I wasn't able to sleep at all because I kept thinking about Keith. We're going to meet each other today and I can't back down now. I was the one who propose this in the first place pero hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko sa kanya. Hay, bahala na nga.
Tumayo na ko dun sa kama ko at inayos yung susuotin ko. Naligo na rin ako at nag-ayos. Eto na yung araw na pinakahihintay naming lahat.
"Tatapusin ko na 'to. Kayanin mo, Jamie. Kayanin mo."
Nagpaalam ako kay Manang Luring na may pupuntahan lang ako at baka gabihin na ko. Dinala ko yung sasakyan ko kasi nga may dala akong box. Malaki masyado yun kaya hindi ako pwedeng mag-commute. Baka nakawin pa eh, haha.
Nung makarating ako dun sa Park, may nakita akong lalaki na nakaupo dun sa bench. Walang dudang si Keith yun. Kahit malayo siya, alam kong si Keith yun.
Naglakad ako papunta sa kanya pero kinakabahan ako. Wala ng dahilan pa para tumakbo, kailangang harapin ko na 'to.
"Kanina ka pa ba?"
"Ha. Hinde- Jamie? Ikaw ba yan?" Natatawa ako sa expression ng mukha niya kasi halatang gulat na gulat siya sa nakikita niya.
"Oo naman, ako nga ang nagsabi na magkita tayo di ba? Isara mo naman yang bibig mo, papasukan yan ng langgaw." Sinara ko yung bibig niya kasi hindi pa rin siya nakaka-get over sa pagbabago ko.
"Ha.. Sorry ah, nabigla lang ako. Ang ganda-ganda mo kasi eh.."
Nalungkot ako sa sinabi niya kasi bumabalik na naman yung Keith na mahal ko pero iba ang intensyon ko kaya nakipagkita ako sa kanya.
"May gagawin ka ba ngayong araw na'to?"
"Wala naman."
"Pwede mo ba akong samahan ngayon?"
"Oo naman. Ang tagal na rin simula ng huli tayong magsama eh. Sorry-"
"Sa araw na'to, bawal kang mag-sorry sa'kin. Ha?" Yun yung rule na ginawa ko para sa kanya.
Tumango lang siya at niyaya ko na siyang umalis. Iniwan ko dun sa Parking Lot yung kotse ko at naglakad-lakad kami. Pumunta kami dun sa Aqua Park at pinanood yung mga bagong dating na dolphin.
"Ang galing oh! Tumalon yung dolphin!" Tawang-tawa ako kasi first time ko lang makakita ng dolphin na tumatalon.
"Oo nga eh, ang gagaling nila."
Ng matapos na kami dun sa Aqua Park, nagyaya siyang kumain na muna. Nag-lunch kami sa isang restaurant para walang masyadong tao.
"2 Grilled Beef and Chicken, please." Yun yung sinabi niya sa waiter.
"Nagbago na ba yung favorite mo?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti. Honestly, parang mag-on pa rin kami ngayon. Ang saya-saya namin pero may katapusan 'to.
"May problema ba, Jamie?" Halata na sa mukha kong nalungkot ako pero dapat hindi niya mahalata.
Dumating agad yung order namin kaya iniba ko na yung usapan. Ayokong masira yung araw na'to kasi eto na yung.. Hay.. Basta eenjoyin ko 'tong araw na'to kaya dapat naka-smile ako, bawal ang sad face.
"Ikaw talaga, hanggang ngayon alam mo pa rin yung fav ko! My Grilled Chicken! Hmm! Sarap!"
Nagkukwentuhan at nagtatawanan kami habang kumakain pero wala kaming minemention na related sa relatioship namin. Pinag-usapan namin yung mga ginawa namin sa araw na yun pati na rin yung mga nangyari this past few weeks.
"Tara na!" Tumayo na siya at sumakay na kami sa sasakyan niya.
"Saan tayo?"
"Sa Enchanted Kingdom! Go!"
BINABASA MO ANG
Listen to my Voice
Romance"Sorry," Kapag sinabi sa'yo yan ng boyfriend mo, what would you feel? Jamie has been going steady with Keith, her boyfriend, pero dahil sa nakaraan ni Jamie, hindi niya makayang mahalin ng buong-buo si Keith dahil sa takot na iwanan din siya nito pe...