Kabanata 20

229 7 0
                                    

Hindi ko alam pero dalawang linggo pa lang ako sa trabaho ay parang susuko na ako. Ang dami daming pinapagawa sa akin. Kulang na lang ay mag mop ako ng buong kompanya nila.

Hindi makapaniwala ang mga pinsan ni Kodi na bumalik na ako and I am working under him.

"So BBTL na kayo?" tanong ni Jenni sa akin ng inaya ko siyang mag lunch.

"Hindi nga ako pinapansin kapag nakikita." sabi ko.

"Hindi mo rin naman kasi siguro pinapansin." sagot niya.

"Jenni, you know that I want to settle things with Kodi. I am doing all his orders!"

"Ba't hindi mo suyuin talaga? Eh for sure bibigay rin naman yan kasi sobrang mahal ka niya. Hello? Five years rin kayo, hindi rin biro iyon. Hindi madaling mag move on."

When I see Kodi at HIS company, I am smiling at him but he always act like he can't see me.

May naisip naman kaagad akong magandang idea. 

"Why don't you ask Leo to have a meeting with Kodi? Tapos sabihin mo inimbita mo ako kasi wala akong kasamang mag lunch." nakangisi kong sabi.

"Kung bar kaya?" taas kilay pa niyang tanong. Napasapo naman ako sa noo ko.

"Seriously? Yayayain mo yung WORKAHOLIC mag bar? Wow. Just wow." tumawa naman si Jenni.

"Mahal na mahal mo talaga noh? Bawat parte at sulok na tungkol kay Kodi ay alam na alam mo na." of course, five years rin kami and like what Jenni said, hindi iyon biro. Mahirap kalimutan lahat. Kahit nga cellphone number niya ay memorize ko pa rin.

Nagdiwang naman ang mga bulyate sa tiyan ko ng sinabihan ako ni Jenni na pumayag daw si Kodi sa lunch meeting kuno nila ni Leo.

Nag-ayos talaga ako. Wala namang uniform ang kompanya nila Kodi for their employees kaya nagsuot ako ng formal na itim na dress kasi kapag pumasok sa trabaho ay dapat formal. I used my red stilettos and curled my hair. Kahit gusot sa damit ko ay wala. Planado kasi.

When I told my friends that I will do everything to get Kodi again, I was damn serious. I told myself to fight for this when I came back. And now I am back.

Halos ganado ako sa trabaho ko. Binagsak naman ng department head namin ang mga papeles sa harap ko.

"Check for it, Ms. Francisco. Review it all and give it to the CEO before  8pm later." I excitedly nodded. 

Sa gitna ng pagta-trabaho ko ay tinawag ako ng kalikasan. Iniwan ko naman muna ang mga papel sa mesa at pumunta ng banyo. Napasapo naman ako sa noo ko. It's my time of the month! Hindi ako nakalagay ng panty liner! WHAT NOW?! May tagos na ako! Damn it!

I need to get my sanitary napkin at my bag. Lumabas naman ako ng cubicle at tiningnan ang likod ko sa salamin. THIS PERIOD RUINED MY MOOD!

Sobra ang pagtakip na ginawa ko sa likod ko para hindi mapansin ng mga kasama ko sa trabaho. 

Natigil naman ako sa paglakad ng masalubong ko si Kodi. May kasama siyang lalaki na may sinasabi sa kanya pero siya ay nakakunot lang ang noo. Mas lalong kumunot ang noo niya ng makita niya ako. 

"S-Sir Kodi..." I said. Of course, he is still my boss. Tumaas naman ang kilay niya sa akin.

"CHARIS! MAY TAGOS KA!" sigaw ng isang ka trabaho ko.

FUCKING SHIT!

Bumaling naman ako sa kanya at pinandilatan siya. Pwede namang lapitan ako at sabihan eh! Kailangan isigaw?!

I pressed my both lips and closed my eyes. Nakakahiya.

"Uh... M-Mauna na ako." mahinang sabi ko kay Kodi at dinaanan siya. Nakita ko naman ang ibang lalaki na nakangusong nakatingin sa akin at ngumingisi. Damn it.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon