Chapter 1: What I really have. (Jamie Resplandor)

261 7 0
                                    

<Chapter 1: "What I really have.">

This was supposed to be the happiest day of my life dahil one year anniversary na namin ng boyfriend ko pero I never expected that this was also the day that will break my heart.

"I'm sorry."

Yung one line lang yun pwede ng sirain yung puso ko. Sorry? Para saan?

"Hindi ko sinasadya.. I fell in love with her.."

"Who is she?"

"Si Alice.  Wala siyang kasalanan.. Ako yung nainlove sa kanya.. I'm really sorry.."

"Jamie!"

Ang sakit. Sana hindi na lang niya pinaabot ng isang taon. He should have told me what he really felt sana na-avoid pa namin ang worst. Hindi lang ganon kadali ang gusto niya, nainlove siya sa kaibigan ko eh?

I left the room and ran towards a place where no one can find me. All this time, ako lang pala ang nagmamahal.

"Jamie!"

Dalawang buwan na rin simula ng huli kaming mag-usap ni Keith pati na rin ni Alice. Hindi ko pa kasi sila kayang makita, kahit hindi intentional, nasaktan pa rin ako, sobra.

"Jamie, pwede ba tayong mag-usap?"

Ang taong pinaka-ayaw kong makita ang lumapit pa sa'kin ngayong umaga. One month ko na nga siyang iniiwasan, hindi ba niya nararamadaman na ayaw ko siyang makita?

"Magiging unfair ako sa'yo, Alice and I have no right or whatsoever to be angry at you but please do me a favor and stay away from me." I know it's not her fault and frankly, wala naman talaga siyang kasalanan pero I still can't stand it. Ano bang dapat kong gawin? Ang ngumiti na parang walang nangyari? Kahit subukan ko mang maging masaya, hindi ko magawa. Binalaan ko na ang puso ko dati, kapag nagtiwala ako ng sobra, ganon din kasakit ang balik sa'kin.

"Jamie, alam naman naming masakit ang nangyari pero hindi rin naman 'to gusto ni Alice eh." Dinidefend ni Sheila si Alice because she's already crying. Ako dapat ang umiiyak and not her kaya bakit hindi naman ako ang pakingan niyo?

"Alam niyo naman pala ang pinagdadaanan ko eh, do you even realize Alice that what you're doing is just making things even worst for me?"

"Jamie.."

Gusto ko ng umiyak ng mga panahong yun pero kailangang maipakita kong matapang ako kasi wala naman taong mag-cocomfort sa'kin kahit bumagsak pa ko ngayon eh.

"Jamie, that's why we're fixing this mess! Magkakaibigan naman tayo di ba and we're all here for each other. Alice didn't betray you.."

Tama ba tong mga naririnig ko? Kaibigan ko nga ba sila? Bakit ang sama kong tao sa paningin nila? Di ba ako naman ang nasaktan kaya bakit si Alice ang kinakampihan nila? Ano 'to?

"Alice, pwede ba?! If you like Keith then go out with him! All this time, I know na may gusto ka sa kanya!"

Dun naman dumating si Keith at sigurado ako si Alice ang kakampihan niya.

"I'm really sorry, Jamie! Walang kasalanan si Alice, Ako lang!" si Keith ang nagsalita. He really sided with Alice.

"Can you listen to yourself? What do you want me to do, Keith? Pretend that this never happened? Fine. Kung yan ang gusto niyong lahat, FINE. Kakalimutan kong nangyari 'to, kakalimutan kong naging kaibigan ko kayong lahat." I voiced out my anger.

"We care about you, Jamie, that's why we're fixing this! We're not taking sides." nagsalita na rin, ang taong akala ko idedefend ako, si Phoebe. Pero in the end, kay Alice din pala siya.

Listen to my VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon