Kabanata 15

198 7 1
                                    

Hindi muna ako umuwi dahil sobrang namamaga ang mga mata ko. Hindi ko rin alam kung makakaya ko bang sabihan sina Jenni at Mary.

7pm ng umuwi ako sa condo. Nag-aalalang tiningnan ako ni Kodi. Parang nawala ang lahat ang galit ko sa kanya. Dali dali akong lumakad sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit. Nagsimula namang lumabas ang luha sa mga mata ko.

"Hey, what happened?" he asked. I just shook my head.

"Baby... What's wrong?" hinawakan niya naman ang magkabilang pisngi ko.

"Sorry..." I said and cried harder. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. 

Kodi, sorry. Sorry. This is for you. Para sa'yo 'to.

"Tungkol pa rin---"

"No Kodi.. No... I already forgave you. Let's forget about it. Ang importante matutuloy ang kasal diba? You just need to go to Dubai tapos kapag dumating ka matutuloy na diba?" I looked at him. Pinunasan niya naman ang luha na lumalabas sa mga mata ko. He nodded and smiled. Niyakap ko ulit si Kodi.

Gustong kong matawa sa sinabi ko. Paano matutuloy ang kasal dahil kapag bumalik na siya dito sa Pilipinas ay wala na ako? Stupid, Charis.

Tomorrow will be my last 24 hours with him then? I want to make it special before leaving this place. Gusto ko alalahanin ang bawat sulok ng condo na 'to.

Nakatayo ako sa malaking bintana at tinitingnan ang labas nito. Mami-miss ko 'to. Sobra sobra. Napangiti naman ako ng maramdaman ko ang yakap ni Kodi.

"I love you." he said.

"I love you too, Kodi." I love you so much Kodi that I am willing to break my own heart for your dream. 

Sumaya ang puso ko ng Friday na gabi na iyon pero may kulang. At alam ko after this day until tomorrow ay sasakit ito. Sobrang masasaktan ito.

"Pwede kitang ihatid bukas?" tanong ko kay Kodi ng Saturday ng umaga. Nakahiga lang kami at magkayakap. I don't want to get off this bed.

"Hmmm... Wag na. Baka hindi ako makaalis." sabi niya. Tiningnan ko naman siya.

"Sige naaa..." sabi ko. Umiling siya.

Pumaitaas naman ako sa kanya pero tiningnan niya lang rin ako. Grr! Nakakainis talaga kapag tinitingnan niya ako ng ganito ka seryoso. Yung matutunaw at matutunaw talaga ako.

"Sige na, Kodi." sabi ko at hinalikan siya sa labi. Hindi niya naman ako sinagot dahil gumanti siya sa halik ko.

"Kodi..." tawag ko.

"Ang kulit mo..." he said and switched our position. I giggled and kissed the tip of his nose.

"I love you so much, Kodi. I love you so much." I said. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng luha ko but I tried to smile para tears of joy daw.

"I love you so much too, Cha... Hintayin mo ako matutuloy na talaga ang kasal nating dalawa. Wait for that day, okay? Your dream wedding will come true." he said. I pressed my both lips and nodded. Pinunasan naman ni Kodi ang luha ko.

We went out for the rest of that day. 

"Ba't gusto mo kunan lahat ng ginagawa natin ng litrato?" natatawang tanong niya ng sabi ko mag picture kaming dalawa.

We are having our lunch date or should I say our LAST lunch date.

"Eh gusto ko eh. Gusto ko kasi punuin ng litrato natin ang kwarto." I smiled at him. His forehead creased. Hinampas ko naman siya sa braso.

"Bilis na kasi!"

I called the waiter and ask if he can take a picture of us. Parang gustong lumabas ng luha sa mga mata ko habang tinitingnan ang litrato naming dalawa ni Kodi. At sa oras na iyon ay pinasalita ng pinasalita ko lang siya. I will surely miss his voice.

"Sakit na ng lalamunan ko." reklamo niya. Ngumuso naman ako.

"Just tell me more stories, Kodi." sabi ko.

"Para saan ba? Kahit noong bata ako ay pinakwento mo na." natatawang sabi niya.

"Uhmm. Para may pang blackmail ako sa'yo sa araw ng kasal natin?" I tried to smile. He just made a face.

I know I am acting weird and I don't know if Kodi is aware of it.

Parang gusto kong i-record ang boses ni Kodi para may ulit-ulitin ako araw araw. I want to record his I love you and I miss you. I want to take a video of him. Fuck! What situation am I in right now?! I never expect this one will come!

We went for a romantic dinner date. Para sa kanya ay sobrang normal lang ng pag aya ko o parang catch up lang. Kanina ay nanunod kami ng ilang movies sa sinehan at marami pa kaming ginagawa na sobrang ma mi-miss ko talaga.

Habang naghihintay ng order ay hindi ko napigilan ang sarili ko. Nilabas ko naman ang cellphone ko at tinutuk iyon kay Kodi.

"Kodi, mahal mo ba ako?" tanong ko dito. Galing sa phone niya at tiningnan niya ako. Tinakpan pa niya ang camera ng cellphone ko nilayo ko iyon sa kanya.

"Do you love me, Kodi?" natatawang tanong ko.

"Siyempre, sobra sobra. Stop that...." sabi niya at pilit na tinatago ang mukha. Tawang tawa naman ako. Ayaw na ayaw niya kasi na vinevideohan siya kapag ganito kasi alam niya na inaasar ko siya. Noon kasi may video siya na sobrang sweet ng mga sinasabi niya, since I was naughty and want to piss him off pinakita ko iyon sa mga pinsan niya at kapatid. Sabi niya hindi na daw siya mag papavideo sakin dahil blinackmail ko siya.

"I love you so much, Kodi." sabi ko. Nakatutok pa rin ang cellphone ko sa kanya. Tumigil naman siya sa pagtakip dito at tumingin rin doon. 

He smiled showing his teeth. Tapos nag pose pose ito. Tawang tawa naman ako.

"Feeling model!" sabi ko.

Lumapit naman siya sa cellphone at hinalikan ito ng tatlong beses. Pagkatapos nun ay nagsalita siya at malapit pa rin ang mukha niya sa cellphone.

"I love you so much, Charis. I maybe prioritizing my work all the time but I want you to know that this is for you, for us, for our children, for their future." parang gustong lumabas ng luha sa mga mata ko. Pinatay ko ang video at binaba ang cellphone. Ganoon pa rin ang pwesto ni Kodi, ang dalawang siko ay nasa mesa at malapit ang mukha niya. Mabilis ko namang dinampian ng halik ang labi niya.

I smiled at him but I know that it wasn't a genuine smile. Isang ngiti lang na nagpapanggap. Nagpapanggap na okay ang lahat kahit hindi naman talaga.

"Always remember that I love you Kodi.... 'Til infinity." aalis man ako at lalayo sa kanya, alam ko sa puso ko na si Kodi lang talaga. I am not capable of loving other man.  I know from the very start and 'til the end, si Kodi lang ang mamahalin ko. Kahit sa pagbalik ko ay hindi na ako ang mahal niya. Pero siya pa rin ang mahal ko.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon