Chapter 10: Lies inbetween Truths

133 5 0
                                    

"Tutulungan kitang maibalik yung dati."

"Ha? Ano bang sinasabi mo, Alice?"

"Gagawin ko ang lahat para magka-ayos kayo kahit anong mangyari."

"Alice.."

She held my hand and even though she's having a hard time just by speaking, her eyes were full of determination. I wanted to stop her but she wouldn't listen.. Neither my heart would.

I want Jamie back. No matter what the cost is.

<Jamie Resplandor>

Ring, Ring, Ring

I was still sleepy but when I opened my one eye, I saw how bright it is already outside. I didn't bother to see who was calling and just answered it,

"Hello.." My voice was still strain and my body was still heavy.

"I waited for a girl like you"

"Under the Lights tonight

You turned around, and you stole my heart

With just one look, when I saw your face

I fell in love

It took a minute girl to steal my heart

Tonight

With just one look, yeah, I waited for a girl like you"

Lahat ng antok ko biglang napalitan ng kilig. Yung labi ko, nakangiti ng sobra.

"I waited for a girl like you"

.<

"Good Morning, Mommy."

"Good Morning din po, Daddy."

Nakakatawang isipin na parang may pamilya na kami sa tawagan namin pero kinikilig talaga ako ng sobra. Ang saya-saya ko talaga.

"Nagising po ba kita, Mommy? Baka inaantok ka pa."

"Ano ka ba, gising na gising na ko." Sino ba naman ang hindi gigising sa napakagandang boses mo. Hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. >.<

"Kasi gusto ko bawat paggising mo kahit wala man ako sa tabi mo, ako yung unang-unang gigising sa'yo. Mahal na mahal kasi kita eh."

"I love you too, Lucas, so much more than you think."

Nagbabad ako sa telepono pero malalate na kasi ako kung hindi ko pa ibaba pero gusto ko pang makausap ng matagal si Lucas. Ayoko mang ibaba pero kailangan ko ng magbihis para pumasok, tsaka friday na din naman ngayon para makahingi ako ng notes sa mga teachers at classmates ko.

Habang nag-uusap kami parang naramdaman kong isang buong taon kaming hindi nagkausap dahil ang dami-dami pa rin naming sinasabi sa isa't-isa kaya naman umaga pa lang nabuo na yung araw ko.

"Good morning po, Manang Luring!"

"Ang ganda naman talaga ng alaga ko. Namiss kita ng sobra!"

"Ako din po! Kaya ang saya-saya ko po at nakabalik na ko."

Malapit lang ang bahay namin sa school kaya nilalakad ko na lang. Matagal-tagal din akong nawala at alam ko marami ng nangyari pero hindi ko na dapat pang isipin ang mga yun dahil ang mas mahalaga ang ngayon kaysa sa kahapon.

The moment I stepped into the school ground, I immediately went to the Principal's Office and had a little talk with her. She welcomed me back and it was time for class.

Kapag bukas ko ng pinto ng room, lahat sila nakatinggin sa'kin. Dali-dali akong pinuntahan nina Andy, Sarah at ng mga kaibigan ko. Parang nagkareunion kami sa loob ng klase.

Listen to my VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon