate Coleen, na maging vigilant. Huwag daw ako maniniwala sa gestures ni Alden kase artista siya. Marami pa akong di alam sa showbiz, kaya mag-ingat daw. Kaya ayun ako, todo ang pag-iingat na mapalapit kay Alden.
Naibulong din pati sa akin nila Ate Pat na may girlfriend daw siya. Hindi ko naman na tinatanong si RJ. Ayoko magmukhang tanga. Besides, ka-trabaho lang ako. Kahit pa marami ang gustong maging real ang reel loveteam namin.
Pero sabi nga nila, mahirap talaga na hindi ka mahulog sa kaloveteam mo. Lagi kase kami nagkikita. Minsan magkasama. And I can say na ang hirap labanan. Pero I can't help it. Kaya kahit meron na, I tried to be normal lang sa harap niya. Nasasaktan ako kapag umaalis siya bigla ng hindi nagpapaalam sa akin. Or kapag hindi niya ako kinakausap kapag off cam. Kase lagi siyang may ka chat sa phone niya. Ayoko magtanong. Hindi pwede. Gusto kong isipin niya na wala lang sa akin yun hindi niya pagpansin sa akin kapag off cam. Gusto kong isipin niya na trabaho rin lang ang pakay ko. Nahihirapan na din ako magpanggap. Kaya I asked Ms. Jenni na minsan lang ako dalhin sa Broadway. Ayoko na lagi kami magkasama para mailayo ko ang sarili ko sa kapahamakan. Syempre sikreto lang namin ni Ms. Jenni yun. Ayokong malaman ni Alden.
So I kept my game face on. Most of the time. Yun lang ang defense ko para maprotektahan ang sarili ko. Kaya I tried to ignore him, as in huwag siyang bigyan ng dahilan para isipin na gusto ko siya. Kaya lang, ang sakit. Ang hirap! Hindi ko kaya, nahihirapan ako. Paano pa kung magkaroon kami ng teleserye? Kaya hindi pa ako pumapayag sa offer ng GMA na magkaroon kami ng romcom teleserye. Ayoko na lalo akong mahulog tapos walang sasalo sa akin.
Pasensiya na sa AlDubNation, pero iyun talaga ang dahilan. Iniiwasan kong masaktan. Kaya huwag na sanang sisihin ang APT o GMA dahil kahit gusto nilang magkateleserye kami, matagal ko talaga pinag-iispan. Tatanggapin ko ang offer kapag tanggap ko na trabaho lang ito. Kapag wala na yun feelings. Kapag hindi na ako hulog sa kanya.
At mukhang matatagalan pa iyon... siguro.. ewan ko..
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
A/N I hope you're enjoying..Please read my other fanfictions. UNEXPECTED LOVE at IT MIGHT BE YOU.
Nasa profile ko po yun link.
Thanks.
-ava-

YOU ARE READING
When I met You (Completed)
FanficA MaiChard Lovestory Behind the scenes scenarios I was thinking..Because most of the time, reading tweets from so called Mulat's, Anay's and OSF's makes me lose control. I just dont find in me to believe them, even if I myself don't know what's real...