Kabanata 30

269 7 0
                                    

Farrell Series:

Karissa - Unexpected Love Story

Cove - She Will Be Loved

Krish - Half A Heart (ON HOLD)

And the rest ay pending pa rin. Hehe.

----------------

"Yan ba mga kambal ni, Karissa?" tanong ko kay Kodi ng pumasok ako ng opisina niya. Halos lahat ng na sa department ko ay ako ang  inuutos para ibigay ang mga folders at iba pa kay Kodi. Seriously? Ganito na ba dito ang trabaho ko? Paano na iyong balance sheet? Ilang taon ko rin inaral iyon!

"Yeah. Kaeleb..." sabay turo ni Kodi sa batang nakaupo at nanunuod sa iPad nito. "And Kaeden..." sabi niya. Napasapo naman siya sa noo niya ng nakita niyang binatukan nito ang kakambal na si Kaeleb.

"Kaeden!" tawag ni  Kodi dito.

Tumawa naman iyong Kaeden. They are so adorable! Mini Braeden Guerrero!

"Tito, Kaeleb needs to stop watching this kind of videos. He must watch actions!" inagaw naman ni Kaeden ang iPad kung saan nanunuod si Kaeleb. Hinabol naman siya ni Kaeleb at naghabulan sila sa loob. Tinatawag tawag na siya ng kakambal niya pero tumatakbo lang ito. Nagawa pa itong lumusot  sa ilalim ng mesa.

Nagkatinginan naman kami ni Kodi. He shook his head, natawa naman ako.

"Parang alam ko na kung kanino sa kanila ang nagmana kay Braeden." sabi niya.

"That's why when we have a child, gusto ko sa akin magmana." tumaas naman ang kilay ko sa kanya.

"And why?"

"Para..." may mapaglarong ngiti naman sa labi niya. I crossed my arms and still looked at him.

"Para.. Mabait... Masipag..." I rolled my eyes at him.

"Mabait my ass! Tseh! Bababa na ako. Eto na." sabi ko at nilapag ang folders sa mesa niya. Tumawa naman siya.

Mas lalo akong humahanga kay Kodi. Hindi kasi siya ang tipo na boss na nagibigay exemption kasi girlfriend niya ako. Akala ko noon kasi ganyan siya dahil palagi niyang sinasabi pero ngayon ay hindi pala. He is so professional when it comes to work! He really deserved this company! Mabuti at hindi naging mali ang desisyon ko.

Pagkalabas ko naman ng opisina ni Kodi ay sakto namang papasok si Karissa at Braeden. May dala dala itong batang babae! So cutieeee!

"Ate Cha!" tawag ni Karissa. Bumeso naman siya. 

"Ang cute! Siya ba si Brianna?" tanong ko habang tinitingnan ang batang babae. Nahiya naman ito at tinago ang mukha sa leeg ng kanyang daddy.

"Yes. The twins are inside." sabi ni Karissa.

"Yeah. I met them." tiningnan ko naman si Braeden. "Kaeden must be your mini version." sabi ko. Tumawa naman si Karissa.

"Sinabi mo pa Ate..." Braeden just made a face to his wife.

For me, they are the proof that everything is worth fighting for. They fought for their love and look at them. A happy family.

"May trabaho pa ako. Mauun na ako, Kar." paalam ko.

Ngumiti naman siya. "By the way, it's Brianna's birthday next week. Punta ka ah? Andoon ang lahat."

Brianna's birthday is Sunday. Sakto at day off iyon ni Kodi. Napag-usapan naman naming dalawa na Saturday night kami bibili ng regalo dito.

Hinihintay ko naman si Kodi sa floor namin na sunduin ako.

I wa just sitting at surfing on my phone. Bigla namang tumawag si Zoe kaya nag video call kaming dalawa.

'Til InfinityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon