Chapter 7: I met an Angel disguised as a Devil.

132 6 0
                                    

Author's Gratitude:

Hello Readers! Maraming salamat sa 75 na viewers! Ang saya ko talaga ngayon. Bago pa lang ako kaya ineexpect ko ng konti lang ang makakabasa sa story ko pero grabe, ang saya ko lang talaga dahil umabot eto ng 70+. Eto na po yung pangako ko sa inyong, update dahil umabot na sa 70 yung readers. Hope you enjoy, thank you po talaga!

-----------------------------------------

<Chapter 7: "I met an Angel disguised as a Devil.">

(Lucas de Cambre)

"Boys, ayoko ng blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah- blah. Understand?"

Ang aga-aga ang dami-daming satsat ng matandang 'to. Ano pa kasing nalalaman niyang party-party. Kung alam ko lang, ginagawa lang niya 'to para lumakas siya sa mga tao. Malapit na naman kasi ang eleksyon. Pesteng pulitika kahit kailan.

"Yes, Lolo." Utu-uto talaga 'tong si Reid kahit kailan sa matandang hukluban na'to.

"And you Lucas, do you understand what I'm saying?" Humarap na siya sa'kin kaya wala akong choice kundi sumunod. Ayoko ng pangaralan pa niya ako sa umaga.

"Yes, sir." lang ang naging sagot ko para lumayas na siya sa kwarto namin.

"Good. I don't want you causing trouble. Get ready, the guests are coming."

Lumabas na rin siya sa wakas.

"Ang dami-daming satsat. Wala naman akong maintindihan sa mga pinagsasabi. Bakit ganyan ba ang lolo mo ha, Reid?"

"Kung makapagsalita ka diyan Luke parang hindi mo rin yun Lolo."

Kahit gusto ko pang matulog, sira na ang tulog ko dahil ginising na nila ako. Wala na rin akong magagawa kundi gawin ang gusto niya.

Pagkalabas ko ng banyo nakita ko si Reid na nakasuot na parang aattend ng kung anong Formal Gathering.

"Bro naman, ano yang suot mo? Ang alam ko Fiesta ang meron at hindi lamay. Bakit naman sobrang pormal ng suot mo?"

"Gago. Utos 'to ni Lolo. Ayan nga yung damit mo oh nakalagay sa kama ko. Yan lang daw ang susuotin natin."

Pagtingin ko dun sa kama ni Reid nakita ko nga yung formal set ng damit na sinasabi ni Reid.

"Langya! Ang init-init mag-lolong sleeves tayo? Bro naman, why are you always following that Old Man?"

Si Reid kasi nakatingin sa salamin at inaayos na yung damit pati yung style ng buhok inayos din. Mukha siyang nerd sa paningin ko.

"Luke, he's our Grandpa and besides ayoko ng bumalik sa States. Nakakasawa na dun kaya pwede ba kung ayaw mong mangyari ulet yung dati sundin na lang natin si Lolo?"

Lalo lang akong nawalan ng gana ng pinaalala na naman niya yung mga nangyari sa US. Kahit anong gawin ko ata hindi ko na makakalimutan yung mga nangyari dun.

Kumilos na lang mag-isa yung katawan ko. Sinuot ko yung damit na nasa kama ko kahit sobrang init at makati. Nag-ayos din ako ng sarili para kahit papano magmukha naman akong tao.

"Ano, Bro, gwapo na ba ako?" humarap sa'kin si Reid na tapos ng mag-ayos.

"Mukha kang nerd sa'kin."

"Talaga? Ai, shit! Tulungan mo nga ako, maraming chika babes ang dadating ngayon kaya dapat gwapo ako."

Sinabi ko sa kanyang tanggalin yung necktie niya at buksan yung dalawang butones ng damit niya. Siyempre pati rin yung buhok niya pinaayos ko.

Listen to my VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon