Chapter 3: I gambled, I won. Respect and Love to one's self.

142 4 0
                                    

Kahit ilang lingo na yung nakalipas, hindi ko pa rin talaga ma-figure out yung sinasabi ni Sarah. Sabi niya I have to Respect and Love myself before anything else. Ginagawa ko naman yun eh. Mahal at nirerespeto ko naman yung sarili ko, hindi ba?

"Jamie!"

Bumalik na lang ako sa present ng marinig ko yung sigaw ni Manang Luring.

"Manang, nakakabigla naman po kayo!"

"Parang, wala ka kasi sa sarili mo anak. Tignan mo nga yang kinakain mong tinapay, nahuhulog lang dyan sa sahig."

"Ay, pasensya na po! Ako na lang po maglilinis nito!" Tumayo ako agad dun sa sofa at kinuha yung dustpan at walis, ang hirap tanggalin nito kasi nasa carpet. Hay, mag-vavacuum na nga lang ako mamaya.

"Ilang araw na kitang napapansing matamlay, hija. May problema ka ba?"

"Ikaw talaga, Manang. Wala po akong problema. Pasenti-senti lang po mga teenagers na kagaya ko!"

"Jamie, simula ipanganak ka ni Julia, kilala na kita. Para na nga talaga kitang anak, alam ko kapag may  problema ka at kapag masaya ka."

Dahil masyado kong sinarado yung puso ko, hindi ko na napapansin yung mga tao sa paligid ko katulad ni Manang Luring. Kahit na hindi niya ako kadugo o kaanu-ano, mahal pa rin niya ako at alam niya yung tunay na ako.

"Salamat po talaga, Manang, hindi niyo lang po alam kung gaano niyo ako pinasaya ngayon." Iiyak na sana ako pero mas mabuti ng yung hindi. Matanda na si Manang Luring para bigyan ko pa ng alalahanin.

"Oo nga pala, Jamie. Eto yung mga damit mo. Nilabhan ko na at tinupi. At may napapansin din ako iha, parang nakakalimutan mo na yung sarili mo."

"Pano niyo naman po nasabi yan?"

"Ayy, lahat ng damit mo lumiliit na sa'yo at halos luma na ang mga yun. Pinadadalhan ka naman nina Julia pero hindi mo ginagalaw yung pera, parang iniimbak mo lang."

"Pero baka po kasi isang araw, mawala na lang po sina Mommy kaya tinatago ko yung pinapadala nila."

"Yun ang akala mo, hija. Kahit pa magkakalayo kayo at hiwalay na ang mga magulang mo, mahal na mahal ka pa din nila. Hindi nga lamang sila para sa isa't-isa pero mahal na mahal ka nila Julia at James."

"Hindi po ako naniniwala."

"Anak, inilayo mo kasi sa kanila yung loob mo. Kapag mangangamusta ang mga magulang mo sa'yo, hindi mo man lang sinasagot yung telepono. hindi mo nga man sila binabati kung ayus pa ba sila."

"H-hindi ko po kasi alam kung saan ako magsisimula."

"Bakit hindi mo simulan sa pagbubukas ng mga regalong pinapadala nila? Alam ko bawat birthday mo may mga regalo kang natatanggap sa kanila pero binuksan mo na ba sila?"

Natahimik ako sa sinabi ni Manang Luring. She's right, ever since I understood our family situation, I couldn't bring myself to be happy.

I flinched when Manang Luring petted my head.

"Kayong mga bata, may sarili kayong paraan para parusahan ang mga sarili niyo." Pagkasabi niya no'n bumalik na siya sa kusina.

Napaiyak ako sa sinabi ni Manang, tama nga siya, even us children have our own ways of punishing ourselves.

Ayoko ng umiyak pa kaya umakyat na ko sa bahay at pumunta dun sa kwarto ko para ayusin na lang  ang mga gagamitin ko sa school bukas.

"Respect and Love yourself, huh?" Hindi ko talaga makuha yung sinasabi ni Sarah. Tatlong linggo na yung nakakalipas pero hindi ko pa rin maintindihan ang meaning ng Respeto at Pagmamahal para sa sarili ko.

Listen to my VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon