Kabanata 32

244 7 0
                                    

"KODI!!!!!" malakas kong sigaw ng nakita ko ang mukha ko sa salamin. Rinig ko naman ang malakas na tawa ni Kodi galing sala!

Padabog naman akong lumabas at mabilis siyang dinaganan at sinabunutan. Tawang tawa naman ito habang pinipigilan ang kamay ko.

"NAKAKAINIS KA!" sigaw ko.

Hindi na iti makapagsalita dahil sa kakatawa.

Damn it! I woke up with many drawings on my face! Hindi ko alam kung ipapasalamat ko ba na ballpen lang ang ginamit niya BUT still! Maputi ako kaya kitang kita pa rin ito! As in sobrang dami! May malaking KODI sa noon ko, may heart sa tungki ng ilong ko, at marami pa siyang ginuhit!

"BAHALA KA NGA DIYAN!" sigaw ko. Mas mabuti pa iyong alisin ko na ito! Minsan na nga lang siya mantrip, sobra sobra pa!

"Babe, sorry na." natatawa pa nitong sabi. Inirapan ko naman siya.

"Ansakit na ng mukha ko sa kakaalis!" nangigigil kong sabi. Tumawa naman siya at ng tiningnan ko siya ng masama ay tinikom nito ang kanyang bibig.

Parang isang oras ako sa banyo ng natanggal ang lahat. Kodi attempted to help me but I scold him. Nakakainis kasi! Sinira niya ang umaga ko!

"Babe? Sorry na. Parang iyon lang." sabi nito. Nakahiga ako sa couch at sinisipa ko siya kapag sinusubukan nitong tumabi sa akin.

"Cha, masakit na ah." reklamo nito ng malakas ko siyang sinipa ulit at napabalik ng upo sa single couch doon.

"Sabi ko nga... Magluluto na lang ako." sabi nito ng masama ko siyang tiningnan.

He cooked lunch for us. Hapon kami nagsisimba na dalawa ni Kodi. Sinusungitan ko naman siya kapag kinakausap niya ako.

"Cha, na sa simbahan na tayo. Wag ka ng maldita."

"Ewan ko sa'yo!" I said with gritted teeth. He just gave a sexy chuckle.

Hindi siya natigil sa pangungulit sa akin. Napadaan naman kami sa cosmetic section na dalawa at may naisip naman ako.

"Tara ubos na make up ko eh." sabi ko at hinigit siya doon. 

Like before, Kodi paid for what I bought. Ayaw na ayaw niya kasi talaga ako ang gumagatos. Palagi niya akong sinasabihan na ilagay ko na lang daw ang igagastos ko sa savings ko.

"Cha, sa bahay tayo mag Christmas at New Year... Okay lang ba sa'yo?" he asked. 

Makakasama ko ang daddy niya doon? Okay naman sa akin iyon. Wala na kasi 'yun. Ang tanong kung sa daddy ba niya ay okay lang? Ayaw kong magtanim ng sama ng loob sa daddy niya kasi mataas pa rin ang respeto ko dito. He is Kodi's dad. Palagi ko na lang iniisip na gusto niya lang ang magandang buhay para kay Kodi. But if he sees me as a hindrance then be it. Wala na akong magagawa at hindi ko na iiwan si Kodi ulit.

"Oo naman." nakangiti kong sabi sa kanya. Ayaw kong isipin ni Kodi na galit ako sa daddy niya at ayaw ko ring magalit siya. Ilang beses ko siyang sinabihan noon na wag na lang isipin iyon dahil ang mahalaga ay okay na kaming dalawa.

9pm ng nakarating kami sa condo. Sa labas na kami kumain na dalawa. Pagkadating namin ay humiga na lang kami sa couch at nanuod ng TV. Sobrang nakakapagod talaga kapag magkasama kaming dalawa lumabas. 

Naramdaman ko naman ang pag haplos ni Kodi sa tiyan ko.

"Babe, what if you'll get pregnant?" he asked.

Napangiti naman ako. Hinawakan ko naman ang kamay niya na na sa tiyan ko. Nakatalikod ako sa kanya at na sa likod ko siya. Ako ang na sa unahan ng couch at nakayakap siya sa likod ko habang nakahiga kami pareho.

"Ayaw kong malaki ang tiyan ko sa araw ng kasal, Kodi." sabi ko. I still want the wedding like what we decided before. Gusto ko iyong wedding gown ay ganoon pa rin. For sure, na sa kay Mikay lang iyon.

Wala namang problema kay Kodi ang gusto ko sa kasal namin.

