"Jamie, kumain ka na ba?"
Dumiretso lang ako sa kwarto. Hindi ko na pinansin si Manang. Ayokong may makakita sa'kin na ganito yung kalagayan ko. Nilock ko yung pinto at bumagsak dun. Hindi na 'to panaginip. Tapos na, wala na akong babalikan.
"Keith.. Keith.." Sana hindi na lang kita pinakawalan. Sana naging selfish na lang ako. Pag-ibig nga naman oh.
Ng magising ako, nahihilo pa ako ng konti. Ng buksan ko yung ilaw sa kwarto nakita kong alas dos na ng madaling araw. Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Humiga ako dun sa kama at pinilit kong matulog pero wala pa rin. Hindi talaga ako makatulog. Kaya umupo ako dun sa study table at binuksan ko na lang yung laptop ko.
Binuksan ko yung mga files namin Keith at nakita ko yung mga pictures namin. Ang gwapo-gwapo talaga niya at ang saya-saya namin.
"Tsk." Umiiyak na naman ako. Kailan ba bago ako mauubusan ng mga luha? Hangga't may alaala ako ni Keith, hindi ako makaka-move on sa kanya. Pinindot ko yung delete button.
Kinuha ko yung cellphone ko at pinutol yung sim card pati na rin yung memory card binali ko na din. Wala ng silbi ang sim card at memory card ko kaya kaysa itago ko mas mabuti na yung walang bakas na matira. Hangga't may connection pa kami ni Keith magpapatuloy lang ang mga luha ko.
"Ting!"
Narinig ko yung laptop ko at nung tinignan ko may unknown site akong nabuksan. Isasara ko na dapat pero may nakakuha ng attention ko.
"Heal the Soul, not the Mind. Heal the Heart, not the Body."
Kahit panandalian ko lang nakita yung mga words na yun tumatak na agad ito sa isipan ko. Hindi lang puso ko ang nasaktan pati na rin ang pagkatao ko. Tama nga lang sigurong ayusin ko ng dahan-dahan ang buhay ko.
Kinuha ko yung maliit na maleta ko na nasa ilalim ng kama ko at kumuha ng iilang damit. Eto ang kailangan ko ngayon, ang magpahinga. Hindi na mahalaga kung san ako mapupunta. Hindi pa ako ganon ka mature para harapin silang lahat. Ayokong makitang mag-kasama si Keith at Alice baka bigla na lang bumigay yung puso ko.
I'll just call my parents to inform them about this sudden trip of mine. Hindi ko sila kayang takasan habang buhay pero habang may nararamdaman pa rin akong galit sa puso ko, walang mangyayari kaya mas mabuti ng magpapakalayo muna ako at paghanda na ko, tsaka na lang ako babalik para ayusin ang lahat. Gusto kong sa pagbalik ko makakaya ko na silang ngitian at masabihan ng congratulations at you deserve each other.
Sa ngayon, para maayos ko ang mga problema ko kailangang maayos ko muna ang sarili ko. Call me a coward but this is my way of fixing myself.
Ng mag-alas siete na ng umaga kaya dumiretso na ko ng school at inayos yung sarili ko.
"Saan ka pupunta, anak?"
"Magiisip-isip lang muna ako, Manang. Kailangan ko na kasi 'to eh. Sana po hindi kayo magagalit sa gagawin ko."
"Mag-aalala ako, oo pero alam ko din naman na wala kang gagawin na ikakapahamak mo. Kung gusto mong magbakasyon, oo sige papayagan kita."
"Salamat po, manang."
At inilagay ko na sa compartment yung maleta at dumiretso na sa eskwela.
"Are you sure about this, Ms. Resplandor?" I've talked to the Principal about this sudden vacation I've planned.
"I really need this right now, Ma'am."
"Hija, your Grandma has always been a friend of mine. Wag kang mag-alala, I'll take care of this for you."
"Salamat po." We shook hands and I left. Nung naglalakad ako sa hallway, lahat ng mata nakatingin sa'kin. Nagtataka siguro sila kung bakit naka-civilian ako ngayon. At ng dumating na ko sa harap ng classroom namin nakita ko si Sarah na nakaupo dun sa dulo.
BINABASA MO ANG
Listen to my Voice
Romance"Sorry," Kapag sinabi sa'yo yan ng boyfriend mo, what would you feel? Jamie has been going steady with Keith, her boyfriend, pero dahil sa nakaraan ni Jamie, hindi niya makayang mahalin ng buong-buo si Keith dahil sa takot na iwanan din siya nito pe...