Kabanata 3

258 6 0
                                    

"Andito ako sa labas." masayang wika ni Jenni sa tawag.

"Okay. Lalabas na ako." sabi ko. 

May mga bumabati naman sa akin habang dumadaan ako and I greeted them back too. Not because I am their supervisor I am superior. We are still the same, we're still employees just with labels.

"Cha!" tili ni Jenny ng nakita niya ako. Tumakbo naman siya at niyakap ako.

"OMG! I missed you!" sigaw niya.

"Missed you too!" sabi ko.

Inaya niya naman akong mag lunch kaya sabay kaming dalawa.

"Grabe! Na miss talaga kita! Saan na pala si Mary?" tanong niya.

They've been close too. Noong college kami. Simula kasi naging super close kami ni Jenni ay palagi na siyang sumasama sa akin sa cafe kung saan ako nag ta-trabaho noon. Sobra pa nga siya kay Kodi noong college kami, si Kodi kasi minsan lang doon kasi may mga ginagawa rin naman siya.

"May trabaho pa yun." sabi ko. She nodded.

"Hay nako. Nakaaway ko pa kanina ang guard sa airport!" sabi niya. And she started telling me about her vacation. Itong isang 'to palagi na lang nag ta-travel. Siya rin ang palaging nagsasabi sa akin na pumunta dito, pumunta roon. Gusto ko rin naman kasi may mga ipon na rin naman ako pero gusto ko kasama ko si Kodi, but again, our schedule is quite hectic. Hindi basta basta, espcially his.

"Labas tayo mamaya? Anong oras ba out mo?" tanong niya.

"8pm out ko na. Same kay Mary."

"Eh si Kodi?" tanong niya.

"Jen, he can't. He is so busy dahil may expansion sila sa Dubai at isa pa." Kodi is always excuse when it is a adventure or having fun. Kahit sa mga pinsan niya ay ganoon rin siya. We know each other priorities.

"Sa bagay. So mamaya? Kita tayo ah! I'll visit Mary, bibigay ko rin mga pasalubong niya." sabi nito. Tumango ako sa kanya at humalik sa pisngi.

"Ma'am, pinapatawag po kayo ni Sir Chua sa itaas." tumango naman ako.

Inayos ko naman ang sarili ko at pumasok sa opisina ni Sir Chua. He is 2 years older than us, at kaibigan sila ni Kodi. Hindi ko naman alam iyon noon ng nag apply ako ng trabaho dito, huli ko na lang nalaman at si Sir Chua rin naman nagsabi sa akin na kilala niya pala si Kodi.

"Can you do this, Cha?" tanong niya at may nilahad na folder. Tiningnan ko naman iyon at pwede ko namang taposin. Para ito sa magiging inventory next week.

"By the way, Charis."

"Yes, Sir?"

"Meron pa lang event this coming Sunday and meet all the employees." he is very busy too, kapag wala siya ako minsan in-charge sa lahat ng mga gawain. Minsan na stre-stress na rin ako kasi marami ring pasaway na mga trabahador.

Kinuha ko naman ang invitation na binigay ni Sir Chua.

"I am not sure to come but I want you to come. It's all in your hands again, Miss Francisco." I already saw the other businessmen pero ang trabaho ko ay ang layo pa rin sa mundo nila Kodi. May mga ibang nakakakilala na sa akin as Kodi's girlfriend dahil minsan iisang event ang napupuntahan namin ni Kodi.

Napahilot naman ako sa sentido ko ng natapos ang meeting. Sumasakit talaga ang ulo ko. I need more sleep!

Kinapa ko naman ang cellphone ko ng may tumawag dito.

"Hello..." sabi ko.

"Hey, I miss you." I smiled.

"I miss you too, Kodi." kapag talaga nag-uusap at magkasama kaming dalawa ay nawawala ang mga sakit na nararamdaman ko. He is my pill of everything.

"Dinner already?" tanong niya.

"Wala pa. Out rin naman mamaya. Umuwi na si Jenni she invited me. Sabay kami siguro mamaya."

"Really? Tatlo kayo?"

"Yep. Ikaw? Anong oras ka uuwi?" tanong ko. Minsan ay sinasabihan ko siya to take his break dahil all of the responsibilities on their company ay hawak niya. Hindi pa naman ito totally binigay sa kanya ng daddy niya at iyon ang lalong pinagbubutihan ni Kodi para makuha na niya talaga ito.

"I don't know, I'll be having a meeting on 10 minutes." tiningnan ko naman ang wrist watch ko. 7:20

"Ilang oras ba meeting niyo?"

"Hindi ko alam. Dad will be here and all the investors for the expansion. Tatagal siguro." 

"Uuwi ka sa condo ngayon?" tanong ko. Hindi naman sumagot si Kodi sa kabilang linya. I just heard his secretary calling him already.

"Sir Kodi andoon na po si Sir Jack sa conference room.... --- Yes, I'll be there.... --- Babe, I am going now."

"Okay... Uuwi ka mamaya----" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng namatay na ang tawag. I shrugged.

"May mga nasalubong na siguro iyon." bulong ko sa sarili.

Habang kumakain ng dinner ay talak lang kami ng talak na tatlo. Marami kaming pinag-uusapan kasi matagal tagal rin bago kami nagkasama. Pareho kaming tatlo na busy sa mga trabaho namin.

"Susunduin ka ba mamaya ni Kodi, Cha?" tanong ni Jenni sa akin habang lumalakad kami papasok ng club.

"Ewan. Hindi ba tumatawag o nagte-text eh. May meeting kasi siya kanina." sabi ko.

"Hay nako. Kaya ayaw ko ng businessman na boyfriend eh." sabi ni Jenni. My forehead creased.

"Don't get me wrong ah? Sa akin lang naman iyon. Palagi kasing busy. Remember my ex? Yung businessman rin?" tumango ako sa kanya. Yung boyfriend niyang mahal na mahal niya pero hindi na niya natiis dahil naging least priority na lang siya.

"Here we go again...." sabi ni Mary. Tumawa naman ako. Obviously, Jenni still can't move on. Siyempre sino kaya makaka move on sa tatlong taon na pagsasama at halos araw araw kayo magkasama sa iisang bahay? Live in na sila noon pero naghiwalay rin. Ng nalaman ko nga iyon kay Jenni noon ay sobrang kinabahan ako. Umiyak pa ako nun sa harap ni Kodi dahil baka mangyari rin sa amin at yung loko tinawanan lang ako kasi sobrang impossible raw.

Kodi counseled me that everyone has different story. Hindi daw porke't nangyari sa kanila ay nangyari rin sa amin. At siyempre, pinanghahawakan ko ang bawat salita ni Kodi.

Sa gitna ng kasiyahan naming tatlo ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko ng ilang beses. Ng kinuha ko iyon ay nawala na rin ang tawag. Nanlaki naman ang mga mata ko ng 15 missed calls na iyon galing kay Kodi lahat. Shit.

Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko para lumabas muna. They are both enjoying there. I called Kodi again, and as I was waiting him to pick his phone ay may tumawag sa akin.

"Oh Krish..." ngumisi naman siya at umakbay sakin.

"Kita mo na boyfriend mo?"

"Huh? Andito siya?" tumango naman siya at natatawa.

"The workaholic Kodi Farrell is now on the club again!" sabay halakhak niya. Inirapan ko naman si Krish- pinsan ni Kodi.

"Saan nga siya?" tanong ko. Sa kanila kasing magpipinsan, isang milagro kapag si Kodi ay sumama lumabas. Hindi kasi siya palalabas, mas gusto pa nito humarap sa computer niya o magbasa ng libro tungkol sa business.

"Sabay kaming pumasok but we separated ways... Siguro sa dance floor hinahanap ka." sabi nito. So pupunta rin ako sa dance floor na sobrang crowded?! I called him again at dalawang ring lang nasagot niya. Maingay rin at sigurado ako na sa iisang lugar nga kami.

"SAAN KA?" pasigaw ko ng sabi para marinig niya.

"Look up." he said and I did. Tumingala naman ako at andoon siya sa itaas kung saan makikita mo ang lahat ng tao sa baba. He smiled and waved his hand at me... and for that time I melt again. Damn, Kodi. I am so fucking lucky to have you.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon