The Wedding itself was spectacular. EB pulled off with this one. Successful in it's on right. No doubt about that. As usual sabog ang Twitter sa mga naganap. Akala ng karamihan ay makatotohanan. But it was not. I would want it to be real, pero hindi pa ngayon. Marami pang clouds na ayaw umalis sa paligid ko. Meaning to say, doubts, uncertainties and feeling of unsincerity. Sa dami ng taong nakapaligid at nag-aabang sa aming dalawa ni Alden na maging totohanan ang kilig-kiligan ay hindi ko pa rin maalis ang katotohanan sa isip ko na probably it is for the show. Pero I'm not closing the doors. We're getting there, I know. And eventually, lahat ng duda ay mawawala. Basta hindi pa ngayon. Ayokong madaliin.
The wedding was unexplainable, for me. Halu-halong emosyon, kaba at excitement.
As soon as I entered the church, I saw him. Kinakabahan na nga ako sa dami ng taong kasali sa drama ng kalyeserye ay nakuha ko pang matawa as soon as makita ko ang mga Lola ko sa KS at ang tatay kong si Daddy Dods. As in, in character sila kaya nakapagpabawas iyon sa kaba. Pero ng nakita ko siya sa harap ng altar, naisip ko, bakit parang maiihi na hindi mawari ang mukha ni Alden. Kinakabahan din siguro. Pero habang palapit na ako sa kanya, kita ko sa mga mata niya na maluluha na naman siya. Eto na naman po ang iyaking syokoy ng buhay ko sa KS. Pinahid pa niya kunwari ang pawis niya at pasimpleng itinago ang pagpunas sa luha niya sa mata pero nakita ko yun. Mas lalo ata akong kinabahan. Naramdaman kong hindi ko na ata mapipigilan pa yun nararamdaman ko. Because of the situation that we're in, parang totohanan na. Nakikisabay yun emosyon ko para sa kanya sa ginagawa naming drama sa KS. Ramdam ko na ikakasal talaga ako kahit hindi naman. At mamaya balik na naman kami sa photoshoots at endorsments at hiwalay na namang uuwi sa kanya-kanyang buhay.
Nung abutin na niya ang kamay ko papunta sa altar, marahan kong pinisil ang braso niya. Tumingin siya sa akin na parang nagtatanong. Nginitian ko siya at wala akong sinabi. Sa mga mata ko pinadaan ang nararamdaman ko ngayong oras na ito.
Sa pagbigkas ng aming Vows, doon ko naibuhos ang damdamin ko. Oo, ipapaubaya ko sa kanya ang buhay ko, kahit sa kalyeserye lang. Sa harap ng kamera pero sa likod noon ay sinasambit ko na sa kanya ang damdamin kong ipinagkakatagu-tago ko. Sa takot na masaktan lamang niya ang puso ko.
Bago ang pinakahihintay na halik, nakahinga ako sa sandaling pagpigil dahil hinimatay sa Lola Nidora. Eto na kase. Natatakot akong makita niya ang sabik na mahagkan niya ako.
Ng bigyan kami ng hudyat para ituloy ang kiss the bride,
ay kinabahan na ako. Nangangamba man ngunit ng malapit na ang aming mga labi ay napahawak ako sa braso niya. Nakita ko ng sabihin niya ang salitang "I love you" ng walang tunog. Pinisil niya ang braso ko para iparamdam sa kin na magrelax lang ako. Hinayaan kong dumampi ang labi niya sa akin. Pumikit kaming dalawa. Simple pero tagos hanggang buto ang sensasyong naramdaman ko. Napahigpit ang kapit ko sa braso niya ng mga oras na yun. Natigil ang halik ng marinig namin angvsigaw ng mga tao. Unti-unting bumalik ang katinuan ko. Nagyakap kami at doon bumulong siya sa akin, Sa tamang panahon, itutuloy natin ito, Menggay..Tinignan ko siya pagkatapos at ngumiti. Hindi pa ngayon, pero darating din tayo diyan.
A/N Syempre partner dapat ang update. Hindi pwedeng Him lang. Dapat may Her din.
No proofread. My Bad.
YOU ARE READING
When I met You (Completed)
FanfictionA MaiChard Lovestory Behind the scenes scenarios I was thinking..Because most of the time, reading tweets from so called Mulat's, Anay's and OSF's makes me lose control. I just dont find in me to believe them, even if I myself don't know what's real...