Chapter 16 JS PROM

12.4K 349 9
                                    

Sandra POV

Pagkapasok ko sa bodega ay nanlaki mata ko ng makitang puro sugatan ang mga tauhan ko.

"Lead pinaasikaso na ni Cha yung mga namatay." sabi ni Kate sa akin.

Nilapitan ko ang isang tauhan ko na namimilipit sa sakit.

"Sino ang may gawa sa inyo nito?" seryoso kong tanong.

"Hindi po namin alam. N-nagulat na lang po kami ng may mga s-sumugod po agad dito." tinapik ko ang balikat niya saka lumapit kay Kate.

"Tingin ko si Blue may kagagawan nito." sabi ko habang tinitignan ang iba ko pang tauhan.

"Yun din ang hinala ko pati ni Cha." kunot noo sabi ni Kate.

Sinigurado muna namin na maayos ang kalagayan ng mga tauhan ko bago kami umalis. Kapag tama ang hinala ko na si Blue ang may kagagawan ng lahat, papatayin ko na talaga siya.

Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating na kami kila Meij.

"Lead si Ken oh." pinarada ni Cha yung kotse sa tabi kaya lumabas ako agad at nilapitan si Ken na kunot noo nakatingin sa akin.

"Gabi na ah, san kayo nanggaling?" tanong niya sa akin at tumingin kila Cha pati Kate na nginitian lang si Ken bago pumasok sa loob.

"May inasikaso lang. Ikaw bat andito ka pa? Gabi na ah." taas kilay kong sabi.

Kinagat ni Ken ang ibabang labi niya saka tumitig sa akin. Napalunok naman ako kasi grabe siya makatingin.

"Bukas, gusto ko ikaw ang partner ko para sa JS Prom." diretso niyang sabi.

"Sige. Walang problema." sagot ko.

"Sure?" nakangiti niyang sabi.

"Oo, yun lang ba ipinunta mo?" napangiti na rin ako. Yung ngiti kasi nito ni Ken nakakahawa.

"Oo eh, kanina pa kita sana aayain kaso bigla kang may lakad kaya hinintay na lang kita dito." kinamot niya pa yung batok niya kaya tinapik ko balikat niya.

"Sige na umuwi ka na." sabi ko at gabi na. Mahirap na baka mapano pa siya.

"Yung mga sugat mo sa mukha, yung iba hindi pa gumagaling. Nilalagyan mo ba ng gamot yan?" nanigas ako ng hawakan ni Ken ang ibabang labi ko.

"Ginagamot ko naman. Sige na umuwi ka na at gabi na oh!" tinulak tulak ko siya para pumasok na sa kotse niya pero hinawakan niya ang magkabila kong kamay.

"Pero kahit may sugat yang mukha mo, maganda ka pa din sa paningin ko." kumindat pa ang loko kaya napairap ako. Nagawa pang mambola.

"Oo na, umuwi ka na sabi." kunwari naiinis na ako pero tumawa lang si Ken at hinalikan ang noo ko.

"Sige na pumasok ka na sa loob. Goodnight." nakangiti niyang sabi kaya inirapan ko na lang siya at pumasok na sa loob.

Pagkalock ko ng pinto agad napataas kilay ko dahil mga nakadungaw pala sa bintana itong si Meij, Kate at Charice.

"Anong meron?" sarkastik kong tanong.

"Nagkiss kayo?" tanong ni Cha.

"Hindi, mga iniisip niyo." inirapan ko sila at naupo sa sofa.

"Ano pinag usapan niyo?" takang tanong ni Meij.

"Partner kami sa prom. Asan na yung designer? Diba susukatan tayo ngayon?" kunot noo kong sabi.

The Gangster Is A Nerd? (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon