Meij POV
Pagkagising ko agad akong bumangon at sumilip sa kwarto ni Sandra.
‘Miss na miss na kita kuya..’ umiiyak niyang sabi habang hawak-hawak ang kwintas na binigay sa kanya ng kuya niya.
‘Ahmmm Bes? Are you okay?’ tanong ko at pumasok sa kwarto niya.
‘Kanina ka pa dyan?’ tanong niya habang nakatalikod at pinunasan yung pisngi niya.
‘Hindi, kararating ko lang umiiyak ka ba?’ tanong ko at lumapit sa kanya.
‘Hindi ako umiiyak sige maliligo na ako.’ Sabi niya ng nakangiti.
Pero halata naman sa ngiti niya na peke lang. Alam ko na malungkot siya dahil nararamdaman ko.
‘Basta bes. Lagi mong tatandaan andito lang ako.. Handa akong makinig.’ Sabi ko at ngumiti lang siya.
‘Salamat.’ Sabi niya kaya naman tumayo na ako at lumabas na ng kwarto niya.
Pagkababa ko nagpaluto ako sa maid ng makakain namin ni Sandra.
Kinuha ko yung laptop ko at nag-facebook.
Search: Carl Tsu
Tinignan ko yung profile picture ng long time crush ko.
Ang gwapo niya talaga!
Kaya naman tinignan ko lahat ng mga post niya.
‘You are so beautiful in my eyes.’ Tsssss sino naman ang magandang yun sa mata niya?
Baka nga mas maganda pa ako dun eh. Psh.
‘Ang hirap umamin sayo na gusto kita…’ sus ano ba naman tong pinag-popost niya masyadong madrama. Ibig sabihin may gusto na siya? Sino naman yun.
‘HOY!’
‘AIIIISSHHH!' sigaw ko at napahawak ako sa dibdib ko.
Inis akong tumingin kay Sandra na nakatingin sa laptop ko.
‘Wow. Sino yang Carl Tsu?’ tanong niya.
‘Long time crush ko.’ Nakangiting sabi ko.
‘Naks. May crush ka pala hmmm, not bad cute siya.’ sabi niya at tumabi sa akin. Napairap ako kasi halatang sarkastik yung pagkalasabi niya na cute si Carl.
‘Tsk. Pogi kaya ni Carl saka kaibigan yan ni Ken.’ Sabi ko at taka siyang tumingin sa akin.
'Ken? Parang narinig ko na ang pangalan na yan.' kunot noo niyang sabi at halatang iniisip kung saan niya narinig ang pangalan ni Ken.
‘Bes. Si Ken yung lalaking nabangga mo kahapon sa canteen.’ Nakangiting sabi ko.
‘Ahh yung mayabang na yun? Bakit parang ang daming nagkakagusto sa kanya?’ taas kilay niyang sabi kaya natawa ako.
‘Eh kasi nga prince sila sa school naten. Siya ang 1st Prince. Second si Carl ang crush ko. Tapos ang third si Dave babaero yun kaya wag kang lalapit dun ah. At si Edward naman ang fourth.’ Sabi ko habang tinitignan pa ang ibang post ni Carl.
‘Ahh.’ Sabi niya.
‘Mam, ready na po ang breakfast.’ Sabi ng maid.
BINABASA MO ANG
The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)
Teen FictionSandra Kang, ang babaeng gangster noon na gusto na lamang maging simpleng babae. Palaban at matapang noon ngunit naging iba na dahil sa pagkamatay ng Kuya niya. Pinilit niyang makamove-on pero bumabalik pa din sa kanyang alaala ang pangyayaring nama...