Sa first week namin sa Italy, it was really awkward para sa aming dalawa. Kasama si Nanay sa amin pero uuwi din siya agad pagka-isang linggo dahil sa naiwan niyang negosyo. Sa first week na yun, todo iwas talaga ako pag-off cam. Buti nandun si Nanay. Medyo mahigpit din kase si Nanay. Kapag tapos ng shooting, nasa hotel lang ako para matulog.
Pero nung nagkasakit ako sa sobrang lamig, si Alden parang nag-iba yun treatment niya sa akin. Mas extra yun care, yun pag-aalala. Nagtataka nga ako sa kanya. Siguro naawa din siya sa akin. Struggle kase yun pag-arteng gagawin ko. Dumaan pa ako sa workshop niyan ha. Kaya lalo tuloy akong nalito sa kanya. Hirap niyang basahin. Extra sweet siya sa akin. Lagi siyang nakasunod sa akin pag-off cam. Sa hotel room lang siya hindi makasunod, andon kase si Nanay. Pero nun wala na si Nanay, ganun pa rin naman. Hindi siya pumupunta sa room ko. Hindi daw maganda kase babae ako. And natuwa naman ako. Iniisip pala niya ang kapakanan ko.
Ayan na naman. Hindi na naman ako makakatulog. Iniiwasan ko na pero sunud pa rin ng sunod. Ang mabigat, imbis na makaahon ako, lalo ata akong nahuhulog. Takot na takot ako. Ano ba gagawin ko? Baka masaktan lang ako lalo na pagbalik namin sa Pinas, malamang balik siya sa dati. Siguro dito sa Italy wala siyang pinagtataguan kapag sweet siya sa akin.
Pakilig lang kaya yun pinapakita niya? Ewan ko. Pero natatakot talaga ako. Baka arte niya lang yun? Best Actor kaya siya at di malayong pinapasakay lang niya ako. Kaya dapat taasan ko pa ang walls ko laban sa kanya. Mahirap na. Sa Showbiz pagtatanga-tanga ka, naku uutuin ka at pagsasamantalahan. Kaya ako, maswerte kase yun mga tao sa paligid ko tulad nila Ate Pat at Ate Oreo, pati sila Kuya Wally, Kuya Jose at Kuya Paolo, tinutiruan nila ako. Protektado ako sa kanila laban sa mga mapanlinlang. Tulad siguro ni Alden.
•••••••••••••••
I was having cramps one day after Nanay left to go back home. Ang sakit. I called Direk Mike na unahin yun shots ni Alden, sa sobrang sakit ng puson ko, di ako makabangon. Nagtulog lang ako maghapon. Mga 8pm pa naman daw yun call time ko para sa eksena ko kaya pinayagan na rin ako ni Direk na magpahinga muna.
While I was sleeping, may buzz sa pinto ng room ko. Kahit nahihirapan akong lumakad, i stood up para buksan yun pinto, and I saw him may dala siyang chocolates, mint oil at pain relievers. Maaga daw natapos ang shoot niya. Pinagpapahinga daw muna kami ni Direk at sinabing bukas na yun shoot ko kase naawa si Direk sa akin at di daw ako makabangon. Mabuti naman. Ang sakit sakit talaga ng puson ko.
Pinapasok ko siya sa room ko. Naupo siya sa couch. Ako din. Kahit ang sakit sakit ng puson ko, pinilit ko pa rin na pakiharapan siya ng maayos.
"Are you alright? Masakit pa rin ba?"
"Okay lang ako. Masakit pa rin sobra."
"Gusto mong i-rub ko yun back mo? Sabi nila nakakabawas ng cramps."
"Nakakahiya naman Alden. Kaya ko pa naman."
"Kaya mo pero tignan mo yang mukha mo, di maipinta. Halika, imassage ko. Don't worry hindi kita tsa-tsansingan."
"Sige. Salamat. Papayag na ako."
"Do you want mint oil para ma-lessen yun sakit? How about pain reliever?"
"Hindi ako dependent sa gamot Alden. Sorry. Titiisin ko na lang."
"Okay ba yun pressure? Nare-relieve ka ba?"
"Oo. Kahit papaano naiibsan ko yun sakit. Salamat ha."
"Did you eat na ba?"
"Wala akong gana now. Gusto ko matulog muna. Mamaya na lang siguro pag medyo nawala ng konti yun sakit. Magpa-room service na lang ako."
"What do you want? I'll order for you."
"No need na Alden. Thank you na lang."
"Bakit? Napaka-distant mo sa akin pag walang kamera."
"Hindi uy! Akala mo lang yun."
"Hindi nga?. Ayaw mo ba sa akin? No, I mean ayaw mo ba na makatrabaho ako?"
"Of course not. Nahihiya lang kase ako sayo."
"Don't be. I can be a friend."
"Thank you. Pero pasensiya ka na, introvert kase ako at ganito ako sa totoong buhay, mahiyain at tahimik. Huwag mong isipin na ayaw kitang katrabaho."
"Okay lang. I hope we could get to know each other more. Syempre, Team tayo. Partner. Dapat magkasundo tayo."
"Uhmm, oo nga. Sige I'll try to upgrade myself. Alden, okay na, medyo nabawasan ng sakit. Pwede ka ng bumalik sa room mo."
"Why? Ayaw mo na ako kausap?"
"Hindi naman. Nakakahiya lang sayo."
"Kala ko ba okay na tayo? Na wala ng hiyaan? Hindi ka pa rin ba comfortable sa akin?"
"Sorry. Pasensiya na. Pero I mean nakakaistorbo na ako sayo. Baka may lakad kayo nila Direk."
"Sabi ko aalagaan kita kaya di ako sasama sa kanila. Please let me.."
"Okay.."
"Pahinga ka lang diyan, I'll call room service."
"Thank you, Alden."
"Call me RJ. Iba si Alden, pang-Yaya Dub lang yun. Si RJ pang Maine Mendoza in real life."
"Hihihi.. Thanks Alden, I mean RJ."
"Welcome, Menggay."
And that was the start of a new friendship. Aaminin ko nahihiya pa rin ako sa kanya. He is like the sun, tanaw pero hirap hawakan. Nakakapaso.
We got to know more of ourselves eversince that day. Yun nga lang on guard pa rin ako. Mahirap na, baka masaktan lang ako.
YOU ARE READING
When I met You (Completed)
أدب الهواةA MaiChard Lovestory Behind the scenes scenarios I was thinking..Because most of the time, reading tweets from so called Mulat's, Anay's and OSF's makes me lose control. I just dont find in me to believe them, even if I myself don't know what's real...