"Sana nga meron." bulong niya. "Iyan ang pangarap ko ngayon, Cha.. Bibigay mo rin naman yan diba?" hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya. I gave him his dream- the company. At ngayon ito ang gusto niya. Of course Kodi. I will give everything to you.

Pigil na pigil ako sa pagtawa habang tinitingnan ko ang natutulog na Kodi.  Mamaya pa ang trabaho niya dahil monday na ngayon. 6am pa lang at maaga akong nagising para lagyan siya ng make up. Kinunan ko naman siya ng litrato.

Ng gumalaw siya ay tumayo kaagad ako. Natatawa talaga ako.

"Good morning!" masayang bati ko sa kanya. Kumunot ang noo nito dahil sobrang lapad ng ngiti ko.

Pinikit niya ulit ang kanyang mga mata dahil inaantok pa siya. Dinampot ko naman ang cellphone ko sa gilid at sumiksik sa kanya.

"Hmmm..." I know he wants this too! Gusto niya kasi ganito kami kadikit palagi. Hay nako, Kodi! Palaging obvious na gusto niya talaga ako makasama.

I took a picture of us. Nakapikit ang mga mata nito. Natawa naman ako. As in make over talaga ang ginawa ko sa mukha niya. Bagay sa kanya ang eyeliner na cat-eye, ang sobrang pula na lipstick, at ang contour.  Sumasakit na ang tiyan ko sa kakatawa habang tinitingnan ang litrato niya.

"What's that?" sabay hablot niya sa cellphone ko. Naluluha na ako sa kakatawa at mas lalo lang akong natawa ng nabigla siya. Mabilis naman siyang bumangon at tiningnan ang mukha sa salamin.

"CHARIS!" sigaw niya.

"So beautiful naman of you." sinusubukan niyang kunin ang cellphone ko pero nilalayo ko ito. Kinukunan ko siya ng litrato.

"Isang picture lang na nakangiti ka eh!" sabi ko.

Hindi niya naman ako pinansin. Nakatayo lang siya sa harap ko at matalim ang titig sa akin. Hindi ko kasi siya pinapadaan para makapasok ng banyo at makalabas ng kwarto.

"Kodi naman. Isa lang. Promise!" sabi ko.

"No." he tried to walk and he was resisting when I am holding him.

Sa sobrang kawala nito ay natamaan niya ako sa balikat. Napanganga naman ako at masama siyang tiningnan. Natigil rin siya.

"Masakit yun ah!" reklamo ko.

Pero siyempre kailangan kong mag acting na masakit talaga.

"Sorry." he said and hugged me. Napangiti naman ako.

"Ewan ko. Isang picture muna?" napanguso naman ako na tiningala siya. Pansin ko kasi ay medyo tumaas si Kodi eh.

"Fine, para matapos na. Wag na wag mong ipagkakalat sa mga kapatid at pinsan ko 'to!" I know I will win every argument with you, babe. 

I set his picture with make up my wallpaper and lock screen. Inis na inis naman ito.

Sabay naman kaming naligo na dalawa para ma lessen ang oras at hindi siya ma late sa trabaho.

"Stop that!" angal nito ng tinitingnan ko ang litrato niya at natatawa.

"Hayaan mo nga ako! Hindi ka naman inaano diyan eh." sabi ko. "Magdrive ka na lang diyan!" dagdag ko.

"Paano ako makaka concentrate dito kung tawa ka diyan ng tawa?" tanong niya.

"Anong connect?" taas kilay kong tanong sa kanya. Sakto naman nag stop at tinigil niya ang sasakyan. Tiningnan niya naman ako. Bakit ganito? Bakit kapag nagkakatinginan kami ni Kodi ay malakas pa rin ang hatak sa akin? Iyong kahit sobrang tagal na namin na mahal na mahal ang isa't isa ay parang mas tumotodo pa?

"Cha, kapag tumatawa ka ay parang nababaliw ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Halikan ka? Yakapin ka? Ewan. Nababaliw talaga ako kapag tumatawa ka. Ganyan siguro kapag tumatawa ang anghel." I felt my cheeks blushed.

"At kapag tumatawa ka na ako ang rason ay parang nahuhulog ako lalo sa'yo... Tell me, what did you do to me? Bakit ganito ako kabaliw sa'yo, Charis Francisco?" I bit my lower lip and reached for him and gave him a quick peck on his lips.

"Feelings mutual, Kodi." he then smiled at me.

"You will always be the stars of my night, babe... The rain will pour out if I don't have you... I will be crying 'til infinity if I lose you.... Again..." Same Kodi. I will be crying 'til infinity if I leave you again.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon