Her

1.9K 90 0
                                    

I was so happy after that painful day na pagdalaw ni Dino. Si Alden Richards, inalagaan ako. Ay, si RJ pala. Yun daw itawag ko sa kanya. Why? Nagulat ako. Tawag yun sa kanya nila Kuya Leysam at Mama Ten. Para sa mga close niya lang daw yun. So ako, ka-close na rin niya? Gaano ka-close? Ewan ko. Basta masaya ako. Pero siyempre, one step at a time. Gusto ko muna makasiguro na di ito lokohan. Mamaya aktingan lang naman pala. Mahirap na.

•••••••••••

3 days bago kami umuwi, natapos ang shooting. It was exhausting pero masaya pala. We were given 3 days to roam around Italy. Alden or RJ, rather asked me to go to some places sa Italy. Wala ng time kase mauuna siya umuwi. May 2 extra days pa ako na work. That makes it 5 days. So we took time para mag-gala sa Italy. Napakaganda ng lugar. It was in those three days, mas lalo kami nagkakilala. He told me about himself. Yun mga di ko alam. Revelation talaga.

I remember tuloy nung nasa garden kami, after our last shoot, naglatag lang kami ng blanket sa damuhan at nagdala ng few snacks. Sabi ko kase gusto ko mag stargazing. Sumunod naman siya sa gusto ko. Napag-usapan namin yun mga issue sa amin. Yun tungkol sa itinatago niyang girlfriend. In fairness, sinabi naman niya sa akin yun tungkol sa Gicelle na yun. Ayaw na daw niya magsinungaling. Nalaman ko din na nagbreak lang sila one day before we went here sa Italy. So ang lola ninyo, nag-overthink na naman. Feeling ko kase ginamit lang niya yun Gicelle. Naawa ako pero RJ had to explain the reason. Minahal naman daw talaga niya yun girl, kaya lang sobrang nagger. Hindi pa nga daw asawa ganun na umasta. He even told me na that Gicelle was the one reponsible kaya nagkasira yun loveteam nila ni Julie Ann San Jose. Kaya pala ganun kagalit yun mother ni Julie sa kanya.

He told me to ask Leysam or Mama Ten about Gicelle para malaman ko na totoo yun sinasabi niya. Pero sinabi ko na di na kailangan. Kaya lang alam niya yun na ayaw ko maniwala. Alam ko ramdam niya yun!  Kaya ang loko, he showed me Gicelle's text messages. Lahat ng nakalagay dun puro pangha-harass. Kundi harass, pananakot, pagbabanta o puro galit. Naisip ko, sa sobrang bait ng taong ito, hinayaan lang niya na ganunin siya nung Gicelle. He admitted naman na malaki kase naitulong ni Gicelle sa family niya. Kaya kahit hindi na niya ito mahal, di niya mahiwalayan dahil sa utang na loob. Naawa ako sa kanya. Siguro nga hirap sila nung time na may sakit ang Mommy niya. Unlike me, lahat provided sa amin.

Pero naisip ko rin, baka nga utang na loob din tinatanaw niya sa akin. Diba nga sinabi niya yun sa isang Monthsary namin na hulog ako ng langit. At kung hindi dahil sa akin, wala na siyang career ngayon. Umandar na naman ang takot ko. Pero ang bilis niya makaramdam, agad niya sinabi yun fears ko. Akala mo nababasa niya yun iniisip ko. Kinukumbinsi niya ako na maniwala sa kanya.  Sinabi niya na hindi siya tumatanaw ng utang na loob. Thankful lang daw siya sa akin. Ako daw ang swerte sa buhay niya.

We had the best stargazing activity that night. Ramdam ko, something's coming. Hindi ko alam kung mabuti o masama. Basta ang alam ko, parang nabubuwag niya unti-unti yun walls ko. Natatakot na ako sa sarili ko. Baka hindi ko mapigilan, mahalin ko na siya ng todo.

Huwag naman agad-agad. Segurista kase ako. Kung sakali, sana seryoso siya. Dahil seryoso ako pagdating sa lovelife at relationship ko. Hindi ako papayag na masaktan lang ng kahit na sinong lalaki. Kahit si RJ o si Alden Richards pa yan.

When I met You (Completed)Where stories live. Discover now