Chapter 8: Trembling Hearts: Confused Feelings and a New Love.

161 7 0
                                    

Sorry sa super late upload! Masyado akong naging busy last month at napag-isipan ko lang na iupdate ngayon kasi ngayon lang ako free at may time. Ang next chapter po ay next month na. Hindi ko kayang pagsabayin ang pagsusulat, pag-aaral at ang aking special vocation in life. I need to rest as well kaya sana po magustuhan niyo ang bago kong updat.

"Anak, nandito na ang mamanugangin namin. Pasok ka, hijo."

Mula dun sa gate, pinapasok agad ni Tita Lea si Reid na may dala pang flowers and siyempre cupcakes. Sinabi ko kasing mas hilig ni Bea yung mga cupcakes kaysa sa chocolates kaya naman kapag pumunta si Reid sa bahay, laging may dalawang cupcakes o kaya naman cheesecakes.

"Mama naman eh! Papa, pagsabihan niyo nga po itong si Mama! 16 pa lang ako tapos gusto na niya akong magka-boyfriend."

Ang ingay-ingay sa bahay ngayon dahil si Reid ay nandito na naman pero this time, official na siyang nanliligaw kay Bea. Simula kasi nung nag-usap kami, gumawa siya ng mga paraan para naman kahit papano mabawasan yung bad impressions ni Bea sa kanya. Naging behave na nga siya ngayon eh, hindi na siya nakikipagtext sa mga babae at binago talaga niya yung mga habits na nakasanayan niyang pangbabaero.

"Abay oo nga naman Mama, kay bata-bata pa lang ni Beaselna pero bagay talaga kayo ng anak ko no, Reid?"

"Papa naman pati po ba kayo?!"


Natawa na lang ako dun sa kwarto ko. Usually kasi sa mga tatay bawal ang boyfriends o relationships  pero open-minded naman kasi sina Tito at kilala din naman nila si Reid pati ang pamilya nito kaya alam nilang walang masamang intensyon si Reid kay Bea..

Isang buwan ng nanliligaw si Reid kay Bea at kahit ayaw ni Bea ng una, paunti-unti natuto na siyang mag-open up ng loob kay Reid. May naalala tuloy ako habang pinapanood ko si Reid at Bea na nagliligawan parang eto rin yung simula ng relasyon namin no'n ni Keith.

"Ms. Jamie Resplandor will you be my girlfriend? I promise to make you the happiest woman in the world, just say yes."

"Ayoko sa mga playboy na katulad mo! I'm sorry pero hindi kita type!"

"Makikipagbreak na ko sa lahat ng mga babaeng nakakadate ko para sa'yo. You're the only one for me!"

"Kahit na! Ang gusto kong boyfriend ay yung maishashare namin sa isa't-isa yung first everything namin!"

"Ganon ba? Ang sa'kin kasi mas romantic yung last time kaysa sa first alam mo ba kung bakit?"

"Bakit?"

"Kasi ang first time, naiibibigay mo yan kahit kani-kanino lang pero ang last time sa iisang tao lang. At ako, balak kong ibigay sa'yo yung Last Time ko kasi mahal kita."

"Mambobola! Siguro ginamit mo na yan sa ibang babae! Hindi nila ako katulad!"

"Hindi rin ako makapaniwala nung una. I'm not the type of person who'll settle down with just one woman pero kung ikaw yung partner ko, that's not such a bad idea is it? Maybe it's destiny."

Nung sinabi niya yun, dun na nahulog yung loob ko sa kanya. In a sense, mas special nga yung last times kaysa sa first times. Nahulog din ako sa kanya dahil sa sincerity niya and now here I am..

Keith used to be a player but then he changed for me kaya naman I was able to fall in love with him pero ngayon wala na kami I still love him, I still feel something for him. Almost two months na rin mula ng mag-break kami.

"Masaya na kaya silang dalawa ni Alice?"

Deep inside my heart, there is this ugly feeling that doesn't seem to fade no matter what I do. Ayoko 'tong nararamdaman ko.. I don't want this feeling anymore.

Listen to my VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon