Kabanata 26

246 7 0
                                    

Umalis ako sa harap ng Kodi. I don't know what to react. Habang lumalakad ako ay nasalubong ko naman si Maeve. She asked me if I am okay and again I lied.

"Punta ka mamaya, Ate Cha!" aya niya.

"Sa-Saan?" hindi ko alam pero maganda pa rin ang relasyon ko sa mga pinsan ni Kodi. 

"Birthday ko! May party kasi mamaya. Tayo tayo lang!"

"Subukan---"

"Please? Sige na! Punta ka na! Mame-meet mo lahat mga asawa nila!" natatawang sabi niya.

Malungkot isipin na akala nilang lahat noon ay kami ni Kodi ang magkakatuluyan but look now, lahat sila ay may pamilya na at samantalang kami ni Kodi ay malabo na ulit mangyari.

I went to Maeve's party. Late ako ng 20 minutes dahil sa na traffic ako. Dinumog naman ako ng yakap ng mga babae kung saan ya nakakasama ko sila noon 2 years ago.

"Good thing you came!" nakangiting sabi ni Maeve. Binigay ko naman ang regalo ko sa kanya.

All of them were there. Even Kodi. He smiled at me but I just shunned my gaze. Umupo ako sa tabi ni Karissa. Nag-usap naman kaming dalawa ng bagay bagay. At nakisali na rin ang iba.

"Nakakamiss iyong ganito! Outing kaya tayo next week? Kasama mga bata!" masayang anunsyo ni Maeve. 

I pressed my both lips. Hindi ko alam pero may parte sa puso ko nasasaktan at naiingit. Kinuha ko na lang ang bote ng alak at ininom iyon.

Pagkalapag ko iyon sa mesa ay nakita ko ang titig ni Kodi sa akin. Na sa harap ko siya. Naka polo ito na navy blue na nakatupi hanggang siko niya. Siguro galing siya sa trabaho niya.

"Paano ba 'yan? Talo kayo sa pustahan? Just like the old times." pagmamayabang ni Krish sa mga pinsan niya.

Kinantyawan naman siya ng mga kasama niya. Tanging si Cove, Mico, Chase, Braeden at Alex lang ang supporta niya dahil kasama niya ito.

"Everyone's having a good time... Why don't one of you losers sing a song?" sabay halakhak ni Krish.

Sumabay naman ang iba dahil parang magandang idea ang sinabi ni Krish. Nakaupo lang ako doon at nakatingin sa kanila. I remember before, kapag ganito ay magkatabi kami palagi ni Kodi at parang may sariling mundo kami. Nakakamiss iyong mga ganito. Iyong na sa isang kasiyahan kami, umiinom siya at ako naman ay nakikipagkwentohan sa iba tapos ang kamay niya ay hindi inaalis sa bewang ko. Iyong pinapagalitan ko siya dahil sobra na ang iniinom niya. Iyong ayaw niyang uminom ako. Damn. Those were the days.

"Si Kodi na lang kakanta. Total siya lang rin naman ang walang asawa dito. Kaya kapag maraming fan girls ay pwede lang." sabi ni Mico dito.

Nagtawanan naman sila na para bang agree sila. No problem with me. Ex naman ako diba?

"What do you think, Cha?" baling ni Cove sa akin.

I shrugged. I don't have the rights though.

Pinatayo nila si Kodi at tinulak ito papuntang stage. May sinabi sila Braeden sa DJ doon. May mga nagtilian naman na mga babae kahit wala pa namang ginagawa si Kodi.

Binigyan naman siya ng gitara ni Zephyr at tinawanan nila ito.

Narinig ko pa ang mura ni Kodi sa mga pinsan niya. Old Kodi.

He strummed the guitar. Ayaw ko sanang tumingin pero parang may magnet ang mga mata nito. 

