Her

1.4K 71 2
                                    

I've finished all my engagements bago ako pumunta ng Germany. As usual nahuli na naman siya. Ewan ko ba kung bakit di maingat itong si Alden sa mga kilos niya. Na-bash ako dahil sa napikon siya. Ngayon naman nabash na naman kami dahil huli na naman siya sa flight. Susunod pa kamo. Hayaan ko na nga siya. Kaya hanggang ngayon hindi ko maipagkatiwala sa kanya yun matamis kong "OO" dahil ang dami niyang sabit. Alam kong ayaw sa akin ng mga fans  niya. Pero likewise, ganun din yun ibang fans ko. Paano ang daming flaws ng mga kilos niya. Dinaig pa kami ng JaDine. Sila nakalantad na ang relasyon nila. E ano ba magagawa ko? Mas marami pa ata akong oras na kasama sila Ate Oreo kaysa sa kanya. Paano ba naman,busy siya sa trabaho. Pero pareho lang naman kami. Wala tuloy maniwala na seryoso siya. Hindi naman sa sinasadya namin yun pero ang dami niyang trabaho. And malamang may go signal niya yun sa Manager niya. O paano ka maniniwala? Sinabi ko na nga sa kanya na tigilan yun kakatrabaho ng parang ang daming pinapaaral, mayaman na siya. Madami na siyang negosyo pero hindi ko alam kung bakit ultimo ribbon cutting pinapatos ng taong yun.

Gusto ko na lang ienjoy itong pagkakataon na makapagbakasyon. Kasama ko pa ang buong pamilya ng Tuviera at si Mam Jen. Alam kong hindi nila ako papabayaan. Para ko na kase silang pangalawang pamilya. And alam kong mahal ako ni Mr. T. Hindi sa dahil nagdadala ako sa kanila ng limpak-limpak na salapi kundi dahil sa mabait talaga sa akin si Sir Tony. Same way sa TVJ. Sila na yun mga pangalawang tatay ko. And I'm happy to be part of EB.

As soon as matapos ang lahat ng trabaho ko ay umalis na kami pa-Germany.

Ang unang araw ko sa bansang yun ay talagang masaya. Kalaro ko yun anak ni Direk Mike. Mababait ang mga bata at sila yun nagpapasaya sa akin sa bansang yun. Syempre pati yun mga Tuviera's. Eto talaga yun buhay. Yun may panahon ka para sa sarili mo. Although may ilang mga fans na nandun at nakasunod pero hinayaan nila akong magsaya. Nakapahinga talaga ako sa unang araw ko pa lang dito.

Bukas pa daw susunod si Alden. E bahala siya basta ako, masaya na ako. Kahit di na nga muna siya sumunod, tutal pagdating nun, malamang limpak-limpak na phone calls at text messages lang ang haharapin nun. Lahat kase gustong pagbigyan. Minsan naisip ko, mas importante pa nga ata yun ibang tao para sa kanya kaysa sa akin. Parang takot na mawala yun kasikatan. Ewan ko sa kanya. Basta ngayon narealize ko, hindi ko pa siya mapagkakatiwalaan kahit na alam kong nahulog na ako sa kanya. Natatakot ako na baka pagpinapili siya, kung sila o ako,  malamang baka sila ang piliin. Kaya enjoy ko na lang muna ang samahan namin. Kahit walang label, kahit na gusto na ng lahat na maging kami. Huwag muna. Saka na. Malay mo magbago isip niya. E di ako naman nasaktan kung bumigay agad ako. Maghirap siya. Siguro kapag sigurado na siya na ako above sa lahat ng trabaho at anays niya.

A/N Many updates today. Mas madami, mas mabilis matapos, mas mabilis makasimula ng bago. Pero promise magiging favorable ang ending..

When I met You (Completed)Where stories live. Discover now