Him

1.8K 89 0
                                    

I was so happy. Nagstargazing kami ni Maine that night. It was memorable para sa akin. Alam ko na unsure ang status ko sa buhay niya, alam ko yun mga ni-reveal ko sa kanya ay may hatid na positibo at negatibo. Positive kase nailabas ko na yun tinatago ko sa kanya. Negative kase, hindi ko pa nga nasasabi ang intensiyon ko, mas lalo ata dumami ang tanong niya. Mga tanong na hindi niya magawang itanong sa akin.

Kaya kailangan kong ayusin at ipakita sa kanya yun intensiyon ko. Ayoko ng patagalin pa yun nararamdaman ko. Sasabihin ko sa kanya na mahal ko na siya bago kami umuwi at liligawan ko siya pagbalik namin sa Manila.

Madami akong takot. Takot na baka isipin niyang ginagamit ko rin siya tulad ni Gicelle. Takot na wala din siyang nararamdaman para sa akin. Iyun yun pinaka kinatatakutan ko. Yun hindi niya rin ako mahal. Sa totoo lang hulog na hulog na ako sa kanya. Bakit ba kase ganito yun scenario na nadatnan niya sa buhay ko? Mahal ko siya. And I know the first time I laid my eyes on her, alam kong mamahalin ko siya ng buo. But then again andun pa si Gicelle. Bakit kailangan magkaganun ang buhay ko. Kung hindi nagkasakit si Mommy at hindi siya namatay, hindi sana ako magkakaganun. E di sana si Maine na lang mula pa ng simula.

5 years ago nagkita na kami. Tanda ko yun. May isang dalagang lumapit para magpapicture sa akin nung Candy Cutie pa lang ako. Nakaramdam na ako nun ng sign habang nakaakbay ako sa kanya, habang pinipicturan kami. Pero sandali lang siya dahil uuwi na sila nun. Madami din naman nagpapicture sa akin nung mga panahong iyon pero iba yun naramdaman ko sa kanya. May kakaibang spark. Pero di yun nagtagal. Akala ko hindi na kami magkikita. Pero nagkamali ako. Nung July 16 na yun. Nung nakita ko siya, alam ko destiny namin na magkasama. Nakilala ko kaagad ang dalagang nakita ko na 5 years ago. Kaya nung tumingin siya sa akin, that was it! I know it was her. Kaya sobra ngiti ko at di maipinta ang kilig sa mukha ko dahil naalala ko siya. Hindi niya yun natandaan. Until isang araw na nasa Davao kami para sa promo ng My Bebe Love, dun ipinaalala sa kanya na nagkita na kami. Pero ewan ko ba, bakit hindi pa rin siya naniniwala sa akin? Sa destiny namin? Ako, naniniwala ako. Alam kong kaya kami nagkitang muli kase nakatakda yun sa palad naming dalawa. Kami siguro yun nakatakdang magkasama. And I still believe in destiny.

So I decided, kailangan kong gumawa ng aksiyon. Hindi pwedeng hindi niya makita na mahal ko siya. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mapansin at mahalin din niya.

Tatanggalin ko kung ano man takot niya. I will do my best to win her. Not for AlDubNation, but for me, and for us ni Maine.

•••••••••

A/N hirap mag-isip. Pero may ending na akong naisip. Di ko lang malaman kung paano ko ie-execute.

I hope you're having a nice day today.

Happy New Year in Advance!

-ava-

When I met You (Completed)Where stories live. Discover now