♪When a day is said and done,
In the middle of the night and you're fast asleep, my love.
Stay awake looking at your beauty,
Telling myself I'm the luckiest man alive.
'Cause so many times I was certain you was gonna walk out of my life.
Why you take such a hold of me, girl,
When I'm still trying to get my act right.♪

Parang may bumara sa lalamunan ko. Parang nag sukatan kami ni Kodi ng tingin.

♪What is the reason, when you really could have any man you want,
I don't see, what I have to offer.
I should've been a season, guess you could see I had potential.
Do you know you're my miracle?♪

Girls shrieked. How dare them! 

♪I'm like a statue, stuck staring right at you,
Got me frozen in my tracks.
So amazed how you take me back,
Each and every time our love collapsed.
Statue, stuck staring right at you,
So when I'm lost for words
Every time I disappoint you,
It's just 'cause I can't believe,
That you're so beautiful. (Stuck like a statue)
Don't wanna lose you, no. (Stuck like a statue) ♪

Mas lalong lumakas ang tilian ng mga babae sa pagkanta ni Kodi ng chorus. Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin. Nanatili lang siyang nakatingin at ganoon rin ako. I didn't even bother to blink or wipe my tears.

 ♪When a day is end and done,
And in the middle of the night you're fast asleep, my love...

I'm the luckiest man alive.♪

May mga babae pang umakyat sa stage at niyakap si Kodi doon. Walang hiya. Pero hindi iyon naging dahilan para matigil ang pagtitig niya sa akin. I can feel the fast beat of my heart. I can feel my different breathing. I can feel something in my stomach. The feeling of being in love. Euphoria.

Tawang tawa ang mga kasama namin at pinuntahan doon si Kodi para tulungan umalis sa mga babae na parang mangisay na sa kilig. Tsss.

May baklang nagsalita naman sa mic.

"Sandali sandali lang! Maraming nagpapatanong kung para kanino iyon ang kanta? Name. Age. Status." sabay hagikhik ng bakla. Pinahinaan ng DJ ang tugtog para maisagot iyon ni Kodi.

Kinuha naman ni Krish ang mic para sumagot. Tumatawa pa ito habang sumasagot.

"He is Kodi Farrell. 26 years old." parang binebenta nito ang pinsan niya. At nakakabinging sigawan na naman ang narinig namin lahat doon.

"Para nga kanino ang kanta?" pabebe na sabi ng bakla.

Bakit nakatingin pa rin si Kodi? Bakit hindi niya inaalis ang titig niya? Bakit ganito? Bakit parang bibigay na ako? Alam ko anytime, I can still forgive what Kodi did. I can forget what happened that night. Siya kaya? Napatawad na niya ako sa pag-iwan sa kanya? Napatawad na ba niya ako na umalis lang ng walang paalam?

"To... To the girl I saw when I was college... She was walking in the rain with a black umbrella.. I got stuck like a statue and until now... I will be forever stuck to her..." I bit my lower lip. Pinikit ko ang mga mata ko at napabuntong hininga.

Bibigay na diba, Cha?

"Excuse me..." paalam ko kina Karissa at mabilis na umalis doon. Lumalabas na naman ang luha sa mga mata ko.

Hindi naman ako ganoon kasama na tao para maramdaman ang mga ganito kabigat na nararamdaman eh. We are choosing our destiny. Lahat ng nangyayari ay depende sa pinipili nating desisyon. Kung iisipin ko ang nangyari ng gabing iyon at tuluyan ng bitawan si Kodi, alam ko habang buhay ay sakit at paghihinayang lang ang mararamdaman ko. At kapag pinatawad ko siya, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa amin na dalawa. Hindi ko alam kung anong pagsubok na naman sa relasyon namin. Hindi ko alam kung may panibagong pagpipilian na naman ako.

"Cha..." I stopped running when someone grabbed my hand.

Niyakap kaagad ako ni Kodi ng nahuli niya ako.

From that moment... I know... I know that I will be stuck to him too 'til infinity.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon