Him

2.1K 103 0
                                    

It's been 10 months na yun loveteam namin. Madami ng mga issue kaming pinagdaanan. Pero ang AlDubNation nandiyan pa din. May ilang nawalan na ng tiwala. May ilang nanatili. Ang tagal kase ng Teleseryeng hinihintay nila. Pero wala pa rin. But our management deviced a plan, hindi kase pwedeng puro Kalyeserye o endorsements lang. Naisip nila na kahit movie na lang. Alam kong hindi pa handa si Maine pero wala na rin siya magawa. Nagsign kami ng contract na magkakaroon kami ng movie. Sa Italy nga daw iyon i-shoot. We will be together ng 3 weeks. As usual galit na galit si Gicelle. Hindi na siya makaangal kase nakasign na ako. Nasabihan na rin si Gicelle ni Nay Carlites. Huwag na daw siya umangal. Babalik naman ako. Naiinis ako na kailangan pang dumaan sa approval niya ang mga projects ko. Pero kahit ganun, ako na nasusunod. Away nga lang kami ng away. Sawa na ako. Kaya bago kami umalis papunta ng Italy, kailangan kong makipag-cool off kay Gicelle. Para di niya ako kulitin o istorbohin. Naiinis na ako sa kapuputak niya. Kunsabagay, dapat nga siyang ma-insecure, I think I'm falling for Maine. Hindi ko nga lang maipakita ng lubos, natatakot kase ako na i-reject niya. Kita ko kase at ramdam ko na iniiwasan ako ni Maine. Di ko alam kung bakit. Kahit na nung birthday niya ay sinorpresa ko siya sa Boracay pagkatapos ko makipag-cool off kay Gicelle. Alam ko kase na susunod na naman yun kapag nalamang sinundan ko si Maine sa Boracay. Inivite kase ako ni Maine pero di ako makasagot nung una dahil kay Gicelle. Pero nung nakipag-hiwalay ako kay Gicelle, agad akong nagpa-book ng special flight pa-Boracay just to show her na importante siya. Pero siyempre, nagtext na naman sa akin si Nay Carlites at sinabing susunod daw si Gicelle at ipapakita na siya ang tunay na girlfriend ko paghindi ako umuwi. Tulad ng ginawa niya nung kasal ni Bossing. Kaya umuwi din ako pagkatapos ng kasal, at bago magpunta sa reception. Inis na inis ako sa Manager ko. Kinukunsinte pa ata niya ang kalokohan ni Gicelle.

Pagbalik ko sa Manila after Boracay, madami akong nakitang hate tweets. Wala akong magawa. Pero kailangan ko rin protektahan si Maine. Ayoko na isipin ng magulang niya na may gagawin akong masama kay Maine dahil kami lang kasama ang ibang kaibigan niya ang nasa Boracay. Gustuhin ko man na manatili dun, ang daming hadlang. Si Nay Carlites, si Gicelle at ang mga bashers. Ako na lang ang sasalo ng hanash nila.

••••••••••
A day before ng flight namin pa-Italy, Gicelle called me up. Nakikipag-ayos. Isinusumbat niya sa akin yun mga nagawa niya for me. Tinatakot pa niya ako na kapag itinuloy ko daw yun pelikula ay lalabas siya. Napuno na ako. Pagmamahal pa ba yun? Ayoko na. That was it. I had to tell her to let me go totally. Hindi na basta cool off. As in break na. Kahit ano pa sabihin niya, hindi na ako natatakot.  After the call, I asked Leysam na ayusin kung ano man ang ilalabas ni Gicelle sa media. I even talked to Nay Carlites at sa Aldenatics na kausapin siya na tigilan na ako. I was'nt happy anymore sa relasyon namin. Toxic na siya. As in sukang-suka na ako sa aming dalawa. Hindi ko alam kung nakinig si Gicelle sa kanila. Pero all I know, I was so happy after I said the big word to Gicelle na break na kami. I was free! Pwede ko na ipakita kay Maine ang true feelings ko. Malaya ko na siyang maliligawan.

When I met You (Completed)Where stories live. Discover now