Him

1.4K 75 0
                                    

Aaminin kong napikon ako sa off cam sagutan namin ni Maine. Ayoko kasing ma-bash siya. Mabiro si Maine if she wants to. And that joke was not good for that moment. Alam kong nanonood ang family niya. Ayoko na isipin nila na nagtake-advantage ako kay Maine. Sa totoo lang, mainit din ang ulo ko ng oras na yun dahil tumawag si Nay Carlites at sinabing kinausap siya ni Gicelle at magkita daw kami sa bahay ng manager ko. Of course dinecline ko kaya lang makulit yun manager ko. So nung nag-joke si Maine about Mama Ten ay madali akong napikon. Nagsisi talaga ako although nagkaayos kami agad. Alam kong nabawasan ang puntos ko sa kanya.

About dun sa pakikipagkita kay Gicelle, sinabi ko na kapag ipinilit pa nila na makipagkita ako kay Gicelle ay aalis na ako sa poder niya bilang manager. So wala silang choice. Sabi ni Leysam if ever na gumawa pa sila ng ganun, ilalapit na niya ako sa APT at doon na ipapamanage. Marami na rin kaseng kapalpakan si Nay Carlites. Tulad nung V-Day Fiasco, at yun ibang alipores niya, grabe i-bash si Maine samantalang mabait ito sa kanila. Kailangan kong protektahan si Maine kung gusto ko talaga mapanalunan ang pagmamahal niya. Medyo close na rin kase kami.

I said sorry to her so many times. Nakukulitan na nga siguro yun. Nagpadala pa ako ng 2 dosenang bulalak sa photoshoot niya. Tatapusin muna kase namin yun trabaho  namin bago yun sa Germany.

Mauuna sila nila Mr. T at nila Mam Jenni. Susunod ako kasama yun anak na isa ni Miss Celeste dahil may natira pa akong endorsement. As usual, nabash na naman kami dahil sa kagagawan ni Carlites. Nagsign up siya ng last minute work kaya di ako nakasabay kala Maine. Lalo tuloy nagdududa iyon sa akin.

Pero wala akong nagawa. Tinapos ko na yun endorsement at dumiretso na sa airport para makasunod kay Maine. Excited na ako. Babawi ako sa kanya. Eto na yun pagkakataon ko kase hindi trabaho pupuntahan namin kundi bakasyon.

A/N Hope hinintay ninyo ang update ko dito. Thanks.

When I met You (Completed)Where stories live. Discover now