Simula

701 7 0
                                    

"Happy New Year!!!" all chanted.

Isa isa rin silang nag silapitan at humalik sa mga pisngi ng isa't isa. I reached for Kodi and greeted him too.

"More years with you." he said and we tossed our glasses.

"Tita, sobrang laki naman dito. Baka malaki rin ang gagastosin natin." sabi ko habang tinitingnan ang gusali ng papasokan ko.

Actually, I am already third year college student taking Business Administration. I went from different institutions because of my aunt, and yes, I am a scholar student. Mahirap dahil dapat maintain ang grades mo, hindi ka pwedeng pabaya at dapat matiyaga ka.

"2 years na lang rin naman, Cha. At isa pa, magandang tulong 'to! Hay, mabuti at may scholarship program ang bago kong pinasukan." sabi nito. Tumango naman ako sa kanya, ngumiti naman si auntie at nagyakapan naman kaming dalawa doon.

It's really hard to enter in the big University especially when you're surrounded by rich people. Mahihirapan ka talagang ikasya ang sarili mo sa kanila at wala ka talagang makikita na makakasama mo. It's like they have their own worlds.

Pumasok naman ako sa caf para makakain dahil sa may klase ako after my one hour vacant. Halos iba't ibang klasi ng mga magkakabarkada doon. May nakikita ako sa isang sulok na puros nag-aaral, meron ring maingay, meron ring mga lalaki na parang mga baby boys pa, merong mga babae na hindi kagandahan, merong mga mala dyosa, at siyempre yung mga hunks.

"Fuck you Krish! Bayaran mo ako!" napabaling naman ako sa maiingay na pumasok sa caf. Puros sila mga lalaki, ang dami dami nila.

"Anong bayaran? Hoy! Sabi ko third base! Eh second base ka lang!" sigaw nito. 

"Nahuli kasi kami ng mama niya! Gago nito, paasa ka." napailing na lang ako. Hindi ba mawawalan ng fuck boys ang paaralan na mga pinapasokan ko?

Tinuro ko naman ang pagkain na kaya lang ng budget ko, lumakad naman ako habang humahanap ng mauupuan. It's lunch time kaya siguro marami talagang kumakain. Saan ako kakain nito? Sa banyo? Para katulad sa mga movies na napapanuod ko? Hmmm. Saan kaya?

"Excuse me..." sabi ko sa babaeng mag-isa lang umupo. Na sa four-sitter chair  naman siya, siguro papayag naman siya na kumain ako dito.

She smiled and looked at me. Bakit wala kaya siyang kasama dito? Ba't hindi kaya siya napapaligiran ng mga iba't ibang klasi ng mga tao dito? She is so beautiful!

"Pwede bang umupo? May kasama ka?" tanong ko. Mabilis niya naman niligpit ang mga gamit niya at tinabi sa upuan niya.

"Sure! Take a seat!" nakangiti pang sabi nito.

"Thank you..."

"You're familiar. Classmate kita sa isang subject." sabi nito.

"Talaga? Anong subject?"

"Cost Accounting." tumango naman ako sa kanya at ngumiti.

"Oh by the way, I'm Jenni." sabay lahad niya ng kamay niya, tinanggap ko naman iyon.

"Charis..." we shook our hands.

Nag-usap naman kaming dalawa doon at napagdesisyon naming dalawa na sabay na pumasok sa next subject, ang Cost Accounting.

Napabaling naman ang tingin ko sa gilid ng mesa namin na maingay. The boys earlier. They are so many and so noisy! Hindi sila pwede sa library!

"Mga pogi noh?" sabi nito.

"Huh?"

Humagikhik naman si Jenni. "Ang mga yan... The Farrells, the Guerreros, Ong, Matthews, and Jayme." sabi niya. Hindi ko naman kilala ang mga iyan eh.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon