Kabanata 12

214 9 2
                                    

"Ano ba yan, Charis!" sigaw ni Jenni sa akin. "Ilang araw na lang kasal niyo na tapos nag-aaway pa kayo?! Seriously, girl?" dagdag pa niya.

It's Friday and Kodi and I are still not okay. Hindi kami nag-usap even through phone. 

"Nag file ka na ba ng leave?" tumango lang ako sa kanya.

Sa pagkaalala ko, Saturday ay free na si Kodi hanggang sa araw ng kasal namin at sa honeymoon. So I need to file a leave para mas matuon ang pansin na lang namin sa kasal. Hindi ko alam kung bukas ba ay pupunta siya ng condo o aayusin na namin lahat lahat. We really need to settle it. We only have 1 week left.

"Charis Francisco! Ang sakit mo sa bangs!" sigaw ni Jenni at hinampas ako sa braso.

"Wala kang bangs." pabalang kong sabi.

"ARAY!" sigaw ko ng malakas niya akong kinurot.

"ARTE ARTE MO! PWEDE RIN NAMANG INTINDIHIN MO NA LANG LIKE BEFORE EH!" sabi niya. Hindi na langa ko sumagot at nagpatuloy na lang sa pagkain. Really huh? Kasalanan ko?

Sinamahan ko naman siya mag shopping. Marami kaming pinag-usapan. Tungkol sa bridal shower at iba pa.

Gabi na ng natapos kaming dalawa. Kahit ayaw kong mamili ay napabili na rin ako. Tinawagan ko naman si Mary para pumunta rin at mag dinner kaming tatlo. Hinintay naman namin siya.

Habang kumakain ay dalawa na sila ni Jenni at nagse-sermon sa akin sa ginawa ko at sa away namin ni Kodi. Hindi na lang rin ako sumasagot kasi nakakapagod na at madadagdagan lang ang stress kapag iniisip ko pa iyon.

"Arte kasi ng kaibigan mo! Hay nako!" sabi ni Jenni kay Mary.

"Alam niya naman kung paano magalit si Kodi eh! Tapos ginagalit pa!" sagot ni Mary dito. Nag-uusap sila na para bang wala ako sa tabi nila.

I know that love is understanding each other and that is our stand. But now I broke my stand because of the situation. This is different. This is about the wedding! He needs to cooperate too! Nakakatakot lang kasi na baka umabot na sa punto na hindi matuloy! Ayaw kong mangyari iyon.

"Tapos siya rin naman ang masasaktan! Nakakaloka ang lola niyo!" sabi ni Jenni. I rolled my eyes at her.

"Sa pagkakaalam natin wala ang pride sa vocabulary nila diba?" sabi ni Mary sabay taas baba pa ng kilay niya. Fine! They got a point! Maybe I just overreacted! Pero I still have the rights to get mad, diba? Kasi parang na sobrahan naman ata si Kodi!

Pagkapasok ko sa condo ay bukas ang TV pero walang tao doon. My forehead creased.

"You're here...." nakangiting sabi ni Kodi na lumabas galing kusina. Tiningnan ko lang siya. Hindi na siya galit?

"I prepared a dinner." he said. Parang na guilty naman ako.

I already ate! Shit.

"Ku-Kumain na kami." mahinang sabi ko. He bit his lower lip and just nodded.

"Okay..." sabi niya na lang at tumalikod na papasok ulit sa kusina. Napasapo naman ako sa noo ko at sinundan siya doon.

Come on Cha. Andito siya ngayon. Hindi mo inaasahan to diba? Now he is here and he cooked for you! 

"Pero kakain ako, Kodi. Light meal lang kinain ko kanina." I lied. I don't want to disappoint him because I know how it feels! Ilang beses niyang pinaramdam sa akin niyan ngayong week and past week hindi ba?

Natigil naman siya sa pagligpit at tiningnan ako. He smiled and it is so contagious kaya napangiti rin ako. I hurriedly walked towards him and hugged him so tight.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon