Chapter 2: After the storm, there's always a rainbow waiting.

167 5 0
                                    

"Aayusin ko lang yung mga gamit ko."

"Sige. Kita na lang tayo sa gate."

Siguro wala ng tao sa room, sinadya ko kasing magpahuli para hindi ko sila makita. Pero akala ko lang pala yun, pagdating ko sa room, si Alice, Sheila, Phoebe at Keith and naghihintay sa'kin.

"Hinihintay ka namin kanina pa, Jamie."

Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ako sa upuan ko. Nagmadali akong ayusin ang mga gamit ko para makaalis na ako agad.

"Jamie naman, wag ka naman sanang ganito!"

Ang nasa isip-isip ko, ako lang ang tao sa kwartong yun kaya wala akong naririnig.

Ng matapos na kong ayusin yung gamit ko, dumiretso na ako papalabas ng pinto ng biglang lumuhod si Alice at Keith sa harapan ko.

"Jamie. I can't say I'm sorry enough for you to forgive me."

Once again, nasaktan na naman ako by the same guy twice. Akala ko dati, Keith, ikaw na yung hinahanap ko pero napakalupit mo sa'kin. Binasag mo na yung puso ko, pati pagtitiwala ko tinapak-tapakan mo pa.

Akma na kong lalabas ng kwarto ng hatakin ni Sheila ang braso ko.

"Kailan ka pa naging ganito, Jamie?!" nagsasalita sa tonong galit at nag-aakusa si Sheila..

"Di ba ang pinag-usapan naman natin ay magkakalimutan na tayo?"

"Jamie!" Sumasakit na yung pagkakahawak ni Sheila sa braso ko.

"Bitawan mo ko." Inihampas ko palayo ang kamay niya dahil ayoko na silang makausap pa. Sawa na kong sila na lang lagi ang tama at ako ang mali.

"Jamie, I'm sorry pero I-I love Keith.." Pinapatayo na siya ni Sheila at Phoebe. Ngayon ko lang talaga narealize na she's such a crybaby and I'm the complete opposite of her. Dati, katulad rin ako ni Alice. Weak, powerless, laging umiiyak pero tumatak sa isip at puso ko na walang mangyayari kung lagi na lang akong iiyak kaya tinibayan ko ang loob ko because I never want to see my old self again.

"You know, Alice? You remind me so much of the past me that I despise the most."

"Jamie, she's not the one at fault! Ako yung nagkagusto sa kanya!" your words are enough to kill me, Keith. If only you know much I'm hurting because of you.

"You're one big bastard, Keith. I'm glad we broke up." Kahit labag sa loob ko ang mga salitang yun kailangan ko siyang saktan para mawala yung sakit sa puso ko.

"I know the type of girls you want Keith, those who cry, those who cling to you and those weak girls but I'm sorry that I'm not that kind of woman. Maybe it's because I never really loved you that's why I wasn't able to cry infront of you."

Nakita kong labis na nasaktan si Keith sa sinabi ko at lahat sila tiklop sa'kin. Hindi kasi ito ang Jamie na nakilala nila.

"Hinihintay ka namin- Oh, what a surprise!" Biglang dumating sina Andy ng mga oras na yun. Napangiti ako dahil kanina ko pa sila gustong makita.

"Tumayo na kayo kahit anong gawin niyong pagluhod, wala kayong aasahang Jamie na babalik sa inyo. Keith, kung gusto mo lang ma-clear ang konsensiya mo bago maging kayo ni Alice then I'll let me say this, I can live without you and the proof is that even now, I'm still breathing."

"Kaya pala nagiging ganyan ka na, Jamie. Dahil sa Andy Olivares na yan!"

"Anong ginawa mo kay Jamie ah! Wala kang magawang matino sa buhay!" Pati si Phoebe na akala kong ang anghel sa'ming lahat nagawa ding akusahan si Andy. Ganito na ba sila nagbago o ako lang ang hindi talaga nakapansin sa tunay nilang mga ugali?

Listen to my VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon