<Chapter 9: "Forgotten Past, New Future and a Broken Promise of Tomorrow.">
"Jamie, sigurado ka na ba talaga?"
"Oo naman. Three months na kong nandito at kailangan ko na ring umuwi."
"Mamimiss kita ulet! Bakit kasi naisipan mo pang umuwi?!"
"Nag-aaral din ako at nandun si Manang Luring at yung mga kaibigan ko."
Two weeks ago ng maging kami na ni Lucas at sa pagsasama namin, naisip kong masaya na ko at hindi na problema sa'kin ang mga nangyari dati. Nung umalis ako marami akong taong pinabayaan. Nauna ang galit ko bago ang pagpapatawad pati kinonsensiya ko din sila ng sobra. Ngayong masaya na ko, wala ng dahilan pa para magtagal dito. Oras na para harapin ko lahat ng gulong iniwan ko. Matagal na rin ang bakasyon ko at nakapag-isip na rin ako sa mga susunod kong hakbang. Ng makilala ko si Lucas, ni katiting na pagmamamahal ko para kay Keith ay wala na. Katunayan lang siguro yun na talagang nakapagmove on na ko sa mga nangyari sa'min nina Keith at Alice.
Umalis ako ng hindi man lang nagpapaalam sa kanila at lumayo ako para kahit papano masaktan ko sila pero mali pala ako. Wala akong karapatang magalit kay Keith o kay Alice man lang dahil ako mismo ang may kasalanan kung bakit nagkahiwa-hiwalay kami. At ngayong masama na ko, kailangan ko na silang palayain sa mga konsensiya nila at pati na rin sa'kin.
"Jamie, may tawag para sa'yo si Lucas!"
Inabot sa'kin ni Bea yung phone at lumabas na ng kwarto ko.
"Hello?"
"Kamusta ka na?" Marinig ko pa lang yung boses niya, nakaramdam na ko ng pamumula sa mga pisngi ko.
"Eto, nag-aayos ng gamit. Patapos na rin ako."
"Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo? Hindi mo na ba ako mahal kaya umaalis ka?"
"Ikaw talaga! Mahal na mahal kaya kita. Pero nandun kasi talaga ang buhay ko eh. Di bale, malapit lang naman ang Manila dito kaya kahit araw-araw makakabisita ako."
"Di bale, ihahatid na lang kita bukas at bibisitahin kita dun ng madalas. Mamimiss ko ng sobra ang girlfriend ko. Hay, sana hindi ka na lang umalis. Malulungkot kasi talaga ako eh. Kung kailan naman naging tayo dun ka lalayo sa'kin. Parang ang hirap." Nakaramdam ako ng sobrang pagkakilig sa sinabi niya. Namula talaga ako ng sobra kaya salamat na lang at walang tao sa kwarto ko no'n kung hindi hiyang-hiya ako sa reaksyon ko.
"A-ako din malulungkot kasi wala ka dun."
"Jamie, mahal na mahal kita. Higit pa sa pagmamahal mo sa'kin ang nararamdaman ko sa'yo. Wag mong pababayaan ang sarili mo dun dahil lugar yun kung saan wala ako. Tatawagan kita araw-araw para hindi kita mamiss ng sobra. Sige na, gabi na rin. Matulog ka na at magbabyahe pa tayo bukas. Tulog ka na, Jamie."
"Good night din Lucas and... I love you just as much as you love me. God knows that."
"I know baby.. And I love you too."
Ibinaba ko na yung telepono at sinara yung maleta ko. Ang sarap-sarap ng pakiramdam ko. Nung una galit na galit ako sa mga nangyari. Bakit kailangang kunin sa'kin ni Alice si Keith kahit na sobrang mahal na mahal ko siya? Ngayon alam ko na kung bakit naghiwalay kami ni Keith at yun ay dahil hindi kami para sa isa't-isa at may taong mas magmamahal pa sa'kin kaysa sa pagmamahal ni Keith.
Kahit sandali pa oang kaming magkakilala ni Lucas, hindi yun ang sukatan ng pagmamahalan. Akala ko dati kailangan munang matagal na kayong magkakilala para mas malaman niyo ang katangian at kaugalian ng isa't-isa pero hindi pala kailangan yun. Ang mahalaga pala talaga sa lahat ay yung tiwala at nararamdaman niyo para sa isa't-isa. Hindi ko na ku-questionin pa ang nararamdaman ko kay Lucas dahil lang sa kakakilala pa lang namin basta ang mahalaga sa'kin, mahal ko na talaga siya.
BINABASA MO ANG
Listen to my Voice
Romance"Sorry," Kapag sinabi sa'yo yan ng boyfriend mo, what would you feel? Jamie has been going steady with Keith, her boyfriend, pero dahil sa nakaraan ni Jamie, hindi niya makayang mahalin ng buong-buo si Keith dahil sa takot na iwanan din siya nito pe...