Her

1.7K 86 0
                                        

Natapos ang shooting sa Italy. May few scenes pa kaming kukunan dito sa Pilipinas kasama ang ibang cast tulad ng aking mga bagong kaibigang sila Cai at Kakai.

Nag-enjoy talaga ako ng husto sa pelikula namin ni RJ. I never thought na masaya pala sa shooting place. Dati kase laging umaandar ang pessimistic side ko kaya lagi akong takot. Buti na lang tinanggap ko na itong offer na movie. Laging ang dami kong negative thoughts. Buti na lang, RJ was always there. I'm still aloof sa kanya despite sa mga revelations niya. But then, I want to give him a chance. Nakausap ko din kase one time si Direk Mike and he said na kapag wala ako, RJ would always look for me. Palaging balisa at gusto akong puntahan nung nasa Italy kami. He would insist daw na puntahan ako. Kaya lang dahil madami pa siyang shots na kukuhanan mag-isa, kailangan niyang tiisin yun. Direk told me na hindi ganun si RJ sa mga previous projects niya, sabi pa niya, ang haba ng hair ko at natataranta ang isang Alden Richards sa beauty ko. In a way, unti-unting nababawasan ang duda ko sa kanya. Mabuti na rin yun kase mahirap magtrabaho kung hindi mo pinagkakatiwalaan ang katrabaho mo. In my case, may feelings  na involved. At least, sa nakikita ko, he likes me, too. So yun crush ko pala sa kanya at yun feelings na nagbloom, mare-reciprocate.

Pero syempre in time.. ika nga ng Lola Nidora, sa Tamang Panahon. Dapat enjoy muna namin yun friendship namin. And I'm starting to loosen up. Good start para sa aming dalawa. I just hope maging okay kami if ever na magkaroon kami ng relationship.

•••••••••

During the promotion of our movie, lagi kaming magkasama. Di naman nagpaparamdam yun Gicelle na sinasabi niya. But he said minsan tumatawag daw and he is rejecting her calls. As much as possible, ayokong magtanong tungkol dun. Let him handle his own business. It's not mine to interfere.

Anyway, he tells me that it was over and he keeps on reassuring me na wala na talaga. Actually naisip ko din yun, wala naman siyang sinabi o ipinangako sa akin dati nung sila pa nung Gicelle. Kaya nga siguro aloof siya sa akin that time kapag off cam. Kaya nga siguro akala ko pure work lang ang intention niya sa akin. Kase stick to one siya dahil sila pa nung Gicelle. So when he said na wala na sila, I know he was telling me the truth. Why? Almost everyday kami magkausap. Inihahatid niya ako sa condo or kapag nasa Bulacan ako, he goes there. Nagpaalam pala siya agad sa parents ko na liligawan niya ako ng dumating siyang una sa Pinas galing Italy. Hindi ko alam yun. It was Dean who told me na nagpunta si RJ sa bahay to formally ask my Tatay at Nanay. Effort talaga ni Kolokoy.  And I like it. Ayoko kase wina-warningan o ino-orient na liligawan ako. Gusto ko action. And he did just that. My Tatay accepted and agreed. Basta daw huwag akong sasaktan.

Sa totoo lang kinilig ako ng bongga. So nung dumating ako sa Pinas, he was there sa bahay. I totally freaked out. Aba naman napuno ng bulaklak ang bahay namin. May pa-cater pa. Grabe manligaw ang Alden Richards na ito, gumagastos. Pero siyempre, ayoko agad tumalon at dumive papunta sa kanya. Paghirapan muna niya. I need signs din siyempre. Gumagaling na rin ako sa acting. Kaya put the game face on ako. Kunwari kalma lang, pero deep inside, sasabog na ako. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Wala na. Bagsak na ang Bataan. Tinamaan na talaga ako. And I like the feeling. Pero takot pa rin ako.

When I met You (Completed)Where stories live. Discover now