Kabanata 11

190 6 0
                                    

Nagpanggap pa rin akong nagtatampo ng dumating si Kodi. Maraming pagkain ang dala niya. Hinalikan niya naman ako sa labi pagkapasok niya.

"Sabi ko kay daddy mabilis lang ako." sabi niya at inakbayan ako. Lumakad lang kami papunta sa kusina  pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Umupo lang ako at siya pa ang nagsilbi sa akin. Gusto ko ngang matawa pero pigil na pigil ako. 

"Kailan nga ang food tasting, babe?" he asked. I glared at him.

"Wednesday." tipid kong sabi.

Our wedding day is getting nearer and nearer! Sobrang excited na ako! I always imagine what Kodi's reaction when he sees me wearing the wedding gown!

"Wag ka nang magalit." sabi niya at tinabi ang upuan niya sa tabi ko. Niyakap niya naman ako sa bewang at hinalik-halikan sa pisngi. Patuloy lang ako sa pagkain.

"Cha...." paglalambing niya.

"Ano ba..." mahinang sabi ko pero deep inside ay parang gustong ng bumigay.

"Sorry na... If I can pass this to Zep, I'll do it but dad won't allow me. I need to finish this before our wedding day and honeymoon." tumango lang ako.

"Babe naman..." tiningnan ko naman siya. Nanatili lang siyang nakayakap sa bewang ko.

"I missed you." he said and kissed me on my forehead.

"I missed you too, Kodi." I said and looked at him. He smiled and hugged me so tight.

"Promise... Bago ng kasal natin ay tapos na 'to." sabi niya.

Ganyan lang naman kami ni Kodi kung magbati. Hindi kasi pwedeng kapag galit ang isa, galit rin ang isa. Simula noon ganyan na kami. Kung tatanongin kung ilang beses lang nangyari ang seryosong away namin... Well, hindi lumagpas sa sampo. For almost 5 years...

After 1 hour nga ay umalis siya. Hinatid ko naman siya sa baba kasi ayaw kong bitawan siya. I want him to sleep here. I miss cuddling with him.

"Pasok na." sabi niya at hinalikan ako sa labi. Tumango naman ako pero hindi pa rin umaalis sa pagyakap sa kanya.

"Sa Saturday dito ka na?" tanong ko. He smiled at nodded.

"Yes... Starting Saturday 'til our wedding day I am very free." sabi niya at hinalikan ulit ako sa labi.

Sa sobrang dami ng inaasikaso ko at ganoon rin si Kodi, hindi na kami masyado nagte-text o tawag. Sa Wednesday magkikita rin naman kami for food tasting.

I sighed for relief when I am done double checking the inventory.

Sa mga ginagawa ko sa opisina ay napapaisip na lang ako kung ano kahirap ang ginagawa ko mas doble ang hirap ang ginagawa ni Kodi. All the responsibilities are on him. Meetings here, meetings there. Kaya minsan ay naiintindihan ko na rin siya pero siyempre hindi ko lang naiintindihan kapag umaabot sa punto na nakikita ko na sobra sobra na at kahit isang oras ay hindi ako mabigyan.

Lunch time ng Wednesday ay umalis na ako ng opisina para pumunta sa hotel for food tasting. Andoon na si Mikay. Doon na rin kami magkikita ni Kodi.

Me:

Papunta na ako, babe. Ingat ka. Drive safely. I love you.

Pagkadating ko sa hotel ay hindi pa rin naman nagreply si Kodi. Siguro papunta na iyon. Nag-usap lang kami muna ni Mikay at ng ibang trabahador na naka assign.

Kodi was already 20 minutes late. I called him but he is not answering.

Me:

Pupunta ka ba talaga?

Hindi na ako mapakali.

I took my phone again and texted Zephyr. Kahit papano ay close rin naman kami nun kahit suplado. Lumalabas rin naman kasi siya kasama kami ng Kuya niya. Minsan apat kami ni Karissa.

Me:

Zep, are you in your Dad's company? Is your brother there?

Wala pa isang minuto ay nag reply na kaagad ito.

Zephyr:

No. But for what I know, Kuya's there. He will be having a lunch meeting with big investors.

Hindi ko alam iyon! Did he just ditched me?! Hindi man niya ako sinabihan.

"Just serve the food." wala kong ganang sabi.

"But Kodi---"

"He doesn't mind though. Okay lang naman kapag ako lang mag approve sa pagkain diba?" tanong ko. Nagaalalang tumango na lang rin si Mikay.

She is also a witness for how many times did Kodi ditch me! Parang wala akong gana habang tumitikim. Tumatango na lang ako sa mga gusto ko at hindi na nagbibigay ng comment.

"Cha? Okay ka lang ba talaga?" tanong ni Mikay sa akin.

"Oo naman." sabi ko.

Nakakawalang gana lang kasi talaga! Ni hindi man lang ako sinabihan na hindi siya makakapunta! He said he can go dahil lunch naman at makakalabas siya!

Halos batohin ko si Kodi ng mga gamit sa condo ng pumasok ito.

"LUMABAS KA!" sigaw ko at binato sa kanya ang box kung saan andoon lahat ng pictures na pinaghirapan kong hanapin at ayusin. Lumabas naman ang luha sa mga mata ko.

"Cha...."

"ANO KODI? NI ISANG HINDI AKO MAKAKAPUNTA AY WALA AKONG NATANGGAP! TAPOS NGAYON PUPUNTA KA DITO NA PARANG WALA LANG?!" sigaw ko sa kanya. Lumapit naman siya pero tumalikod ako para makapasok sa kwarto. Naiinis na ako! I am stress, alright. Aminado ako doon kaya madalas na ako magalit ngayon. The wedding is really fast approaching.

"Cha intindihin mo naman! Importante ang meeting kanina! Magalit ka sakin kung kumain ako sa labas kasama ang mga kaibigan ko kung walang okasyon! You know I can't ditch meetings like this---"

"Kaya ako yung inindian mo?!" sigaw ko at tiningnan siya. Nakatayo siya sa pinto. Alam kong pagod rin siya! At pagod rin ako! Ilang beses ng ganito! Parang ako na lang lahat nag plano ng kasal naming dalawa!

"Charis!" naiinis ng sigaw nito sa akin.

If he is mad then I am too! Siya ang may kasalanan! Kung sana ay simpleng okasyon lang edi sana mapapalampas ko! But this is a preparation for our wedding!

"KINAKABAHAN NA NGA AKO BAKA SA ARAW NG KASAL NATIN PAGKAPASOK KO NG SIMBAHAN AY WALA KA DUN EH!" I burst out. His jaw dropped on what I said. I wiped my tears and stormed inside the bathroom.

That thought kept running on my mind. This is not us! This is not our set up before! Ngayon lang kami nagkaganito! Hindi ko alam kung bakit!

"Charis...." sabay katok niya. Kung ang pasensya niya ay napapahaba pa niya, then congrats to him. Kasi ako sa ganitong sitwasyon ay hindi ko kaya pahabain ang pasensya ko at intindihin siya.

Katok lang siya ng katok ay naririnig ko na ang inis sa boses niya. I don't care!

"DAMN FINE! BAHALA KA DIYAN!" sigaw niya at malakas na hinampas ang pinto.

Bahala then!

And when I went out, he wasn't there at the condo. Umuwi siguro sa kanila. So I will sleep with heavy feelings huh? I am not used to this.


'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon