Ano ba naman yan? Kung kailan nagiging close kami ni Maine ay may magsusulat pa ng wala namang katotohanang balita. I can't believe that Mr. Ricky Lo will write such malicious and insinuating article. Alam kong marami ang nagalit at nawalan ng gana sa akin. Pero hindi iyon ang prinoproblema ko, si Meng. Baka maniwala siya. Tinawagan ko kaagad ang parents niya sa Viber para i-confirm na hindi iyon totoo. I had to explain my side. Nakakahiya kala Tito Teddy at Tita Mary Ann dahil alam kong makikita rin nila iyon. Dad had to assure the Mendozas para lang sabihin na hindi totoo. Gusto ko kase na patunayan sa kanila na nagsasabi ako ng totoo. When I called her parents, katabi ko pa si Daddy para suportahan ako at tulungan na rin if ever. After kong mag-explain sa parents ni Meng, at saka ko lang siya tinawagan. Natakot ako na baka pagbalik niya ay wala na akong pag-asa sa kanya. Pero salamat sa Diyos kase Meng believed me. Hope she did.
When they came back sa Philippines after their Christmas vacation sa Japan, pumunta agad ako sa bahay nila. Gusto kong maramdaman nila ang sincerity ko despite all the issues na lumalabas. Ewan ko ba, kapag magkalayo kami,saka naman biglang may lumalabas na mga balita na wala naman katotohanan. Pero alam ko naman, part iyon ng propaganda para masira ang AlDub. Hanggang ngayon kase malakas kaming kalaban ng kabila. And they will do everything para mapabagsak kami. Hindi ko maintindihan ang thinking na ganito sa showbiz. Healthy competition lang pero below the belt kung magtirahan. And at our expense pa.
•••••••••
Marami pa ring mga issues na lumalabas and alam kong parte iyon ng pagiging artista.
I can say that this Teleserye ay naging daan para mapatunayan ko ang tunay na nararamdaman ko para kay Meng.
Mahirap kase sa ibang tao, gusto nila na marinig mismo mula sa bibig namin ni Meng na kami na, na we are officially in a relationship. Pero sa totoo lang we're in the stage na kami lang nagkakaintindihan. Wala man label pero alam ko we were exclusive. I'm thankful na dahil lagi kami magkasama, nawawala na yun doubt niya sa akin.
Isa na rin yun mga changes na hiniling ko sa management ko, sinabi ko na bawasan na yun mga tinatanggap na project para sa akin. Pero dahil si Nay Carlites, gusto niyang tanggapin ang lahat ng trabaho, sayang daw yun ibabayad, nagkasakit ako. That was the waking point in my career. Hindi pwedeng patayin ko na lang sarili ko sa katatrabaho. Kailangan ko ring magpahinga. Kung tutuusin, may mga negosyo na ako if ever mag-lie low ako sa pag-aartista.
Almost one week akong nasa ospital. The Neyshen asked na palitan ko na ang Manager ko, lalo na nung nasa ospital ako at magpapasok siya ng fans na nag IG live pa, well in fact hiniling na ng family ko na off limits muna ang fans. Para daw makapahinga ako. I thought about it. Dad told me, siguro nga dapat na nga ako magpalit ng manager. Although maraming nagawa si Nay Carlites sa akin, pero siya rin yun sumisira sa career na iniingatan ko. Dahil lahat ng taong malapit sa kanya, pinagbibigyan niya. Pati si Gicelle nga gusto niya na ibalik sa buhay ko pero ayoko. Sinabi ko sa kanya na if pinilit pa niya, papalitan ko na siya. And this is it. Overboard talaga ang ginawa niya. He posted a picture na para bang inaasar pa niya ang ilang fans dahil nasusunod siya sa lahat ng oras pagdating sa career ko at even sa buhay ko. Si Dad na nagdesisyon, Nay Carlites had to resign kase Dad told him na masyado na siyang controlling. I did not talk to him na. Ayoko ng makipag-bargain pa uli siya sa akin. Alam kong sumama ang loob niya pero sa dami ng kinita niya sa akin, siguro naman bayad na ang lahat ng nagawa niya para sa akin. At dahil wala naman akong itinatago sa publiko, hindi ako natatakot sa mga banta niya. Thank God, hindi na siya nagresist. And he accepted na hindi na kami magiging okay sa trabaho.
Meng was always there pagkatapos ng work niya. Pero she was disgusted to know na may pinapasok na fans ang manager ko. She said na buti naman napalitan na ang manager ko. Si Sir Rams muna ang tatayong manager ko while hindi pa ako naihahanap ng aking Management na GMA.
And since nagpalit ako ng manager, medyo napili na yun mga trabaho at project na kinukuha para sa akin. Hindi rin naman daw kase healthy ang laging visible sa TV. Baka magsawa ang lahat.
As for our relationship ni Maine, feeling ko mas napalapit na ako sa kanya. Kita naman sa aura namin sa mga shows na pinagsasamahan namin. And halata na mas malalim na yun samahan. Siguro ang kulang na lang ay yun official labeling namin sa isa't-isa. And ramdam ko malapit na. She's more clingy and touchy now. Wala na rin yun hiyaan at ramdam ko she's gradually accepting my love for her.
And hopefully, soon.. maging Kami na..
A/N I hope this is not the last for today..
YOU ARE READING
When I met You (Completed)
FanfictionA MaiChard Lovestory Behind the scenes scenarios I was thinking..Because most of the time, reading tweets from so called Mulat's, Anay's and OSF's makes me lose control. I just dont find in me to believe them, even if I myself don't know what's real...